44

820 32 1
                                    

As soon as I got home, I went straight to my bedroom and locked the door. Humiga ako sa aking kama at tinakpan sarili ko ng kumot. Di ko nanaman mapigilang umiyak. Sobrang sakit. Sobrang sobrang sakit.

Narinig ko tumutunog cellphone ko. Pagtingin ko ay nakita kong tumatawag sa akin si Felix. Tapos sya naman ngayon tatawag? Di ko sinagot iyon.

Ilang beses syang tumatawag sa akin pero ayaw kong sagutin iyon. Oo na selfish na ako. Pero once na nasaktan ka, di mo na rin mapipigilang maging selfish eh just for once.

I never stopped crying. It just fucking hurts so much.

Maya-maya ay narinig kong may kumatok sa pinto and I heard Felix's voice.

"Shane, please. Buksan mo tong pinto."

He pleaded as he knocks on the door repeatedly. I just closed my eyes and forced myself not to open the door.

"Shane, I'm sorry. Sorry kung di ko nasabi agad sayo. And kung iniisip mo na wala lang ikaw para sa akin, nagkakamali ka. Shane, mahal kita. Mahal na mahal kita.."

He said. Why is it so hard to believe what he just said?  I did not utter any word and just cried until I fell asleep.

• • •

The next morning pagkagising ko ay sobrang sakit netong mata ko. Umiyak ba naman buong gabi. Dumiretso na ako sa cr para maghilamos. Pagtapos ay lumabas na ako.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nakaupong natutulog sa sofa si Felix. Pinagmasdan ko sya and I noticed that his eyes were also red. And he kept mumbling my name.

"Shane...shane..."

I just sighed and went to the bathroom para maligo na. Nagbihis na ako ng school uniform at hanggang ngayon di pa rin gising si Felix. Pumasok ako sa kwarto nya at kinuha yung unan at kumot nya. Dahan-dahan ko sya hiniga sa sofa tsaka kinumutan. He still keeps mumbling my name.

Pumasok na ako sa school.

• • •

Late na nakapasok si Felix. Medyo magulo pa yung buhok nya at gusot-gusot pa yung polo nya. I sighed at umiwas nalang ng tingin.

Di sya naupo sa tabi ko at sa ibang upuan sya umupo, malayo sa akin. Naramdaman kong kinalabit ako ni Joy.

"Nag-away ba kayo ni Felix?"

Tanong nya. Napatingin muli ako kay Felix at walang kaemo-emosyon yung mukha nya. I sighed. At di na sinagot muna yung tanong ni Joy sa akin.

Pagsapit ng lunch time ay naunang lumabas si Felix.

"Ok lang ba si Felix? May sakit ba sya?"

"Di ko alam."

Sabi ko at naglakad na rin palabas. Nawalan ako ng gana kumain kaya sa rooftop nalang ako dumiretso.

ROOMMATE. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon