Felix
Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Dahan-dahan ko iminulat ang aking mata at napatingin sa paligid. Teka, pano ako nakauwi dito??
Umupo ako at nakaramdam ako ng sakit sa ulo ko kaya agad ako napahawak sa ulo ko. Hays, anong nangyari kagabi?
Tumayo ako at tsaka dumiretso sa cr at naghilamos. Pagtapos ay dumiretso na ako sa kusina at nagulat ako ng makita kong may pagkain na nakahanda na dun.
"Oh, gising ka na pala."
Napalingon agad ako at nakita si Shane na nakabihis na. Saglit akong natulala sa kanya.
"Maupo ka na dyan at kumain ka na."
Sabi nya at ng malagpasan nya ako ay di ko sadyang maamoy yung pabango nya. Puta bat ang bango nya?
"Tatayo ka lang ba dyan o ano?"
Sabi nya at natauhan naman ako. Napakamot nalang ako sa batok ko tsaka naupo na sa upuan sa tapat nya.
"Anong nangyari kagabi?"
Tanong ko sa kanya. Wala talaga akong maalala sa nangyari kagabi.
"Well, umuwi ka dito gabi na at lasing ka pa. Nahirapan pa tuloy akong buhatin ka dyan papunta sa sofa. Pasalamat ka kinuhanan pa kita ng damit."
Sabi nya at gulat naman akong napatingin sa kanya.
"Binihisan mo ako?"
Tanong ko at nagtaka naman ako ng bigla syang nabilaukan. Agad syang uminom ng tubig. Pagtapos ay tinignan nya muli ako.
"A-ako? Bibihisan k-kita? Tss. As if naman gagawin ko yun. W-wag kang feeling dyan dinalhan lang kita ng damit mo pampalit. Aish."
Sabi nya at nagpatuloy kumain. Saglit ko syang pinagmasdan.
Walang masyadong nagbago sa kanya. Sya pa rin yung Shane na palagi kong inaasar nun. Di ko akalain na makikita ko ulit sya.
BINABASA MO ANG
ROOMMATE.
Random❛❛ sa lahat ba naman na pwede, bakit ikaw pa ang magiging roommate ko?! ❜❜ ⟶ ѕĸz ѕerιeѕ #5