Thirty Two

233 11 0
                                    

zedxxx: Grabe maeexpire na yata to. HAHAHA. 2 mos. ago pa daw yung update ko. Mahahabol na siya ni WHTU oh. LOL. Di bale. Eto naaaaa :3 

Hello~ naalala niyo pa ba 'to? HAHAHAHA.

32 – *SLAP*

 “C’mon, Zach. Kailangan mo kumain kahit konti.” I said for the nth time, nang maglagay ako ng plato na may pagkain sa harap niya.

We’re currently in the dining section ng Funeral Homes kung saan nakalagi ang burol ng Lola ni Zach – pangalawang araw na pero hanggang ngayon, ni-isang subo wala pa siyang kinakain. Panay kape lang ang iniinom niya simula kahapon.

God knows how much caffeine this guy already consumed.

“I’m not hungry, Joey.” He muttered as he continue to stare into nothingness.

Ganyan. Ganyan na ganyan siya pa lagi.

Simula nung dumating ako’t mahimasmasan siya, ay hindi na siya masyadong nagsasalita. Parang pagkatapos niya magburst out ay ayun na lang at naubos na ang lakas niya.

“Please?” I insist, habang sinusubukan pa siyang subuan.

“Stop it, Joey. I’m going inside.” He blankly said at mabilis na tumayo sa kinauupuan namin, at naglakad ng diretso papunta sa pintuan ng burol.

Wala na akong nagawa kung hindi bumuntong hininga na lang at panuorin ang likod nyang naglalakad papasok…

I’m sorry Zach… I’m really sorry…

“Thank you for being with him, Joey.” I heard someone said from my side.

It’s Zach’s Mom.

“Tita…” I greeted, at agad akong napayuko. I cannot meet her eyes. Actually, lahat ng kamaganak nila dito ay hindi ko matignan sa mata.

Of course, pano ko ba sila titignan sa mata kung pakiramdam ko, ako yung may kasalanan kung bakit namatay ang lola ni Zach. Pakiramdam ko, ako din ang sinisisi nila… Actually pati si Zach, ako malamang ang sinisisi.

Kinakain na ako ng hiya at ng guilt ko, pero eto ako’t makapal ang mukha at nagstay pa din.

“I’m sorry, Tita… I’m really sorry…”

“Joey… Ano ka ba… We’ve talked about this. You don’t have to apologize. Wala kang kasalanan at wala kang ginawang masama…” Mahinahon niyang sabi as usual. Parang siya pa ang nagcocomfort sakin sa mga nangyayari.

“Pero, Tita…”

“Hush hija… Stop blaming yourseld. Walang may gusto ng mga nangyari at walang may kasalanan na kahit na sino sa mga nangyari.” Sabi niya at niyakap ako ng mahigpit. “If there’s anyone to blame. It would be me—”

“No… No, Tita Don’t say that. Kung hindi dahil samin—”

“Sshh… Joey… Tama na. Masaya na at kuntento si Mama sa itaas…” Sabi niya at bumitaw sa pagkakayakap sakin. “Hindi na siya nahihirapan at nasasaktan. She’s in good hands now and I know she won’t be happy to see us sad from up there.” She said with a sad smile.

**

“Zach. Kumain ka na… Pangatlong araw na at wala ka pang kinakain na kahit ano. Drinking coffee isn’t good either. Please kumain ka na, walang maitutulong ang pags-starve mo dyan—”

Meet Me HalfwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon