30
“Edi kayo na. Kayo na talaga may lovelife!” Pangiinis ni Bettina nang makalabas kami ng classroom.
Nandun na kasi si Zach, naka sandal sa may pader ng classroom namin. Kanina pa siguro siya dyan sa labas, pambihira kasi si Miss Minchin! Ang tagal nung homeroom. Kala mo naman major major major subject. Tss.
Ang sabihin mo, excited ka lang Joey.
“Tumigil ka nga dyan Bettina.” Sabi ko sabay sapak sa kanya.
“Kailangan talaga Joey nananapak? Pag kinikilig nananapak?!” Exaggerated na sabi ni Bettina.
“Sira! Hindi ako kinikilig ‘no!” Sabi ko sabi sabay sapak ulit sa kanya.
“JOEY! YUNG MUKHA KO. Ano ba?! Hindi basta basta sinasapak ang pagmumukhang ‘to!” Patuloy niyang sabi. Sabay turo sa mukha nya at hinihimas himas pa na parang kala mo takuri ng genie.
Takuri talaga Joey? Takuri? HAHAHAHA.
“Bettina? Pwede ba? Sabi sayo. ‘Wag kang nagsasasama madalas kay Wilson eh. Ayan you talk like Wilson na!” Sabi ko. Sabay tingin kay Zach sa kanan ko na parang nagpipigil ng tawa. “At ikaw? Ano naman ang tinatawa tawa mo dyan?”
“Hindi ako tumatawa ‘no.” Pag dedeny naman ni Zach.
“Woo. Sige deny ka pa. Sa iba lalabas yang pagpipigil mo ng tawa.” Sabi ko.
“Ikaw talagaaaaa!” Sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.
“ZAAAAACH!!!! ARAY!!!!!” Sigaw ko, hahampasin ko na sana siya pero nakailag na siya agad. “Sabi nang ayokong kinukurot yung pisngi ko eh! Kainis ‘to!”
“Suuuus! Ayaw pa daw nya.” Bulong ni Bettina habang inaangat baba yung kilay nya.
“Alam mo Bettina, tantanan mo yung ganyang mukha. Mukha kang manyak.” Sagot ko.
“Hay nako. Ewan ko sayo Joey!”
Nasa school grounds na kami nang makita namin sila Wilson at Fourth na naglalaro, habang si Greg naman ay nakaupo lang sa bench sa gilid ng court.
“TIN TIN!!!!” Sigaw ni Wilson nang makita si Bettina, todo kaway pa siya samin kahit medyo malayo layo pa kami.
“Edi kayo na. Kayo na talaga may lovelife!” Pangiinis ko kay Bettina.
“HEH! Gaya gaya!” Sabi niya sabay irap. “Oh sige na. Lumayas na kayo. Alam ko namang kating kati na kayo magdate. Tseh.” Biro niya sabay kaway.
Kumaway na lang kami sa kanilang apat, at sumenyas na mauuna na kami.
“Parang ngayon ko lang ulit nakita si Fourth?” Sabi ko kay Zach, nang natahimik kami habang naglalakad sa school.
“Alam mo naman yung pinsan mo.” Sagot niya. “May bago yatang girlfriend. Narinig ko silang naguusap ni Wilson, pero ayaw naman magshare sakin.” Sabi niya na para bang nagtatampong bata.
Hay Zach. Wag ka ngang ganyan. Ang cute mo masyado anak ng tinola.
BINABASA MO ANG
Meet Me Halfway
Teen FictionPrologue He loves shrimp And I’m allergic. He’s smart So I let him do my homework. He’s pretty creative While I’m not productive. He doesn’t want fights So I kick him most of the time. He’s too sensitive And I don’t care. We’re differ...