Hanggang ngayon di ko pa rin makalimutan yung ginawa ni Felix kagabi. Yung hinalikan nya ako sa pisngi ko..
Dahil dun di tuloy ako nakatulog ng maayos kagabi! Bwiset!
Parang nahihiya na tuloy akong harapin sya!
"Shane?"
Natauhan ako ng tawagin ako ni Joshua. Agad ako napatingin sa kanya.
"B-bakit?"
"Nakatulala ka nanaman dyan.."
Nakangiti nyang sabi sa akin sabay kurot sa aking pisngi. Bigla nalang sya nagpacute.
/ joshua's visuals is no joke y'all! he's truly an angel ♡ /Di ko maiwasan mapangiti dahil ang cute nyang tignan.
"O ayan nakangiti ka na ulit."
Sabi nya. Hays. Alam nya na talaga kung pano ako pangitiin.
"By the way, busy ka ba mamaya?"
Tanong nya sa akin. Sasabihin ko na sanang hindi ng maalala kong sasamahan ko nga pala ngayon si Felix maghanap ng part time job.
"Um, may sasamahan ako ngayon eh."
"Oh. Sino? Si Joy?"
Tanong nya. At pagbanggit ko ng pangalan ni Felix ay bigla nalang nawala yung ngiti sa labi nya.
"Why him? San kayo pupunta?"
"W-wag ka mag-alala. Sasamahan ko lang sya maghanap ng part time job. At baka humanap na rin ako.."
Sabi ko. Saglit syang tumahimik.
"Hey. Please wag kang magalit kay Felix. Wala naman syang ginagawang masama.."
"I'm getting jealous now that you're defending him."
Sabi nya at di naman ako nakapagsalita agad. Hays, eto nanaman kami. Napahinga sya ng malalim.
"Mag-message ka nalang sa akin pag tapos na kayo."
He said and stood up. At naglakad na sya palabas ng canteen. Wala na akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga nalang.
BINABASA MO ANG
ROOMMATE.
Random❛❛ sa lahat ba naman na pwede, bakit ikaw pa ang magiging roommate ko?! ❜❜ ⟶ ѕĸz ѕerιeѕ #5