Three

405 19 0
                                    

3

JOEY

On the next day...

Lunch time

“Kukuha lang ako ng gamit sa locker then I’ll meet you sa cafeteria.” Sabi ko kay Bettina, bago siya pumasok sa comfort room.

“Ipasa mo na rin yung form mo! Late ka na sa deadline!” She shouted.

Tss. Nagsalita ang on time, eh kaninang umaga lang naman niya pinasa yung form niya eh.

***

0, 2, 1, 4. And TADA! Bumukas na yung locker ko.  

Ang galing no?    

Agshdnskxcnslal!

“What the?” 

ANG LINIS NG LOCKER KO! Teka---

Sinarado ko agad yung locker ko at tinignan.

“Tama naman ah?” Locker ko naman ‘to...

...pero ba’t malinis---?

“Oh.” Sabi nung boses sa likod ko.

Paglingon ko, nakatayo si Zach – inaabot sakin yung Books and notebooks ko.

Yung homeworks ko...

Agad ko naman ‘tong tinaggap.

“Ahh...” 

“Ahh...--- What?” Sabi niya. “Kung gusto mo i-check mo pa yung mga sagot kung tama, but I doubt kung machecheck mo talaga. Anyway, inayos ko na din yung locker mo. Ang gulo kasi, kadiri. Parang hindi locker ng babae---”   Nangiinis pa eh.   

“Whatever   Oo nga pala.” Naalala ko bigla yung form. 

Kinuha ko agad yung form sa bag ko at iniabot sa kanya. 

“Nakalimutan kong ipasa sayo---”

“Late na ‘to ah?”   Sabi niya without accepting my form.

“Late mo din binigay eh.” I said.

“I gave it to you yesterday---”

“Sus! Kunin mo na nga! Kukunin mo din naman.”  Sabay talikod sa kanya.

Inayos ko na lang yung mga gamit na hindi na kailangan mamaya, para hindi mabigat sa bag.

“Nasan naman yung kapalit niyan?” He said.

Ay, oo nga pala. Tutulungan ko pa pala siya dun kay Katie. Tss.  

Ano ba naman kasing klaseng lalaki ‘to – walang ka moves moves.  

“1 stem of rose and a short note.” I said without even facing him.

Yun na yung pinaka gasgas na alam ko 

“Huh?” Kahit hindi ako nakaharap sa kanya, naiimagine ko na yung engot niyang mukha.  

Tss. Pano ba napunta sa first section ‘tong lalaking ‘to? Simpleng ganun hindi alam.  

“Bumili ka ng 1 stem ng rose - yung malaki. Then, lagyan mo ng note. Iwan mo sa locker niya.” I explained.

Meet Me HalfwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon