03

1.7K 59 35
                                    

Ngayon na ang unang araw ng klase. Medyo excited na ako and at the same time kinakabahan.

Sabay kaming papasok ngayon ni Joshua since dun rin sya nag-aaral sa papasukan ko. At sabi nya rin sa akin na dun rin daw nag-aaral si Felix. Tch, sana di ko maging kaklase yung bwisit na yun..

Ng makarating na kami sa school ay medyo maraming estudyante ang nasa labas. Di pa kasi nagriring yung bell kaya pwedeng-pwede pa sila tumambay.

"Shaneeee ~ "

Rinig kong tawag sa akin ni Joshua. Saktong pagharap ko sa kanya ay nagulat ako ng bigyan nya ako ng isang pulang rosas.

"Ey. Para san to?"

Natatawa kong tanong sa kanya. He smiled cutely, showing the cute dimples on both side of his cheeks.

"Since first day ng school, naisipan ko na bigyan kita ng rose."

"Aww. Pero, bakit nga?"

"Hmm. Goodluck gift?"

Sabi nya at natawa nalang ako at tinanggap yung pulang rosas. Ng makuha ko na iyon ay inamoy ko ito at napangiti ako dahil sa bango.

"Thank you."

Sabi ko at ginulo-gulo nya naman yung buhok ko. Sakto naman tumunog na yung bell. Sayang lang magkaiba kami ng klase ni Joshua. Ng makapagpaalam na kami sa isa't isa ay dumiretso na ako sa homeroom ko.

Ng mahanap ko na homeroom ko ay binuksan ko na yung pinto. Pagpasok ko ay halos lahat ng nandun ay may kanya-kanyang ginagawa. Yung iba nagkwekwentuhan, nagcecellphone at meron pa ngang natutulog.

Naghanap na ako ng bakanteng upuan at meron isa sa likod. Naglakad na ako papalapit dun at naupo na.

Ng makaupo na ako dun ay bigla nalang humarap sa akin yung babaeng nakaupo sa harapan ko.

"Hi!"

Nakangiti nyang bati sa akin. Natulala ako dahil ang ganda nya. Napangiti ako at binati rin sya.

"Hello.."

"Ako nga pala si Joy!"

Pagpapakilala nya.

"Shane.."

Sabi ko at nakipagkamay sa kanya. Ang ganda nya talaga at mukha naman syang mabait.

"Hi Shane! Sana maging friends tayo!"

Sabi nya at ngumiti nalang ako.

"Bago ka lang dito?"

"Um, oo eh. Medyo nahihiya pa nga ako.."

Sabi ko at natawa ng onti. Ngumiti naman sya.

"Naku, wag kang mahiya. Don't worry, andito lang ako kung kailangan mo ng tulong o kausap!"

Sabi nya at ngumiti muli sa akin. By the way she smiles, she looks so sincere. That it makes me wanna be friends with her too.

Maya-maya, dumating na ang teacher. Kaya lahat ay nagsiayusan na at naupo na sa kanilang upuan. Binati na namin sya at habang may sinasabi sya ay bumukas yung pinto kaya napatingin ako dun. May pumasok na isang lalaki at halos nanlaki tong mga mata ko ng makita ko si....FELIX!

At kung minalas nga naman ako, bakante pa tong upuan sa tabi ko at wala ng ibang pwesto kaya dito na sya naupo. Gulat rin sya ng makita ako.

"Oh? Andito ka pala."

Sabi nya tapos ngumisi na parang ewan. Sinamaan ko sya ng tingin. Roommate ko na nga sya tapos kaklase ko pa sya?! 24/7 kong makikita yang pagmumukha nya aaaa!

"Kaklase ulit kita. Parang last year lang no?"

"M-manahimik ka nga."

Saway ko sa kanya pero di pa rin tumigil ang deputa. Kung ano-ano mga pinagsasabi nya at di ko na tuloy naintindihan yung sinasabi ng teacher. Mukhang napansin ni Joy na naiirita na ako dahil palingon-lingon sya sa amin kaya sinaway nya si Felix at nanahimik naman agad sya. Nagpasalamat naman ako kay Joy. Ha buti nga sa kanya.

"Ok, bago tayo magsimula, gusto kong ipakilala nyo muna ang sarili nyo para naman kilala nyo na ang isa't isa."

Sabi ng teacher at lahat nagsireact. Syempre pag unang araw ng klase di mawawala yung introduce yourself. Nagulat ako ng bigla akong ituro nung teacher.

"Simulan natin sayo, hija."

Sabi at lahat sila napalingon sa akin. Napalunok naman ako dahil sa kaba at dahan-dahan tumayo. Naglakad na ako papunta sa gitna at narinig kong chineer ako ni Joy.

"Go Shane ~ "

Napangiti nalang ako. Ng makarating na ako sa harap ay dahan-dahan ako humarap sa buong klase. Di ko maiwasan mailang lalo na't lahat ng mata nila nakatutok sa akin. Parang ba pinagmamasdan yung bawat galaw ko. Napatingin ako kay Felix na nakatingin sa akin.

"H-hi. I'm Shane. Um, kakatransfer ko lang dito at sana maging close tayong lahat."

Sabi ko. Puta anudaw??

"Hello, Shane. Welcome na welcome ka dito. Pwede ka ng maupo."

Sabi nya at tinawag nya na yung susunod na magsasalita at yun ay si Felix. Tumayo na si Felix at ng makasalubong ko sya ay bigla nya nalang binangga yung balikat ko. Di ko alam kung sinasadya nya o ano. Pero feeling ko sinadya nya. Humanda sya sa akin mamaya!

Naupo na ako sa upuan ko at napatingin na sa harap kung nasan yung deputang yun.

"Hey! Ako nga pala si Felix! Mahilig ako mag-rap at talent ko ay kaya kong gawin yung tunog ng langaw."

Sabi nya at natawa naman sila maliban sa akin ng gawin ni Felix yung tunog daw kuno ng langaw.  Luh parang tanga naman.

Bigla naman syang napatingin sa akin at ngumisi nanaman.

Di ko akalain na makikita ko nanaman yang pagmumukha nyang yan after so many years. Why did he need to show up in my life again?

Subukan nya lang ulit guluhin tong buhay ko.

...

an: heyyy. what do u guys think? sorry if it's very lame! mianhe ~ and if you guessed it right, yes it's joy from red velvet!


ROOMMATE. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon