5
ZACH
Tss. Bakit ba ko nakokonsensya? Eh sa sama ng ugali non dapat natuwa pa ko’t narinig niya.
Humiga na lang ako sa kama ko. Ano ba naman, 10 pm na hindi parin ako makatulog, may pasok pa bukas. Pambihira.
Kinuha ko na lang yung iTouch ni Joey sa may side table ko at nakinig ng tugtog.
Actually, may lock code ‘to eh. Nahulaan ko lang – kapareho kasi nung combinations sa locker niya: 0, 2, 1, 4
And sa totoo lang, simula nung iniwan niya sakin ‘tong iTouch niya – nahihilig na ko sa mga rock songs and bands.
Naku, pag nakita niyo yung playlist ni Joey. Puro songs ng Paramore, The Maine, Linkin Park, Boys Like Girls, Avril Lavigne at iba iba pang bands.
Magaganda naman yung songs, although nung una kong tinry ‘tong iTouch, nabingi yata ako pagkaplay.
Meron din namang bands na gusto ko talaga like yung A Rocket To the Moon and Owl City. Nare-relax ako sa tugtog nila---
*KNOCK KNOCK KNOCK*
“Pasok po.”
Sumilip yung Lola ko.
Yes, may Lola pa ko and dito siya nakatira samin cause wala namang ibang kapatid si Mom and wala na din si Lolo.
“Hijo, pwede ka bang pumunta sa may botika sa may kanto? Naubos na kasi yung gamot ko. Wala na kong iinumin para bukas. Nahihiya naman akong magutos kay Yaya Josie niyo at natutulog na.” Sabi niya.
Alam niyo na, pag nagkaka edad talaga nagkakaron ng mga sakit. Although, healthy naman si Lola – sinusumpong sumpong lang talaga ng rayuma.
“Sige po La.” Sabi ko sabay bangon.
“Salamat Hijo.”
Bumangon na ko’t nagpalit ng shorts at nagjacket. Yung botika kasi, sa bandang labas pa kasi ng village– medyo malayo din. Saka medyo maginaw na, Ber months na kaya.
Safe naman sa lugar namin, tahimik at malinis. Kaya kahit ganitong oras, okay lang na pagala gala.
After a few minutes nakarating na ko sa botika and nakabili na din agad ng gamot, wala na kasing gaanong tao na bumibili kaya mabilis lang.
“Salamat po.” Sabi ko dun sa bantay ng botika.
Sa tabi nung botika, may 7-eleven. Kaya naisip ko ng dumaan, bibili lang ako ng kahit anong chips or biscuits.
Pagpasok ko, as expected medyo konti na lang yung tao.
Dirediretso ako sa may stall ng mga chips at kumuha ng cheetos. Mahilig kasi ako dito eh. Saka kumuha na rin ako ng apple drink.
Nung babayaran ko na---
“Joey??” Nagulat ako, na of all places at sa oras na yun – nasa convenience store siyang magisa...
At naka pajamas lang – mukha pang kakagising lang na ewan.
“Oi.” Tamad na tamad niyang sinabi. Wow, what a way to greet me.
“Anong ginagawa mo dito?” I asked--- Argh. Mali yung tanong ko, malamang pipilosopohin---
“Malamang bumibili.” See? Sabi na nga ba eh. “Magbabayad ka ba o hindi?” She asked.
“Sige mauna ka na.” I told her.
Nang pinauna ko siya, naglapag siya sa counter ng maraming candies: Skittles, nerds, mentos at marami pang candies at isang chuckie.
“Eto ang sukli mo Joey.” Sabi nung cashier. Kilala siya dito? Kaya pala hindi na gaanong pinapansin yung itsura niya – I mean, with her PJs.
Pagkabayad ko, nakita ko si Joey na umupo malapit sa salamin nung 7-eleven.
Mags-stay lang yan dito? Ng ganyan yung itsura niya?
Kaya nilapitan ko na siya.
“Dito ka lang?” I asked.
Tumingin siya sakin “Huh?” Sabi niya habang umiinom ng chuckie. Absent minded. Tch
“Sabi ko, mags-stay ka lang dito ng ganyan?” Sabi ko habang nakatingin sa itsura niya.
“Oo.” Then inialis na niya yung tingin niya sakin.
“Gabi na ah, umuwi ka na sa inyo. Delikado.” Totoo naman eh, kahit sabihin nating masama ugali nito, babae parin yan.
“Hindi.” Wow ha. One word answer.
“Baka hinahanap ka na ng parents mo, anong oras na oh---”
“Pwede ba? Wag ka ngang makulit.” Sabi niya sabay sip ulit sa chuckie niya... Na ubos na pala.
Kaya umalis muna ko saglit, kumuha ng chuckie at binayaran.
“Oh.” Sabay abot nung chuckie.
“Salamat.” Tinanggap naman niya yun agad – ng walang kahit anong side-comment.
Wow that’s new.
Tahimik lang siya, na nakatingin sa kalsada sa labas ng 7-eleven
Kaya umupo muna ako.
“Hindi ka pa ba uuwi? Gabi na kasi, baka hinahanap ka na ng parents mo?---”
“Wala yung parents ko sa bahay.” She said.
Ah. Kaya nag gagala ka ngayon.
“Hindi ka dapat umaalis sa inyo ng ganitong oras, lalo’t wala yung parents mo---”
“Wala yung parents ko sa bahay, never silang nandun.” She said, still facing the street.
Huh? Ano daw?---
“Wa---wala kang parents?” Tanong ko sa kanya.
“Technically.” Nakakainis namang sumagot ‘to. Pa isa isa.
“Eh... relatives?” I asked.
“Meron.”
"So, sila kasama mo sa bahay niyo?"
"Nope."
Nako. Nakakatamad talaga kausap 'tong si Joey.
“So... Magisa ka sa bahay niyo?”
“Magisa ako sa bahay ko.” She said.
What? Magisa siya? Sa bahay niya?
“Magisa ka lang?---”
“Oo nga, magisa lang since forever. Kulet.”
Napatingin ako sa kanya, pati sa mga binili niya.
Don’t tell me... Yan yung dinner niya? Chuckie?---
“Sige, inaantok na ko. Uuwi na ko. Bye.” She waved tas tumayo na.
Tinignan ko lang siyang lumabas ng 7-eleven at naglakad patawid sa kalsada – So nakatira siya sa katapat naming village.
Sa itsura niyang yun, malamang sa marami – may mant-trip na mga tambay jan. Kaya sinundan ko na siya.
Mabagal naman siyang naglakad kaya naabutan ko siya kagad.
Sinabayan ko siyang maglakad pero hindi niya ko pinapansin.
“Jo---”
“Achoo!” She sneezed.
Tinignan ko siya, medyo namumutla siya na ewan.
Teka, kaya pala ganyan na siya kanina pa...
“May sipon ka ah... Kasi naman lalabas labas ng naka pajamas---”
“After effect.” After-effect-what?
“Ano?”
“Tuwing nag aallergy ako, sinisipon o ano ako. Basta ganon.” She said as she brushes her sleeve to her nose.
Sh it. Ayan na naman, kasalanan ko ‘to eh...
“Sorry nga pala...” I apologized.
“Okay lang sanay na ko.” She said.
Sa ina-act niyang yan, mas nakokonsensya pa ko---
“Eto na yung bahay ko, papasok na ko.” Sabi niya nang huminto siya sa tapat ng apartment
Binuksan na nya yung gate then tumingin sakin.
Tumingin lang din ako sa kanya...
“Ah... papasok ka ba?” She asked then opens the gate again. “Paki-lock pag pasok mo.” Sabi niya then naglakad na siya papuntang pintuan.
Pagpasok ko...
Okay naman yung apartment, tama lang yung size para sa isang tao. Although may kaliitan.
Pagkapasok mo ng apartment ni Joey, nasa gilid yung sofa at TV then konting lakad yung dining area at kitchen na, konti pang lakad, may pintuan naman – siguro CR na yun. Then yung kama – o kwarto ni Joey, nasa pinakadulo. May divider lang pero wala namang pinto o saraduhan.
“Achoo!” Ayan na naman, sinisipon na naman siya. “Sige, matutulog na ko. Pag lumabas ka paki lock na lang yung pintuan at gate. Salamat.”Then pumasok na siya sa may kwarto niya at humiga.
Tignan mo ugali neto...
“O siya, aalis na ko ah. I-lolock ko don’t worry. I double lock mo na lang pag labas ko.” Then lumabas na ko.
***
On the next day...
Dismissal – Batch Meeting
“Please don’t forget my notes about your committees, I want it as soon as possible. Thank you, have a good day.”
Kakatapos lang ng meeting with the batch at matatapos na yung araw...
Matatapos na yung araw at hindi ko parin nakikita si Joey.
Ano kaya nangyari dun?
Chi-neck ko naman yung locker niya kanina, kung nakuha niya yung homeworks niya, eh mukhang nakuha naman niya. Kasi wala na dun sa locker niya.
Then sakto, I saw Bettina.
“Bettina.” I called her. “Si Joey?” I asked.
“Sabi niya sa text niya, hindi daw siya papasok co’z tinatamad daw siya.” She said like it’s the most normal thing to do.
“Ah ganun ba, pero napasa ba yung homeworks niya?” And look how stupid I am, worried pa ko kung napasa ba o hindi yung homeworks niya.
“Ah oo, kinuha ko sa locker niya kaninang umaga.” She said.
“Ah, o sige. Salamat.”
“Sige byebye!” Nagpaalam na siya at lumabas ng head quarters.
Habang naglalakad ako pauwi (Malapit lang kasi ‘tong school samin, dalawang kanto lang, tas tatawid.) hindi ko mapigilang hindi isipin yung sitwasyon ni Joey.
Wala siyang parents at magisa lang siyang nakatira sa apartment niya. Sa totoo lang...
Ngayon na alam kong ganun yung sitwasyon niya, naawa ako sa kanya...
Ng makadaan ako sa 7-eleven, naisip kong dumaan sa apartment ni Joey. Titignan ko lang kung ano ginagawa niya at nagawa pa niyang umabsent.
Nang makarating ako sa tapat ng apartment ni Joey, agad akong pumasok at kumatok.
Nakakailang katok na ko, pero wala paring bumubukas.
Tsk. Siguro nag gala lang yun kung saan.
Paalis na sana ako nang biglang binuksan ni Joey yung pintuan---
“Oh... Bakit?” She asked.
Yun padin yung suot niya, yung pajamas niya kagabi. At mukhang kakabangon lang niya sa kama..
“Bakit hindi ka pumasok?” I asked habang pumasok sa loob ng apartment niya. Siya naman, naglakad papunta sa kama niya at humiga.
“Tinatamad ako...” Yun lang yung sabi niya.
Lumapit ako sa divider nung kwarto niya – pero hindi pumasok. Still, kwarto padin ‘to ng babae. Hindi magandang tignan.
“Kala ko ba, delikado ka sa Calculus at Physics? Kung kailan malapit na magtapos yung 2nd quarter saka ka aabsent?”
Pero hindi siya nagsalita. Nakapikit lang siya.
“Hey Joey---” I called.
“Pwede mo ba kong ikuha ng tubig sa ref?” She asked, in the most polite voice that I heard from her. So-not-her.
“Tss. Ang tamad talaga.” Though pumunta naman ako sa kitchen para kumuha.
Pagbukas ko ng ref,
Walang kalaman laman.
Tubig lang at yelo. Wow. Kamusta naman.
Oh.” Sabi ko, habang inaabot yung baso ng tubig. (Nasa labas padin ako nung divider.)
“Pwede paabot?” She asked. Tss. Tamad tamad talaga.
“Oh, ang tamad tamad mo. Bumangon ka nga---”
Then, dun ko lang naramdaman...
Pagkaabot ko ng tubig sa kanya, tumama yung kamay niya sa kamay ko...
Ang init nung kamay niya...
Agad kong sinalat yung noo niya at leeg.
“What the fu ck Joey?! Ang init init mo!” I said. Pero wala siyang sinabing kahit ano, sa halip pumikit siya ulit at humiga.
“Joey, uminom ka na ba ng gamot?” I asked. Pero hindi siya sumasagot. "Or at least, kumain ng kahit ano??
Then I remember, last night, yung chuckie at yung mga candies lang yung binili niya sa 7-eleven.
At wala namang laman yung ref niya.
Malamang, hapon na. At kahit almusal, hindi pa siya kumakain.
Tch.
I texted Fourth, Wilson and GregGuys, if you can get Bettina’s number please paki kuha naman. I need it asap importante lang.
Tinext ko na din si Yaya Josie, inutusan kong bumili ng gamot at ng lugaw at ng pagkain - kung hindi siya makakapagluto, at dalin dito. Sinend ko na rin yung address ng apartment ni Joey.From: Wilson
Type mo si Bettina? Amp. Trip ko yun eh. BV ka.
Anyway, eto na nga 0915*******
Nako, Wilson di na nagbago.Quote
From: Fourth
0915*******Quote
From: Greg
0915*******
Wow ha. Minsan iniisip ko, pano nila nakukuha sa isang iglap lang yung numbers ng mga babae sa school namin. Basta number ng babae, parang mga hotline operators.
Then I called Bettina.Calling...
Bettina
“Hello?”
“Bettina, this is Zach”
“Oh Zach?! Napatawag ka?!” This is not the time to be hysterical Bettina ano ba.
“Si Joey may sakit, mataas yata yung lagnat niya.”
“Huh? Ano? Si Joey may sakit??! Pano? Teka, pano mo na laman??” Nagpapanic nyang tanong.
“Nandito ako ngayon sa apartment niya---”
“WHAT?! NASA APARTMENT KA NI JOEY?!”
“ANO?! SI ZACH NASA APARTMENT NI JOEY??” Narinig ko si Wilson sa kabilang linya.
Sh it. Naloko na...
Magkakasama pala silang lahat, pambihira.
BINABASA MO ANG
Meet Me Halfway
Fiksi RemajaPrologue He loves shrimp And I’m allergic. He’s smart So I let him do my homework. He’s pretty creative While I’m not productive. He doesn’t want fights So I kick him most of the time. He’s too sensitive And I don’t care. We’re differ...