23

875 37 0
                                    

Shane

"Bye.."

Sabi ko kay Joshua. Ng makaalis na sya ay pumasok na ako sa loob. Pagpasok ko ay nakita kong bukas yung tv pero wala namang nanonood. Asan si Felix??

"Felix?"

Tawag ko pero wala namang sumasagot. Pinatay ko na muna yung tv. Napatingin ako sa may kwarto nya at nakitang nakabukas ng onti yun. Baka natutulog na sya?

Pumasok ako sa kwarto nya at akala ko andun sya pero nagtaka ako ng makita kong wala rin sya dun. Asan yung lalaking yun??

Lalabas na sana ako pero may napansin akong isang box na nakapatong sa kama nya. Wala naman sigurong masamang tignan yun, diba?

Naglakad ako papalapit dun sa kama nya kung nasan yung box. Paglapit ako ay nakita kong nakatanggal yung takip kaya kitang-kita ko yung mga laman sa loob neto. At mga pictures at mga letters yung laman. Kanino kaya galing yang mga letters na yan? Hmm. Siguro sa mga nagkakacrush sa kanya.

Tinignan ko pa kung ano pa mga nakalagay sa loob at natigilan ako ng may nakita akong isang litrato. Dahan-dahan ko iyon kinuha. At di nga ako nagkamali na...ako to. Picture ko nung elementary pa ako. Nakabraid buhok ko at nakasalamin pa ako.

Teka, ba't meron akong picture sa kanya??

Tinignan ko yung likod kung meron nakasulat at meron nga. Babasahin ko na sana pero nagulat ako ng may biglang kumuha nun. Pagtingala ko ay nakita ko si Felix na sobrang sama ng tingin sa akin.

"F-felix–"

"Ba't ba nandito ka sa kwarto ko, ha?!"

Sigaw nya. Agad nyang tinago yung picture ko dun sa box.

"S-sorry, Felix. Di ko–"

"Lumabas ka na."

Sabi nya ng di tumitingin sa akin. Napahinga nalang ako ng malalim tsaka lumabas ng kwarto nya. Paglabas ko ay malakas nya iyon sinara at nilock. Hays. Napakatanga mo talaga, Shane.

Napatingin muli ako sa pinto ng kwarto nya. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit may picture nya ako..

ROOMMATE. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon