43

869 36 3
                                    

Sinabi ng doctor na dahil daw sa sobrang pagod kaya hinimatay si Mrs. Rosita. Ok naman na daw yung kalagayan nya ngayon. Maya-maya ay dumating na yung pamilya ni Mrs. Rosita at nagpasalamat sa akin.

Tinignan ko cellphone ko at hanggang ngayon di pa rin nagrereply yung bwisit na yun. Napahinga ako ng malalim.

Nagpaalam muna ako sa kanila at sinabing may pupuntahan lang. Pupuntahan ko si Felix.

Buti nalang sinabi nung kaibigan nya sa akin kung nasan sila. Tumawag ako ng taxi papunta dun sa lugar kung nasan sila ngayon.

• • •

Ng makarating ako dito sa isang bar ay ang daming mga taong nakatambay sa labas. Di na ako nagsayang ng oras pa at pumasok na sa loob para hanapin si Felix.

Bakit ko ba ginagawa to?? Di nya ako girlfriend. At walang kami. Para san pa tong ginagawa ko?

Dahil dun ay napatigil ako. Tama. Anong karapatan ko para hanapin at awatin sya? Naramdaman kong may kung anong kumirot sa aking puso.

Aalis na sana ako ng bigla kong mamataan si Felix sa kabilang dulo kasama mga kaibigan nya. At mas lalong kumirot tong puso ko ng makita kong may katabing babae si Felix.

Di naman ako masyadong malayo sa kanila kaya rinig na rinig ko mga pinag-uusapan nila.

"May girlfriend ka na ba?"

Tanong nung babae kay Felix. I expect him to answer something that I want to hear pero hindi..

"Wala pa."

He said. Naramdaman kong may luhang namuo sa mga mata ko.

"Anong wala? Pano si Shane?"

Sabi nung iba.

"Basta."

Sabi ni Felix. Konti nalang talaga..

"Speaking of, alam na ba ni Shane na aalis ka na?"

Sabi ni Hyunjin. Aalis?

"Kaya nga. Diba next week na alis mo papuntang Australia?"

Dagdag nila. Aalis na sya? Naalala ko nung isang araw may binanggit si Hyunjin nun kung kelan aalis si Felix pero iniba nila yung usapan. At ngayon narinig ko na ang lahat, di ako makapaniwalang nagsinungaling sya sa akin...

"Hindi p–"

Natigilan sya ng mapatingin sa direksyon ko. Dahil dun tuluyan ng bumuhos tong luha sa aking mata. Nanlaki mga mata nya at agad tumayo. At maging yung mga kaibigan nya ay gulat rin ng makita ako.

"S-shane.."

Sabi nya. Umiling ako sa kanya at sumenyas na wag nya akong lalapitan. Tumalikod na ako sa kanila at agad tumakbo palabas.

Paglabas ko ay pinunasan ko tong luha sa aking mata at tumawag na ng taxi pauwi. Sobrang sakit, put*ngina..

Maya-maya ay may bigla nalang humawak sa braso ko. Paglingon ko ay nakita ko si Felix.

"Shane! Hayaan mo ak–"

"B-bitawan mo ako!"

Sabi ko at buong pwersang inilayo tong braso ko sa kanya.

"Shane–"

"TAMA NA! NARINIG KO NA ANG LAHAT! DI MO NA KAILANGANG MAGPALIWANAG SA AKIN!"

Sigaw ko at wala na akong pake kung pagtinginan man kami ng mga tao.

"BAKIT, HA?! BAKIT KA NAGSINUNGALING SA AKIN?! BAKIT DI MO SINABI SA AKIN NA AALIS KA?!"

Mangiyak-iyak kong sabi. Di ko na rin mapigilan mapahagulgol.

"Napakasakit eh. To think na...wala lang ako para sayo."

"Shane, hindi totoo iyan. Shane, please."

Sabi nya at may mga luha na ring tumutulo sa mata nya. Napailing-iling ako at niyakap nya naman ako ng mahigpit. Napaiyak nalang ako at pilit na tinutulak sya palayo.

"S-shane.."

"G-ginulo mo na nga buhay ko nun, pati ba naman ngayon! Wala kang pinagbago, Felix.."

Sabi ko kahit na labag sa kalooban ko iyon

"Hinahanap rin kita para sabihin sayo na nahospital si Mrs. Rosita. Pero, para san pa? Kung wala lang pala ako para sayo. Ayoko na..."

"S-shane, please. W-wag kang ganyan."

Sabi nya at napailing-iling nalang ako habang walang awat pa rin sa pagbuhos tong luha ko. Pumara na ako ng taxi at sumakay na don.

At iniwan si Felix.

...

an: aaaa :(

ROOMMATE. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon