30

879 36 0
                                    

Shane

Pagkatapos ng klase ay sabay na kaming lumabas ni Felix. Katulad ng napag-usapan namin ay sabay na kaming maghahanap ng part time job.

"Yung ship ko!"

Biglang sabi ni Joy at napatingin naman si Felix sa kanya.

"Ship? Anong ship?"

Nagtatakang tanong ni Felix. Napakamot nalang sa ulo si Joy.

"Ah. Yung ship ko, lumulutang na. Sige, ba-bye!"

Ng makapagpaalam na sya ay kumaripas na agad sya ng takbo palayo. At natawa nalang ako.

"Ano yung ship na sinasabi nun??"

Tanong naman sa akin ni Felix at natawa nalang ulit ako.

"Basta. Malalaman mo rin."

• • •

Pumunta kami sa isang cafe kung saan naghahanap sila ng waiter / waitress. Habang inaantay ko si Felix ay minessage ko si Joshua. Hays. Galit pa rin kaya sya sa akin?

Maya-maya ay dumating na si Felix na may ngiti sa kanyang labi.

"Oh anong sabi?"

"Pwede na daw ako magsimula bukas!"

He said. And I can't help but feel happy for him. Tinapik-tapik ko ang kanyang balikat.

"Congrats."

"Ikaw ba? Ayaw mo dito? Naghahanap rin sila ng waitress."

Sabi nya at saglit akong napaisip. Kung parehas man kami ng pinagpapart time job ni Felix at sa oras na malaman ni Joshua to, panigurado akong magagalit sya sa akin. I sighed.

"Sa iba nalang ako maghahanap."

Sabi ko. And his smile slowly faded.

"Bakit?"

"Alam mo naman si Joshua. Mabilis sya magselos. Nagalit na nga sya sa akin nun dahil palagi daw tayo magkasama. Kung makikita nya man tayo na nagtratrabaho dito, I'm sure di nya magugustuhan yun.."

Paliwanag ko. Napahinga nalang sya ng malalim tsaka tumango-tango.

"Ok fine. Tara, tulungan na kitang humanap."

He said with a smile. Napangiti nalang ako tsaka tumango at nagulat nalang ako ng bigla nyang hawakan tong kamay ko.

"Let's go."

B-bakit lagi nalang bumibilis tong tibok ng puso ko kay Felix?




ROOMMATE. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon