1 week later...
Shane
Tahimik lamang kaming dalawa at hindi nag-iimikan. I know he tried talking to me but failed to do so.
I sighed at naupo nalang sa sofa. Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko.
"Shane..."
Sabi nya. But I prevent myself from turning my head to look at him.
"Galit ka pa rin ba sa akin?"
He asked. Napahinga naman sya ng malalim.
"Shane, sorry na nga eh."
He said. Napayuko nalang ako ng ulo.
"Bukas na ang alis ko. Gusto ko man lang magkabati na tayo bago ako umalis.."
"Matutulog na ako."
Sabi ko at tumayo na. Maglalakad na sana ako papasok sa kwarto ko pero bigla nya nalang ako niyakap sa likod.
"Shane.."
His voice is like he's about to cry. Naramdaman kong may mga luha nanaman namumuo sa aking mata. Damn it.
"Alam kong nasaktan kita. I'm really sorry. Please, Shane kausapin mo ako. Ayokong umalis ng ganto tayo.."
He said. And tears threatened to fall from my eyes.
"Naiintindihan kong galit ka sa akin dahil nagsinungaling ako sayo at dahil di ko rin sinabi agad. Pero, ang totoo ay natatakot akong sabihin sayo. Na baka isipin mo na iiwanan kita.."
He said. Hinawakan ko kamay nya at dahan-dahan ito tinanggal. Humarap ako sa kanya and it breaks my heart seeing him cry like this. I'm being selfish once again. Bago pa ako maiyak ay tumalikod na ako sa kanya at pumasok na sa aking kwarto. At di ko nanaman mapigilang umiyak.
Napakaemosyonal kong tao, oo.
• • •
Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Dahan-dahan ako napaupo sa kama ko at meron akong nakitang isang note sa lamesa sa gilid ng kama ko. Kinuha ko iyon at may nakasulat:
Shane,
Naiintindihan ko kung galit ka pa rin sa akin at di naman kita masisisi. Kasalanan ko ang lahat. Ngayon na ang alis ko. Di na kita ginising pa.
Muli, pasensya ka na kung di ko sinabi agad sayo.
At kung hanggang ngayon iniisip mo pa rin na wala ka lang para sa akin, hindi totoo iyon. Nagkakamali ka. Mahirap man paniwalaan pero, Shane, mahal na mahal kita. Ikaw lang at wala ng iba. Sobrang sakit na aalis ako ng di man lang kita mayakap. Pero, sapat na tong sulat ko para sayo.
Babalik rin ako. Pagbalik ko, ipapakilala na kita bilang girlfriend ko. Unfortunately, di ko na magagawa pa yung favor sa akin ni Joshua at yun ay ang alagaan at bantayan ka ng mabuti. Pasensya na talaga, Shane.
Promise, babalik ako. Hintayin mo lang ako, ok?
Mahal na mahal kita Shane..
– L. Felix
Namalayan ko nalang na may luha na palang tumutulo sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
ROOMMATE.
Random❛❛ sa lahat ba naman na pwede, bakit ikaw pa ang magiging roommate ko?! ❜❜ ⟶ ѕĸz ѕerιeѕ #5