33

863 32 2
                                    

Shane

Ilang oras akong nakatulala ng di ko namalayan na lunch time na pala.

"Uy Shane."

Natauhan ako ng tawagin ako ni Joy.

"Ok ka lang?"

"O-oo naman. Teka, asan si Felix?"

Tanong ko. At bigla naman syang ngumiti. Yung ngiting nang-aasar.

"S-seryoso kasi. Asan sya?"

"Asus. Lumabas na agad sya may pupuntahan lang daw."

Sabi nya at tumango nalang ako. Sabay na kami lumabas at paglabas namin ng classroom ay nakita namin si Joshua. Agad syang lumapit sa akin.

Bigla ko nalang naalala yung nangyari kagabi. Bakit ganun? Bakit di ko naramdaman yung spark nung halikan nya ako? Di kaya–

"Shane?"

Natauhan nanaman ako.

"Hay nako. Palagi ka nalang natutulala."

Sabi ni Joy at umiling-iling pa sa akin. Bigla naman hinawakan ni Joshua yung kamay ko. Dahan-dahan naman akong napatingin sa kamay namin. Kung dati lang kinikilig pa ako pag hinahawakan nya kamay ko pero, bakit ngayon hindi na?

"Tara na."

Sabi ni Joshua at sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa canteen.

• • •

"Oo nga pala, ngayon ka na ba magsisimula sa part time job mo?"

Tanong sa akin ni Joshua. Tumango naman ako.

"Oo.."

Sabi ko. Oo nga pala, ngayon nga pala ako magsisimula dun sa part time job ko. Sabay nga pala kami ni Felix ngayon. Speaking of him, asan kaya sya?

Pagtapos kong kumain ay nagpaalam ako na mag-ccr lang ako. Habang naglalakad ako sa hallway ay di ko akalain na makakasalubong ko dun si Bambam. Ngumisi sya sa akin at sinamaan ko sya ng tingin. Tsk

"Hi Shane."

Bati nya sabay humarang sa dinadaanan ko. Napahinga ako ng malalim.

"Anong kailangan mo?"

"Hinahanap mo ba si Felix?"

Tanong nya. Di ko sya pinansin at nilagpasan sya.

"May kausap sya dun!"

Sigaw nya. Tsk. Anong pinagsasabi nya? Napailing-iling nalang ako at papasok na sana sa cr ng may nakita akong dalawang tao na nag-uusap sa di kalayuan.

Agad ako nagtago at dun ko napagtanto na si Felix yun na may kausap na babae. Nakangiti sya habang kausap nya yung babae.

Di ko alam kung bakit may kung anong kumirot sa puso ko habang pinagmamasdan sila. Bakit ba ako nagkakaganto?

Naglakad na sila paalis. Bigla naman akong napaisip. Sino yung babaeng yun?

ROOMMATE. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon