06

1.2K 46 39
                                    

Shane

"Goodmorning~"

Bati sa akin ni Joshua. Ngumiti ako sa kanya tsaka binati rin sya. Sabay na kaming naglakad papunta sa school since malapit lang yun mula dito sa apartment na tinitirhan namin.

"Hmp. Gusto ko rin lumipat dun."

Sabi ni Joshua at nagpout.

"Bakit?"

Tumigil sya sa paglalakad at humarap sa akin.

"Para palagi kitang nakikita at kasama~"

Sabi nya at napangiti naman ako. Magsasalita na sana ako ng biglang may nagsalita.

"Tch. Ang aga nyo naman maglandian."

Napalingon kami at nakita namin si Felix. Aba bwisit sya.

"Hayaan mo na sya. Ganyan lang talaga yang lalaking yan."

Sabi sa akin ni Joshua ng makaalis na si Felix. Napahinga nalang ako ng malalim.

• • •

Habang wala pa yung teacher namin ay nag-uusap muna kami ni Joy. Mabuti nalang kahit papaano may nakakausap na ako dito sa room. Akala ko magiging loner lang ako eh, parang last year lang.

"Sya si Sungjae. Ang pogi nya diba?"

Tanong sa akin ni Joy habang pinakita nya sa akin isang picture ng lalaki sa cellphone nya.

"Oo pogi sya. Kakilala mo?"

"Actually, crush ko sya eh. Pero quiet ka lang ah! Sa ating dalawa lang to!"

Sabi nya at tumango naman ako. Nagpakita pa sya ng mga pictures ni Sungjae at kwinento nya rin kung pano nya sya nagustuhan.

"Ikaw ba, may nagugustuhan ka ba?"

Tanong nya sa akin matapos nyang pakita yung mga pictures.

"Umm..mero-"

Di ko na natapos sasabihin ko ng biglang dumating si Felix.

"May boyfriend na yan."

Sabi ni Felix at naupo na sa tabi ko. Gulat namang napatingin sa akin si Joy.

"Wehh?? May boyfriend ka na?"

Tanong nya. Tumango nalang ako at kinilig naman si Joy. Napatingin ako kay Felix na nakangisi sa akin ngayon. Sinamaan ko sya ng tingin.

Leche ka Lee Felix sisiguraduhin kong di ka na makakangisi sa akin ng ganyan.

"Omg! Ano name nya? Dito sya nag-aaral??"

Sunod-sunod na tanong sa akin ni Joy at isa-isa ko naman sinagot iyon.

"Waaa! Cute naman!"

Sabi ni Joy. Muli akong napatingin kay Felix at sinamaan sya ng tingin.

"Walang preno yang bibig mo no?"

"What? Anong masama dun?"

Sabi nya at napabuntong hininga nalang ako. Hays.

• • •

Sumabay na sa akin maglunch si Joy at kasama rin namin si Joshua. Pinakilala ko na rin sya kay Joshua.

"Waa! Hi boyfriend ni Shane! Omg ang cute nyong dalawa!"

Sabi ni Joy at natawa nalang ako sa mala-batang kilos ni Joy. Habang nagkwekwentuhan sila ay napatingin ako sa may harap at nakita si Felix na kasama yung mga kaibigan nya. Napatingin rin sya sa direksyon ko kaya agad ako umiwas ng tingin. Naramdaman kong kinalabit ako ni Joshua kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Hey. Ok ka lang?"

Tanong nya sa akin. I smiled at him reassuringly.

"Yup. Tara, kain na tayo."

Sabi ko at sinimulan naming tatlo kumain.

• • •

"Ok, gagawa tayo ng group para sa experiment nyo. Para may kagrupo na kayo pag nag-experiment na tayo. And that will be your group until the end of the school year."

Sabi ng teacher namin. Sana di ko maging kagrupo si Felix. Please. Para makagawa kami ng grupo ay isa-isa kaming pinabunot ng teacher namin na papel kung san nakalagay dun kung anong group number namin.

"Once na nakita nyo na group number nyo, kindly go to which group number you belong and meet up with your members."

Sabi ng teacher namin. Ng mabunot ko na yung papel ay tinignan ko kung anong group ko at napunta ako sa group number 1. Pumunta na ako kung san yung group 1.

"Shane! Anong group mo?"

Tanong sa akin ni Joy.

"Group 1. Ikaw?"

"Omg! Same tayo!"

Sabi nya at napangiti naman ako. Mabuti nalang kagrupo ko si Joy. Dumating na rin yung mga ibang members namin at kagrupo namin yung isang kaibigan ni Felix na si Hyunjin. Matagal ko na rin kilala yung mga kaibigan ni Felix dahil palagi rin sila magkakasama nun.

"Yo Felix! Group 1 ka din? Nice one!"

Sabi ni Hyunjin ng dumating si Felix. Oh god why. Naupo na si Felix sa tabi ni Hyunjin. Bigla naman napatingin sa akin si Felix.

"Oh, kagrupo ulit kita?"

Sabi ni Felix at sinamaan ko nalang sya ng tingin.

"Teka, magkakilala na ba kayo dati?"

Biglang tanong ni Joy. Napatingin ako kay Joy.

"Hindi."

"Oo."

Sabay naming sabi. Muli akong napatingin kay Felix at pinandilatan sya ng mata.

"H-hindi ko sy-"

"Magkaklase kami nung elementary."

Sabi ni Felix at napa "ohh" naman si Joy. I mentally face palmed myself.

Bwisit ka talaga Felix

...

an: aaa sorry if it's very lame!







ROOMMATE. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon