01

2.5K 78 5
                                    

Shane

School will start two days from now on. At mabuti nalang nakahanap ako ng apartment na titirhan na malapit lang sa school. I found it online and afford ko naman bayaran iyon.

Ngayon na ako lilipat at bitbit ko na yung mga gamit ko. May pupunta rin dito mamaya at tutulungan ako sa pagbitbit ng gamit ko.

Nakipagkita na ako sa landlady, na si Mrs. Rosita, at sinamahan nya na ako papunta sa magiging apartment room ko.

"Naku, ang dami rin mga estudyante na katulad mo ang bumili ng mga kwarto dito."

Kwento ni Mrs. Rosita.

"Malapit lang daw kasi sa eskwelahan nila kaya dito nila naisipan tumira pansamantala."

Dagdag nya at napahalakhak ng onti. Ngumiti nalang ako at tsaka tumango-tango. Sabi rin pala sa akin ni Mrs. Rosita na may nakatira rin dun sa apartment na binili ko. At sabi ko naman na wala naman problema sa akin yun. Basta mabait yung magiging roommate ko. HAHA!

Ng makarating na kami sa apartment room ay humarap sa akin si Mrs. Rosita.

"O sya, maiiwan na kita dito. Wag ka mag-aalala, yang roommate mo ay mabait naman at minsan lang lumabas. Magiging close rin kayo."

"Sige po. Salamat rin po."

Sabi ko at nagpaalam na sya sa akin tsaka naglakad palayo. Ng makaalis na sya ay humarap na ako sa pintuan kung saan may nakalagay na kung anong room number ito.

Room 109

Huminga muna ako ng malalim bago dahan-dahan kumatok. Alam kaya nung nakatira dito slash future roommate ko na may bago syang kasama?

"Pasok."

Rinig kong boses mula sa loob. Oh god, ano kaya tsura nya? Hinawakan ko na yung doorknob at pinihit ito. Ng mabuksan ko na yung pinto ay pinagmasdan ko yung paligid.

Sa aking harapan ay andun yung sala. Nasa kaliwa yung maliit na TV at nasa kanan naman yung sofa na mukhang dalawang tao lang ang magkakasya roon. Sa gitna ay may center table rin. Sa kanan ko naman ay mayroon maliit na kusina. May dalawang upuan at isang pabilog na lamesa. At sa kaliwa ko naman ay cr. Sa gilid nung tv ay mayroon pintuan dun at sa may gilid rin ng sofa ay may pinto rin dun. Yun siguro yung kwarto.

Pumasok na ako at dahan-dahan sinara yung pinto. Nilapag ko na gamit ko at tsaka muling pinagmasdan ang paligid. Ayos naman sya at pang dalawang tao lang talaga yung lawak netong kwartong to.

"Ikaw ba yung bago kong kasama dito?"

Di ko maiwasan magitla ng may narinig akong boses na sobrang lalim. Napatingin ako sa may kusina at may nakitang isang lalaki na nakaputing t-shirt at umiinom ng tubig habang nakatingin sa akin. So, sya ang magiging roommate ko?

"O-oo ako nga.."

Sabi ko. Matapos nyang uminom ay nilapag nya na yung baso at naglakad papalapit sa akin. Teka, parang pamilyar sya sa akin..

Tumayo sya sa harapan ko at dun ko lang napagtanto kung sino sya.

"Long time no see, Shane."

Nakangisi nyang sabi sa akin. Nanlaki tong mga mata ko. Oh my god. Ang taong kaharap ko ngayon ay yung taong gumulo ng buhay ko noon at ng dahil sa mga pang-asar nya sa akin ay mas lalong gumulo ang buhay ko nun.

Lee Felix, pinaka worst kong enemy!

"Sa lahat ba naman na pwede, bakit ikaw pa ang magiging roommate ko?!"

ROOMMATE. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon