Twenty Seven

227 10 2
                                    

27

Hindi na ako nakareply kay Zach nang biglang may pumasok na lalaki. Titig na titig siya sa cellphone nya habang naglalakad papasok ng bahay, nakalagay sa pocket nya yung left hand nya at ngingisi ngisi sa kakatext.

“Presbi!” Tawag ni Jennifer sabay takbo doon sa Presbi na para bang longtime friends sila.

Agad naman naagaw nito ang atensyon ni Presbi at napaharap sa direksyon nya.

“Oh. Jennifer—” Sagot nya na nakangiti din, pero nang biglang magkatagpo yung tingin namin biglang nagbago yung expression nya.

Naging blanko at nagtaas pa ng kilay.

Okay. Anong problema nito?

“Eto ba yung Louise?” Sabi nya ng diretso na para bang ang baba baba ko sa kanya.

Eto ba yung Louise?

Okay ka lang? Ano ako? Gamit? Bagay? Ganon?!

“Ah.. Oo Presbi. Kakarating lang din nila halos ng Mommy mo—” Naputol ang sinasabi ni Jennifer nang biglang narinig ko ang sigaw na excited na excited ni Mommy.

“Presbi anak!” Tawag nya, sabay nagmamadaling bumaba ng hagdanan.

Nang nakita nya si Mommy, umaliwalas ulit yung mukha nya. Ngumiti na ulit siya na parang ang saya saya nya.

“Mom!” He greeted sabay yakap ng mahigpit kay Mommy.

“Oh hijo, how was your trip?” Tanong ni Mommy na mukhang excited na excited.

“It was so so Ma. Puro lakad lang ang ginawa namin sa Korea. Nakakapagod.” Sagot nung Presbi na parang bored na bored siya sa Korea.

EDI IKAW NA.

IKAW NA ANG NA BORED SA KOREA. -_-

“But at least, pasado na ako sa International Studies 101.” Sabi nya ng at ngumisi bigla.

“Ikaw talagang bata ka--” Nagtatawanan pa sila ni Presbi nang mapaharap sakin si Mommy.

Yeah right. Nandito ako. Nanonod lang. Sige go lang. Wag nyo na akong pansinin. Tss.

“Oo nga pala Pres, nandito na si Louise.” Sabi ni Mommy sabay senyas sa akin na lumapit.

Napansin ko agad ang pagtaas ng kilay ni Presbi habang tinitignan ako. Parang tinitignan nya bawat detalye ng mukha ko – and I’m sure na-judge na nya ako.

Pag si Jennifer yung kausap nya at si Mommy panay ang ngiti nya, tapos pag ako na nagiging blank sabay taas ng kilay.

Ano problema mo aber?

Nagaalinlangan pa ako kung lalapit ako o ano, pero nang mapansin ko na lalong lumala yung pagkairita sa mukha nung Presbi eh lumapit na lang ako.

Meet Me HalfwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon