13

992 40 18
                                    

Felix

Pag-uwi ko ay akala ko nilock na ni Shane yung pinto pero thank god dahil hindi nya ito nilock. Pumasok na ako sa loob.

"Mabuti naman hindi mo–"

Natigilan ako ng makita kong mahimbing syang natutulog sa sofa at bukas pa yung tv. Jusme, nakatulog na nga sya.

Sinarado ko na yung pinto at naglakad papalapit sa kanya. Kinuha ko yung remote at pinatay na yung tv. Nagsasayang rin sa kuryente tong babaeng to eh.

Lumuhod ako sa tapat nya at di maiwasan pagmasdan ang maamo nyang mukha. Namalayan ko nalang na inilapit ko kamay ko sa kanyang mukha at dahan-dahan hinawi ang buhok nya. Dun ko naramdaman ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Ano bang meron sayo, Shane?

Napansin ko na ang laki rin ng pinagbago netong babaeng to. Dati nung elementary pa kami ay nakasalamin sya at laging nakabraid pa yung buhok. Yung mga typical nerdy look. Lagi ko syang inaasar nun dahil ang sarap nya kasing asarin. Hindi ako nagsasawang asarin sya at naeenjoy akong makita yung reaksyon nya. Walang araw atang lumipas na di ko sya inaasar. I just love teasing her.

Napangiti ako sa mga naisip ko. Sobrang saya ko lang na makita muli sya. At di ko alam kung bakit...

Dahan-dahan ko na sya binuhat at dinala sa kanyang kwarto. Dahan-dahan ko rin sya inihiga at tsaka kinumutan.

"Goodnight, Shane."

Sabi ko bago ako lumabas sa kwarto nya.

ROOMMATE. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon