Twenty Eight

254 11 4
                                    

Z: Di ko alam ba't ang sipag ko magupdate ngayon. HAHAHA. Sorry nasstress ako sa work. Kailangan ivent. Whut. Anyway, enjoy!

At dahil nabitin ka bossvieel22 - I dedicate this for you. Dahil natuklasan ko yung Dedication feature ni WP. HAHAHAHA #taongbundok

---

28

JOEY'S POV

Pagkatapos ng halos buong araw na pagkuskos nila sa paa at kamay ko. At sa kung ano anong pinaggagawa nila sa buhok ko ay natapos na din… SA WAKAS.

Halos naikwento ko na ang buong buhay ko kay Mommy habang nagpa home service kami sa bahay dahil sa tagal ng pinaggagawa nila sakin.

GRABE. NAREALIZE KO LANG.

ANG HIRAP MAGING BABAE.

Nakwentuhan ko na din si Mommy ng tungkol kay Zach, Bettina, Fourth Wilson at pati na din si Greg at si Virla. Yun nga lang medyo nalilito pa sya who’s who. Ang kilala lang daw nya ay si Zach – pangiinis nya.

‘Tong nanay ko feel na feel naman si Zach.

Pero sa tuwing nalilihis yung usapan about sa pagiwan nya sakin ay ewan ko ba. Iniiba nya yung usapan?

Parang gusto nya yung tungkol lang sakin ang pagusapan wag yung tungkol sa kanya.

Gusto ko magtanong… For goodness’ sake. ANG DAMI KONG GUSTONG ITANONG. Ni hindi ko alam san magsisimula… Pero ewan, tuwing nakikita kong nawawala yung ngiti ni Mommy sa tuwing bumibwelo ako ay di na lang ako tumutuloy…

Aba. Bahala na. Ang importante masaya kami.

Saka na to.

--

“Miss Louise?” Katok ni Jennifer sa kwarto ko.

“Pasok ka Jennifer.” Sagot ko sabay harap sa kanya. “Sabi ko naman sayo kanina pa. Wag mo na akong i-Miss. Pakiramdam ko ang tanda tanda ko eh.” Biro ko.

“Wow Miss Louise! Bagay pala sa inyo naka dress eh!!” Sabi nya na parang excited na excited sya at sya tong may date.

Pinagpagan pa nya yung invisible alikabok sa palda at balikat ko ng lumapit siya sakin.

“At isa pa. Sabi ko wag Louise. Hindi ako sanay. Joey. Okay? Mas sanay akong Joey.” Sagot ko, di pinansin yung pagpansin nya sa dress kong chiks na chiks.

“Ang sungit naman nito.” Sabi nya.

Hindi naman super layo ng age gap namin ni Jennifer. Ang sabi nya sakin, magkasing edad lang daw sila ni Presbi. So… Matanda lang sya ng 2 years kung ganun.

Pero satin lang ha… Napansin kong medyo feeling close na agad ‘tong si Jennifer sakin. HAHAHAHAHAHA.

Meet Me HalfwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon