25

905 38 0
                                    

"Sige na, mauna na kayo."

Sabi ko kayla Joy. Nagpaalam na sa akin si Joy at umalis na. Pero naiwan si Joshua. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan yung kamay nya.

"Sige na, ako na bahala dito."

Sabi ko. Saglit syang di nagsalita. Maya-maya ay naglakad sya papalapit sa akin. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa aking noo.

"Message me, ok?"

Sabi nya at tumango nalang ako. Ng makaalis na sya ay sakto naman lumabas na si Felix na may hawak na cold compress sa may kaliwang mata nya. Agad ko sya nilapitan.

"Ok ka na?"

Tanong ko. Di nya ako pinansin at dire-diretso syang naglakad. Napahinga ako ng malalim at sumunod sa kanya.

"Felix naman. Nagsorry na nga ako sayo, eh."

Sabi ko pero di nya pa rin ako nililingon.

"Felix!"

Sabi ko at sa wakas tumigil na rin sya sa paglalakad.

"Sorry na ka–"

"Ba't ka ba nandito? Ba't mo ba ako inawat kanina? Wala ka namang pake sa akin, diba?"

Sabi nya. Tumalikod na sya tsaka naglakad palayo. Naikuyom ko palad ko dahil sa inis.

"Inawat kita dahil nag-aalala ako sayo, ok?! Ayaw kitang mapahamak. At kahit na naiinis ako sayo, may pake pa rin ako sayo!"

Sabi ko at tumigil naman sya sa paglalakad.

"Kung wala akong pake sayo, hindi dapat ako nagpapakahirap humingi ng tawad sayo katulad ngayon."

Sabi ko. Naramdaman kong may mga luha na namumuo sa aking mata.

"Naiintindihan ko kung magalit ka sa akin habang buhay."

Pagkasabi ko nun ay naglakad na ako palayo at iniwan sya.

ROOMMATE. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon