15

979 43 1
                                    

Shane

Sabay kaming maglunch ngayon ni Joshua. Di na muna sumabay sa amin si Joy dahil may gagawin pa daw sya.

Habang kumakain kami ay napansin kong ang tahimik ni Joshua. Kanina pa sya di umiimik simula ng magkita kami. Tumigil ako sa pagkain at tinawag sya.

"Joshua.."

Sabi ko. His eyes slowly looked up at me. Sobrang seryoso ng mukha nya at di ko alam kung bakit.

"Ok ka lang?"

Tanong ko. He was silent. After a few minutes, he sighed and finally spoke.

"Oo."

Sabi nya at umiwas ng tingin sa akin. Something's not right. Ngayon ko palang nakita syang ganto kaseryoso.

"Hey, galit ka ba?"

Muli kong tanong. I tried to hold his hand pero nagtaka ako ng bigla nyang inilayo kamay nya. Teka, galit ba sya sa akin?

"Galit ka ba sa akin?"

He sighed once again. Binitawan nya yung hawak nyang kutsara at tinidor at muling tumingin sa akin.

"Kung may nagawa man ako–"

"Anong meron sa inyo ni Felix?"

He asked. At di ko naman maiwasan magulat sa tanong nya.

"Anong pinagsasabi mo? Bakit mo–"

"Just forget it."

Sabi nya. Tumayo na sya tsaka iniwan ako mag-isa dito. Wait, nakita nya ba yung kanina dun sa lab? If he does, then he's mistaken! Mali yung iniisip nya!

I stood up at pupuntahan na sana si Joshua ng biglang may humarang sa harapan ko. Pagtingala ko ay nakita ko si Felix.

"Shane–"

"Wag mo muna ako kausapin."


ROOMMATE. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon