Seventeen

314 14 2
                                        

17

ZACH

Lumipas ang mga araw at Sport Fest na.

Nagkalat ang mga students sa field.
Mga nagppractice ng basketball, volleyball at badminton.
Yung iba naman nagppractice para sa cheer dance mamaya.

Humupa na din yung usap usapan tungkol dun sa kumalat na pictures at video last week. Buti naman at lalong mabuti at hindi na nakarating sa faculty.


Habang nagro-roam ako sa field nakasalubong ko si Joey, kasama niya si Virla. 
Hindi pa kasi nakakalabas sa ospital si Bettina dahil sa dengue.

Napatingin siya sakin at agad naman ding umiwas ng tingin.

“Dude, ano ba. Seryoso si Fourth sa kanya eh. Wag ka ng makigulo.” Sabi sakin ni Greg.

I decided to tell him everything, 
About my feelings for Joey, about what really happened between me and Katie, yung tingin kong feelings din sakin ni Joey pati na rin yung gulo samin ni Fourth.

Kailangan ko na kasi talaga ng mapagsasabihan nito.
Gulong gulo na yung utak ko eh.
At ang labo labo na.  

“Ewan ko ba, believe me. Gusto kong umiwas pero ewan... Hindi ko kaya, hindi ko kaya---”  
“Then kayanin mo. Tiisin mo kung kinakailangan. Ano ka ba Zach? Kaibigan natin si Fourth. Magkakaibigan na tayo simula pa noon...” He said. “Wag mo naman itapon lang lahat ng yun basta basta just because of a girl.” He sighed. 

“Best friend mo siya Zach... At alam ko na alam mong ngayon lang siya nagseryoso sa babae... Sana ipaubaya mo na sa kanya yun...” 



Ipaubaya mo na siya...

“Hey Zach! Maglalaro ka ba mamaya?” Virla asked.

Habang si Joey naman nakatingin lang sa ibang direksyon.  

“Ah. No, hindi naman ako magaling sa ganyan eh. I’ll support my section lang – pwede ding towel or water boy.”  I kidded.
“Sira ka talaga. Okay lang yan, at least hindi masyadong sasama loob mo pag natalo kayo ng section namin.”  She smirked.
“Ha. Goodluck with that.”  
“Joey and I are going to play later sa Basketball Girls. Kaya for sure, taob na kayo.”  Pagmamayabang niya.

“Tss. Siya? Maglalaro?” I said as I point Joey. “Mas maraming matatangkad na babae samin ‘no, for sure kayo ang matatalo.” 

“Tss. Asa ka pa.”    Joey hissed.
“Ha! We’ll see. Anyway, goodluck na lang sa inyo.” Then they left.


Habang naglalakad sila palayo...

Tinignan ko lang yung likod ni Joey...

“Wag mo naman itapon lang lahat ng yun basta basta just because of a girl.


Ipaubaya mo na siya...

Wag ka ng makigulo...


“Good luck Joey... I’ll support you later.”

***

Lumipas ang oras at nagumpisa na yung basketball tournament ng batch namin.
Today is basketball then tomorrow naman yung volleyball kasunod ng badminton.

Meet Me HalfwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon