02

1.7K 62 28
                                    

Inaayos ko na mga gamit ko habang nakaupo lang si Felix sa may sofa habang nagcecellphone. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na SYA talaga ang roommate ko. Tinanong ko si Mrs. Rosita kung dito ba talaga nakatira sa Felix at baka kasi mamaya nantritrip lang ulit sya kaya sya nandito.

Pero sabi ni Mrs. Rosita na matagal na daw nakatira dito si Felix and I can't argue with that anymore. Kung pwede lang sya palayasin eh.

Ilalagay ko na sana mga libro na binabasa ko sa bookshelf sa may gilid ng natigilan ako ng makita kong punong-puno yung shelf ng mga stuff toys na kung ano-ano. What the fudge? Don't tell me kay–

Dahan-dahan ako humarap kay Felix. Sa tsura nyang yan, na mukhang bad boy na ewan, mahilig sa mga stuff toys?? Naramdaman siguro ni Felix na nakatingin ako sa kanya kaya napatingin rin sya sa akin.

"Ano?"

"Sayo lahat ng stuff toys na yan??"

Tanong ko sabay turo dun sa mga stuff toys sa bookshelf.

"Siguro."

Pilosopo nyang sagot at tsaka muling nagcellphone. Aba. Napahinga ako ng malalim at pinigilan lang ang aking sarili na wag ibato tong librong hawak ko sa kanya.

"Tch. Hanggang ngayon pilosopo ka pa din. Wala kang pinagbago."

Pabulong kong sabi pero mukhang narinig nya kaya napatingin sya muli sa akin. Bigla nalang ngumisi ang deputa.

"So naaalala mo pa pala ako? Akala ko di mo na ako kilala eh."

"Paanong di kita makikilala eh ikaw nga gumulo ng buhay ko nun! Argh! Bakit pa kasi ikaw roommate ko!"

Sabi ko at nilagay nalang muna yung mga libro sa bag ko. Narinig ko syang tumawa. Luh anong nakakatawa??

"Kung ayaw mong tumira dito edi humanap ka ng ibang matitirhan."

Sabi nya. Magsasalita na sana ako ng bigla syang nagsalita ulit.

"Kung wala kang mahanap, wala kang choice kundi makitira dito, kasama ako. Ayaw mo nun?"

Nakangisi nyang tanong sa akin. Ugh, yuck. Inerapan ko nalang sya at tumawa nanaman sya. Grr leche sya! I really hate him! 

Tumigil syang tumawa ng parehas namin narinig na may kumatok sa pinto. Ako na ang nagbukas at mukhang wala namang balak pagbuksan ni Felix kung sino man yun.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko na sya na may bitbit na box. Ngumiti sya sa akin.

"Hi ~  As promise, dinala ko na yung mga ibang gamit mo dito!"

He said. Di ko na rin mapigilan ngumiti. Pinapasok ko na sya sa loob at iginala nya yung tingin nya sa paligid.

"Wow, ang ganda naman dito."

Sabi nya hanggang sa mapatingin sya kay Felix na nakatingin rin sa kanya.

"Sino sya?"

Tanong sa akin ni Felix. Napabuntong hininga ako tsaka humarap sa katabi ko.

"Sya nga pala si Felix, nakatira sya dito at tsaka roommate ko."

Pagpapakilala ko. Sunod akong napatingin kay Felix.

"Felix, sya nga pala si Joshua. Boyfriend ko."

...

an: yes, it's joshua hong from seventeen!

ROOMMATE. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon