38

912 36 3
                                    

Shane

Nagising ako ng may narinig akong nagsasalita. Pagmulat ko ng mga mata ko ay napansin kong nasa kwarto ko na ako. Bumangon na ako at nag-unat unat. Bigla ko nalang naalala yung nangyari kagabi..

Yung hinalikan ako ni Fe–

Nagitla ako ng may narinig akong nagsisigawan sa labas. At mukhang ang daming tao sa labas. Teka, napasukan ba kami ng mga magnanakaw?! Dahil dun agad akong tumayo at lumabas ng aking kwarto.

"Hoy! Ano–"

Natigilan ako ng makita kong ang daming mga lalaki sa unit namin. Mga walo sila. Lahat sila natigilan at napatingin sa akin. Oh my god, mga kaibigan ba ni Felix to?! Fucc!

Dahil sa hiya ay pumasok ulit ako sa kwarto ko. Pagsara ko ng pinto ay napasandal ako dun. Napahawak ako sa dibdib ko at naramdaman ang malakas na kabog ng aking puso.

"Felix! Gising na sya!"

Rinig kong sigaw nila. Sabi na nga ba mga kaibigan to ni Felix.

• • •

Felix

"Asan sya?"

Tanong ko. Bigla naman tinuro ni Chan-hyung yung pinto ng kwarto ni Shane.

"Andun, pumasok sya ulit."

"Mukha ngang natakot eh."

Natatawang sabi ni Jisung. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Ang ingay nyo kasi!"

Sigaw ko sa kanila.

"Luh! Hindi ako yun si Hyunjin yun!"

Turo naman ni Jisung. Agad naman nag-react si Hyunjin.

"Oy! Si Woojin-hyung yun eh!"

At nagturuan na ang mga deputa. Hays. Pinatahimik ko sila at pumasok sa kwarto ni Shane. Pagsilip ko ay nakita ko syang nakaupo sa sahig. Agad ko sinara yung pinto at lumuhod sa harapan nya.

"Ba't ka nandyan?"

Natatawa kong tanong at inalalayan sya patayo.

"Ba't sila nandito??"

"Eh sabi kasi nila na mag-reunion daw tapos dito nila naisipan mag-reunion. Si Jisung nagsabi nun ah hindi ako."

Paliwanag ko. May sinabi sya pero di ko maiwasan pagmasdan sya. Ngayon ko lang narealize na ang cute nya pala pag bagong gising. Di ko na maitago ang aking ngiti.

"Naiintindihan mo?"

Natauhan ako ng alugin nya balikat ko. Tumango naman ako kahit na di ko naman naintindihan yung sinabi nya.

"Hays. Sige na, puntahan mo na sila."

"Teka, ayaw mong sumama?"

Tanong ko. Umiling naman sya agad.

"Kayo nalang muna."

Sabi nya. At nagulat nalang ako ng halikan nya ako pisngi ko. Maging sya ay nagulat rin sa ginawa nya.

"S-SHIT! SORRY DI KO SINASA–"

I grabbed her hand and pulled her towards me. I held both of her cheeks and crashed my lips to hers. It took a few seconds before she kissed me back.

Fucc this feeling!

Parehas kami nagulat ng marinig namin bumukas yung pinto. Agad kaming lumayo sa isa't isa at nagtaka ng makita namin nakadapa sa sahig sila Chan-hyung.

"H-hyung naman!"

"Sorry! Eto kasi si Jisung ang chismoso eh!"

"Oh ako nanaman!"




ROOMMATE. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon