39

908 31 5
                                    

Shane

"Hi Shane! Kagrupo mo rin ako sa experiment!"

Sabi sa akin ni Hyunjin. Napangiti nalang ako sa kanya. Matapos nun ay pinagmasdan ko silang magkakaibigan na nag-uusap. Nandito ako sa sala at kasama ko sina Hyunjin tsaka Changbin. At yung iba naman ay nasa kusina na kumakain pa rin hanggang ngayon. Si Felix naman ay may binili lang daw. Masaya silang kasama at kausap tho. Kahit na ang kukulit at ang iingay nila.

Maya-maya ay nakabalik na si Felix at naupo sa tabi ko. Bigla naman nagsi "uyy" sina Hyunjin.

"Girlfriend mo na ba sya, Felix?"

Tanong ni Hyunjin. G-girlfriend?! Napatingin naman sa akin si Felix.

"Hindi.."

Sabi nya. Ok..

"Pa."

Dagdag nya at gulat naman akong napatingin sa kanya. Dahil dun mas lalo tuloy kaming inasar nila Hyunjin at mabuti nalang di naririnig nung iba na nasa kusina. Napatingin muli sa akin si Felix at nginitian ako ng nakakaasar. Natawa nalang ako at bahagya syang tinulak.

Matapos nun ay nagkwentuhan kami. Pero di naman ako makarelate dahil puro laro pinag-uusapan nila. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ko si Felix na nagsasalita. Di ko alam kung bakit napapangiti rin ako sa tuwing napapangiti sya at natatawa pag napapatawa sya.

Kung dati lang pag tinitignan ko sya nun nababadtrip agad ako kase alam ko na aasarin nya nanaman ako. Haha.

Patuloy pa rin sila sa pagkwento tungkol sa laro hanggang sa may biglang nabanggit si Hyunjin.

"Oo nga pala, kelan pala alis mo?"

Tanong nya, dahilan para mapaupo ako ng maayos. At mukhang di lang ako ang nakarinig dahil maging yung iba na nasa kusina ay narinig yung sinabi ni Hyunjin.

"Alis? Aalis ka, Felix?"

Tanong ko kay Felix. Di naman agad sya nakapagsalita. Nagsalita ulit si Hyunjin.

"A-ah, ang ibig kong sabihin, kelan nya aalisin yung dinala nyang pusa sa bahay namin."

Sabi ni Hyunjin. Napatingin naman ako kay Felix na tumango-tango. Napatingin naman sa akin si Felix.

"May alaga kasi akong pusa eh. Eh kaya lang ayaw ni Mrs. Rosita na may hayop dito kaya sa bahay nalang ni Hyunjin ko dinala."

Paliwanag nya at tumango-tango nalang ako. Kinabahan naman ako. Akala ko kung ano.

• • •

"Bye Felix!"

Paalam nila. Ng makaalis na silang lahat ay sinara nya na yung pinto. Ngumiti sya sa akin tsaka ginulo tong buhok ko at dumiretso sa kusina. Sinundan ko sya.

"Pst."

Tawag ko. Agad naman syang napatingin sa akin.

"Why?"

Tanong nya at uminom ng tubig. Bigla ko nalang naalala yung babaeng kausap nya nun. Gusto kong itanong kung sino yun pero baka magalit o magtaka sya sa akin. Napahinga nalang ako ng malalim.

ROOMMATE. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon