3 weeks later...
Wala naman masyadong nagbago. Ganun pa rin naman. Kasabay na rin namin minsan maglunch si Joshua. He said na ayaw nya kaming maging awkward and that we should be friends. But still, I kept saying sorry to him for hurting him. And he accepts my apologies wholeheartedly.
Sinubukan ko rin maging close sila Felix at Joshua pero ayaw nila. Psh.
Matapos kumain ay nagpaalam na sa amin si Joshua at nauna ng umalis. Napatingin ako kay Felix.
"Magkagalit ba kayo sa isa't isa?"
"Ewan ko."
"Psh."
Sabi ko. Sabay na rin kaming bumalik sa room. Minsan napapaisip ako, ano ng status naming dalawa ni Felix? We did kissed, held hands and hug but what does it all mean to him? All those things are very precious to me. But, does he feel the same way as I do?
• • •
"Shane, mauna ka ng umuwi."
Sabi sa akin ni Felix. I pouted.
"Bakit?"
"Niyaya kasi ako nila Chan-hyung eh. Kung ayaw mo, I'll just say no."
Sabi nya. I just smiled at him.
"Sige na, sumama ka na sa kanila."
"Sure ka?"
Tanong nya at tumango naman ako. He smiled and kissed me on my forehead. Matapos nun ay nagpaalam na sya sa akin at umalis na. Napahinga nalang ako ng malalim at maglalakad na sana ng biglang may tumawag sa akin.
"Shane."
Paglingon ko ay nakita ko si Joshua. Agad syang lumapit sa akin.
"Uuwi ka na?"
Tanong nya at tumango nalang ako.
"Oh ba't di mo kasama si Felix?"
"Niyaya sya ng mga kaibigan nya eh."
Sabi ko at tumango-tango nalang sya. At nagprisinta na ihahatid nya ako. At pumayag nalang rin ako.
"Wala kang shift ngayon?"
"Wala eh. Bukas pa."
Sabi ko at napa "ahh" nalang sya. Matapos nun ay nagkwento naman sya. Nakahanap rin daw sya ng part time job at ang nakakatawa sa isang cafe rin daw bilang waiter rin. Ng makarating na kami sa apartment ay nagpasalamat na ako sa kanya.
"Salamat, Joshua."
"No worries. Goodnight."
He said at umalis na. Pagpasok ko ay nakasalubong ko si Mrs. Rosita na mukhang magtatapon ng basura.
"Hello po."
Bati ko at isang ngiti nalang ang binigay nya sa akin. Ng makalagpas na ako sa kanya ay aakyat na sana ako sa hagdan pero natigilan ako ng may narinig akong bumagsak.
Paglingon ko ay nanlaki mga mata ko ng makita kong nakahandusay sa sahig si Mrs. Rosita. Agad naman ako lumapit sa kanya.
"Mrs. Rosita! Tulong!"
Agad lumapit sa amin yung guard na nagbabantay dito at tumawag ng ambulansya. At agad sinugod sa hospital si Mrs. Rosita. At sumama na rin ako.
Hawak-hawak ko kamay ni Mrs. Rosita habang nasa byahe. Anong nangyari sa kanya? Bakit bigla syang nahimatay?
Kinuha ko cellphone ko at tinawagan si Felix.
Sorry, the person you're trying to call is unavailable right now
Shit!
BINABASA MO ANG
ROOMMATE.
Random❛❛ sa lahat ba naman na pwede, bakit ikaw pa ang magiging roommate ko?! ❜❜ ⟶ ѕĸz ѕerιeѕ #5