Shane
Dumighay ako ng wala sa oras at narinig kong tumawa si Joshua. Naramdaman kong namula ang aking pisngi dahil sa hiya.
"Mukhang busog na busog ka ah.."
Sabi nya at bahagya akong napangiti. Oo na aaminin ko na na nasarapan ako sa niluto ni Felix kanina.
"Yayayain sana kita kumain ng almusal eh kaso mukhang kumain ka na pala.."
Sabi ni Joshua. Agad ako napatingin sa kanya.
"Pasensya na. Nagluto kasi si Felix ng almusal eh. Bukas nalang?"
Nakangiti kong tanong. He smiled back and ruffled my hair.
"Sure."
Sabi nya. Since maaga pa ay tumambay nalang muna kami sa school garden at naupo sa damuhan. Marami rin naman tumatambay dito lalo na pag break time.
"Oo nga pala, pano nga pala kayo nagkakilala ni Felix? Sorry to ask pero napansin ko lang na parang matagal nyo na kilala ang isa't isa."
Sabi nya at napakagat ako sa aking labi. Di ko naman kasi nababanggit si Felix kanya dahil di ko naman kaclose nun si Felix at madalas nya kasi ako inaasar-asar nun. Napabuntong hininga ako at napatingin sa kalangitan.
"Magkaklase kasi kami ni Felix nung elementary. Di naman kami masyadong close nun. Palagi nya kasi akong inaasar nun."
"So...he's bullying you?"
Tanong nya at napansin kong biglang sumeryoso yung mukha nya. Umiling naman ako.
"H-hindi naman sa ganun. Pero matagal na yun. Past is past."
Sabi ko at nagulat ako ng biglang hawakan ni Joshua tong kamay ko. His hands were warm at parang may kuryente na dumaloy sa buong katawan ko.
"Sabihin mo sa akin pag inaway ka nya ah. I'm here to protect you."
Sabi nya at tumango nalang ako. I can't help but feel thankful and lucky to have him as my boyfriend and for coming into my boring life.
• • •
Buong klase ay wala nanaman nagawang mabuti si Felix kundi asarin lang ako ng asarin. Pero pag tinatawag naman sya ng teacher eh nakakasagot naman sya. Pano kaya nangyari yun eh di naman sya nakikinig sa mga sinasabi ng teacher namin??
Nakipagpalitan si Joy sa katabi ko at naupo sya sa tabi ko. Agad nyang sinaway si Felix.
"Hoy Felix, wag mo ngang kulitin si Shane."
Sabi ni Joy kay Felix. She's really my savior.
"Hoy Joy, wag ka ngang mangialam. Wala ka bang mama?"
Sabi naman ni Felix at sinamaan naman sya ng tingin ni Joy. Babanat pa sana si Joy pero inawat ko na sya at baka mamaya magkagulo pa tong dalawang to.
...
an: oMG i am very sorry if i haven't updated this book! these past few days i've been really really busy so sorry y'all! >.<
BINABASA MO ANG
ROOMMATE.
Random❛❛ sa lahat ba naman na pwede, bakit ikaw pa ang magiging roommate ko?! ❜❜ ⟶ ѕĸz ѕerιeѕ #5