10

1.2K 43 18
                                    

Shane

Nagising ako bigla ng marinig kong may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Maya-maya ay narinig ko ang boses ni Felix.

"Hoy Shane! Gumising ka na dyan!"

Rinig kong sabi ni Felix. Napabuntong hininga ako at napakamot sa aking ulo. Napatingin ako sa orasan at nakitang 5:00 palang ng umaga. Pota ang aga-aga pa ah!

Di ko sya pinansin at natulog nalang ulit. Pero di pa rin sya tumigil kakakatok sa pinto at dahil naiirita na ako ay bumangon ako at tsaka pinagbuksan sya ng pinto. Pagbukas ko ay nakita ko syang nakangisi sa akin at nakabihis na agad sya ng uniform.

"Tsk! Ba't ka pa nanggigising agad, ha?! Kitang ang aga-aga pa eh!"

Sigaw ko sa kanya.

"Wow, umagang-umaga sigaw agad ang bungad mo sa akin. Wala man lang ba 'goodmorning' ?"

"Tse!"

Sabi ko at isasara ko na sana yung pinto pero bigla nya nalang hinarang kamay nya para di ko masara. Napapalatak ako dahil sa inis.

"Ano ba–"

"Wag ka ng matulog ulit. Maligo ka na at nagluto ako ng almusal para sa ating dalawa."

Sabi nya at napakunot naman yung noo ko. Since kelan pa sya natuto magluto? Ang pagkakaalam ko is di sya marunong magluto kahit pagprito man lang ng itlog. Magsasalita na sana ako pero bigla-bigla nalang kumulog tong tyan ko at mukhang narinig nya kaya naman napangisi ulit sya sa akin.

"Sige na, maligo ka na. Hihintayin na kita."

"T-tse!"

Sabi ko at tuluyan ng sinara yung pinto. Napahawak ako sa tyan ko at muli nanaman kumulog ito. Bwiset talaga. Kagaya ng sinabi nya ay di na ako natulog ulit. Di lang dahil sinabi nya sa akin, nawala na rin kasi yung antok ko dahil sa kanya. Naligo na ako at nagbihis na. Pagtapos ay lumabas na ako para makakain na ng almusal.

• • •

Felix

Nagluto lang ako ng fried rice, itlog at tsaka hotdog at nagtimpla na rin ako ng hot choco. Marunong naman ako magluto, pinapamukha ko lang sa iba na hindi. Bumukas na yung pinto sa kwarto nya at nakita kong lumabas na sya. Nakauniform na rin sya at medyo basa pa ang kanyang buhok.

"Upo ka na."

Sabi ko at tinapik yung upuan sa tabi ko. Inerapan nya naman ako at hinila yung upuan at sa tapat ko sya naupo. So arte naman this girl.

"Ikaw ba talaga nagluto nito?"

Tanong nya sa akin. Ngumisi ako sa kanya.

"Of course. Kaya ang swerte ng magiging asawa ko kung ako pakakasalan nila."

"Eew."

Sabi nya at sumandok na sya ng kanin at nung hotdog. Nagsimula na syang kumain at pinagmamasdan ko lang sya. Sa una ay medyo onti yung pagsubo nya pero maya-maya ay natawa nalang ako ng sumubo na sya ng maraming kanin.

"Di ka ba nakakain ng ilang taon?"

Natatawa kong sabi. Sinamaan nya naman ako ng tingin at natawa nalang ulit ako. Sinimulan ko na rin kumain. At habang kumakain kami ay di ko maiwasan tignan sya. Wala lang nacucutan lang ako sa kanya ngayon.

Matapos kumain ay tinignan nya ako.

"In fairness ah, ang sarap."

"Mas masarap yung nagluto."

Sabi ko sabay kindat sa kanya at diring-diri naman yung mukha nya. Sus. Tumayo na sya at di ko naman maiwasan magtanong sa kanya.

"Nga pala, susunduin ka ba ng jowa mo ngayon?"

Tanong ko. Di ko alam ba't gusto ko syang makasabay papasok ngayon. Ewan ko. Gusto ko lang sya mapagtripan. Yun nga lang ba?

"Malamang."

Sabi nya at pumasok na ulit sya sa kwarto nya. Tss. Di man lang nagpasalamat. Napabuntong hininga nalang ako.

...

an: hey wassup fam! lol it's been a while! sorry kung di ako masyado nakakapag-update. medyo busy kasi ang lola nyo lol!

ROOMMATE. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon