19

971 39 8
                                    

Shane

Medyo ok na kami ni Joshua. Kaya lang naman daw sya nagalit e dahil nagseselos sya sa amin ni Felix dahil palagi daw kaming magkasama.

But, I told him not to worry dahil wala naman namamagitan sa amin ni Felix..

And, I decided na simula ngayon ay lalayo na ako kay Felix. Baka mamaya ma-misunderstood na naman kami.

PE namin ngayon at nasa gymnasium kami. Nakaupo lang kami sa bleachers ni Joy habang pinapanood maglaro ng basketball yung mga kaklase namin. Nakita ko rin si Felix at di ko akalain na magaling rin pala sya mag-basketball.

"Ship ko kayo!"

Biglang sabi ni Joy dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Huh?"

"Ship ko kayo ni Felix! No offense a pero mas bagay kayong dalawa!"

Sabi nya habang kinikilig. I just laughed. Sus. Kami ni Felix? Eew. Biglang napunta ang atensyon ko kay Felix. Saglit ko syang pinagmasdan.

"Naging classmate ko kaya si Felix last year."

Sabi naman ni Joy.

"Seatmate ko rin sya dati. At naalala ko na may binanggit sya sa akin nun."

"Tungkol saan?"

"Sa crush nya daw."

Sabi nya. At di ko alam kung bakit bigla akong naging interesado. Nagkakacrush pala sya? Joke.

"Sino daw?"

"Di nya naman sinabi yung pangalan. Pero dinescribe nya. Ang naalala ko lang sinabi nya is mala-nerd daw yung tsura. Tapos palagi nya daw inaasar."

Pagkasabi nun ni Joy ay di ko alam ba't biglang bumilis tong tibok ng puso ko. Napatingin muli ako kay Felix na naglalaro ng basketball.

"Sabi nya pa na matagal nya na daw syang di nakikita. Tapos sabi nya nga miss nya na daw yung babaeng yun at sana makita nya na muli. Sweet nya no? Mas tipo nya pa nerd kesa sa magaganda na mukha namang pokpok."

Biro ni Joy at natawa. Samantalang nakatingin lang ako kay Felix. Di kaya...no. Hindi ako yun. Ang feelingera ko naman. Haha.

"Eh ngayon? Nababanggit pa rin nya ba sayo?"

"Hmm. Hindi na eh."

Sabi ni Joy at napahinga ako ng malalim. Habang pinagmamasdan ko si Felix ay inaalala ko yung mga sinabi ni Joy.

"Mala nerd daw yung tsura."

Eh palagi nya akong tinatawag na nerd nun dahil nakabraid yung buhok ko tsaka nakasalamin pa ako.

"Tapos palagi nya daw inaasar."

Araw-araw nya akong inaasar hanggang sa matapos ang klase.

"Sabi nya pa na matagal nya na daw syang di nakikita. Tapos sabi nya nga miss nya na daw yung babaeng yun at sana makita nya na muli."

Pagkagraduate namin nung elementary lumipat na ako ng ibang school nun. Matagal na yun. At makalipas ang ilang taon ngayon ko lang ulit nakita si Felix. No, Shane. Wag kang mag-assume. Malay mo ibang babae yung tinutukoy nya at hindi ikaw. Tama–

"Shane!!"

Rinig kong sigaw at natauhan naman ako. Nagtaka ako dahil lahat sila nakaharap sa akin. Huli na ng mapagtanto ko kung bakit dahil saktong pagharap ko ay tumama sa aking mukha yung bola.

ROOMMATE. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon