Twenty Nine

283 9 6
                                    

29

JOEY'S POV

Mabilis na lumipas lang ang weekend. Halos di ko naramdaman yung linggo kasi buong araw ata ako tulog na tulog. Hindi ko na rin nakita ulit si Presbi, pero sabi ni Jennifer malamang daw may lakad na naman yun. Sobrang gala daw kasi yung lalaking yun. Oh well, halata naman. HAHAHAHA.

Lunes ulit nang ihatid ako ni Mommy sa school, sinabi ko na nga sa kanya na di na kailangan pero hinatid pa din nya ko. Sabi nya, hinding hindi daw pwede sa kanya ang nagcocommute - hindi daw safe iyon, sobrang delikado. Mamaya pa raw at kung ano mangyari.

"Ma. Seriously, wag ka masyado magaalala. Naglalakad nga ako noon eh-" Hindi pa ako nakakatapos eh agad na nya agad pinutol yung sasabihin ko.

"Sabi ko naman di ba, ngayong magkasama na tayo. Hinding hindi na kita papabayaan. Kaya drop it okay?" She said sabay ayos ng kwelyo ng uniform ko.

"Okay okay." Sabi ko sabay bukas ng pinto nang sasakyan. Ewan ko ba dito sa Mommy ko, sobrang OA sa safety. Alam ko naman na syempre importante yun pero... wala anyway-

"Oh. Magingat ka sa school ha? Tawagan mo ako kung may problema ba o ano. Have fun! Love you!" Kaway ni Mommy.

"Ingat din Mommy! Love you too!" Sagot ko, kahit medyo nahihiya.

Heee. Love you too - di talaga ako sanay. Pero masarap pa din naman sa pakiramdam ano.

Pumasok na ko kagad sa school.

“Hi manong!”   Bati ko kay Manong guard.

“Naks. Bagong buhay ka na talaga bata.” Sabi ni Manong.

“Oo naman no!”

Habang papunta sa lockers hallway – nang may nakakalokong ngiti sa mukha ko. Sorry, hindi ko talaga mapigilan eh. Sobrang good vibes lang ng mga nangyayari sa buhay ko.   

Okay na si Zach at Fourth, okay na din kami ni Zach – what I mean with okay is OKAY like OKAY (Whut?)    and of course, nandito na yung Mom ko.

See? Kung gano ka-good vibes yun---

 ...

“WHAT THE HELL???”  

May paper na nakadikit sa locker ko with these words.

B!tch! GO TO HELL! Kadiri.

Asa ka naman. Hindi kayo bagay ni Zach!

Low level. Mukha kang katulong! Bobo!

Leche! BADTRIP MUKHA MO.

Sila Katie na naman ba ‘to? Seriously? Hindi pa ba sila pagod---  

Nang bigla kong narinig na may paparating – nagaaway yata.

“It’s not me. How many times do I have to tell you that?!”    Si Katie pala saka si--

“Sino pa ba gagawa nun? You did it before. Katie---” Zach...

“SHUT IT! Sabi ko ng hindi ako gumawa nun---” Patuloy padin na sigaw ni Katie.

“Oi.” I greeted them.

Nagulat sila ng makita ako dun.

“Joey... Kanina ka pa dyan?” Zach asked me, kita ko agad sa mukha nya ang pagaalala. 

OA ZACH. Parang eto lang eh-

“Hindi naman, kararating lang---” Sagot ko, medyo pasweetums. Landi. HAHAHAHA.

Meet Me HalfwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon