34

899 32 17
                                    

Pagtapos ng klase ay nilapitan ako ni Felix.

"Hey, sabay na tayo?"

Tanong nya. Ngumiti ako tsaka tumango nalang. Bigla nalang nakisali si Joy.

"Uyyy. What is the meaning of this?"

"Mind your own business."

Sabi ni Felix sa kanya. Nagpout nalang sya. Nagpaalam na ako sa kanya at naglakad na kami palabas ni Felix. Gusto ko sana itanong kung sino yung babaeng kausap nya kanina pero baka magtaka sya kung pano ko nalaman na may kausap sya.

Paglabas namin sa school ay nakita namin si Joshua.

"Hatid na kita."

Nakangiti nyang sabi sa akin. Napatingin naman ako kay Felix at sa kanya.

"Umm..sige."

Sabi ko at sabay na kaming tatlo pumunta. Habang tinatahak namin yung daan ay tahimik lamang kaming tatlo. Feeling ko may namamagitan na tensyon sa dalawang to. Hays.

Napansin ko na parati akong nilalayo ni Joshua pag nagdidikit yung braso namin ni Felix. At si Felix naman pasimple akong nilalapit sa kanya. Naguguluhan na ako sa dalawang to.

Nakarating na kami dun sa cafe na inaplayan ni Felix. Nagpaalam na ako sa kanya.

"Bye–"

Di ko na natapos sasabihin ko ng hilahin na ako palayo ni Joshua. Napahinga nalang ako ng malalim at bumitaw sa kanya.

"Joshua."

Sabi ko. Tumigil kami sa paglalakad. Hinintay kong tumingin sya sa akin.

"Alam kong–"

"Do you have feelings for him?"

Bigla nyang tanong sa akin. At di agad ako nakapagsalita. He sighed.

"Nakita ko kung pano mo sya tignan. And the way you act whenever he's with you. Now, tell me the truth. May nararamdaman ka ba para kay Felix?"

Tanong nya at di ako makasagot. Naramdaman kong may luhang namumuo sa aking mata. Pinigilan kong wag ito tumulo.

"Shane. May nararam–"

"Hindi ko alam, ok?!"

Di ko na napigilan taasan tong boses ko. At tuluyan ng bumuhos itong luha mula sa aking mata. Bigla naman napangiti si Joshua. At nakita kong may luha na ring tumutulo mula sa mata nya.

"I know you have feelings for him. Kahit di mo sabihin. Matagal nyo na kilala ang isa't isa. Kaya, imposible na di ka mahulog sa kanya."

Sabi nya at humakbang papalapit sa akin. He held my hand as endless tears pour down his face.

"I just wanna say, thank you. Thank you for being part of my life. And I just realized that, Felix deserves you more than I do."

"J-joshua.."

"It's ok."

Sabi nya at dahan-dahan ako hinalikan sa aking noo. Napapikit nalang ako at di ko na napigilang umiyak.

Binitawan nya na kamay ko at muling ngumiti sa akin. Di ko alam bakit ako pa tong may ganang umiyak kahit na sinaktan ko sya when he hasn't done anything wrong. Napakasama kong tao. He doesn't deserve to be treated this way. And I'm such a fool for hurting him.

"I-I'm sorry..."

"It's ok, really. Inexpect ko na darating rin yung araw na to. If ever you need help, I'm just one call away.."

He said. Tumalikod na sya tsaka naglakad palayo. Napaiyak nalang ako.

I'm sorry, Joshua..

ROOMMATE. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon