29

855 38 16
                                    

Felix

Habang naglalakad ako sa hallway ay nakasalubong ko yung bf ni Shane. Nagulat nalang ako ng bigla syang lumapit sa akin at humarang sa dinadaanan ko.

"Problema mo?"

Tanong ko sa kanya. Di ko alam ba't ang sama ng tingin netong lalaking to sa akin.

"Pwede ba, layuan mo si Shane."

Sabi nya at napataas naman ako ng kilay.

"Ang kapal talaga ng mukha mong dumikit sa kanya kahit na alam mong boyfriend nya ako."

Dagdag nya. Di ko gusto tono ng pananalita nya ah.

"Kaya please lang, layuan mo girlfriend ko."

Sabi nya at nilagpasan ako. At sinadya nya pa talagang banggain tong balikat ko. Napangisi ako at tinawag sya.

"Hoy."

Sabi ko. Tumigil naman sya sa paglalakad at nilingon ako.

"Gusto ko lang ipaalala sayo na kahit girlfriend mo man sya ngayon, ako pa rin ang nauna kesa sayo."

ROOMMATE. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon