14

1K 44 3
                                    

Shane

"Ok class! Please go to your experiment group at gagawin na natin ang unang experiment nyo for this quarter."

Pag-anunsyo ng teacher namin. And so, lahat kami nagsipuntahan na sa assigned group namin. Katabi ko si  Joy at halos nakalimutan ko na kagrupo ko rin pala si Felix. Napatingin ako sa kanya at bigla ko nalang naalala yung nangyari kagabi..

Last Night...

Nagising ako ng maramdaman kong may humawi nitong buhok ko. Dumilat ako ng kaunti at naaninag ko si Felix na nakaluhod sa tapat ko.

Oh f*ck!!

Sinubukan kong wag dumilat at nagpanggap na natutulog pa rin. Maya-maya ay naramdaman kong binuhat nya ako in bridal style.

Packing tape!!

Ng maihiga nya na ako sa kama ko ay kinumutan nya na ako. Pota ba't ang bilis ng tibok ng puso ko!?

"Goodnight, Shane."

Rinig kong sabi nya and I swear, mas lalong bumilis tong tibok ng puso ko. Ng makalabas na sya sa kwarto ko ay napadilat ako at napaupo. Napahawak agad ako sa dibdib ko kung saan ramdam ko yung mabilis na tibok ng aking puso.

Aaaaaaa!

...

"Shane?"

Natauhan ako ng tapikin ni Joy yung balikat ko. Napatingin ako sa kanya at may hawak syang puting papel na mukhang ibibigay nya sa akin.

"S-sorry.."

Sabi ko at kinuha na mula sa kamay nya yung papel. Tinignan ko iyon at experimentation paper pala namin tong papel.

"Anyare sayo? Ba't natulala ka bigla?"

Tanong sa akin ni Joy. Napakagat ako sa aking labi at di alam kung ano sasabihin.

"W-wala. May naalala lang ako.."

Sabi ko at tumango-tango nalang sya. Napatingin ako bigla kay Felix at nakitang nakatingin sya sa akin ngayon. Bigla nalang sya ngumisi kaya sinamaan ko sya ng tingin. Aba bwiset sya ba't lagi nalang sya ngumingisi?!

"Ok class, pwede nyo ng simulan yung experiment. Just follow the instructions na nakalagay dyan sa papel. I'll observe all of you at titignan ko kung sino ang hindi tumutulong. Automatic na may minus ang grupo nyo sa oras na may mahuli man ako isa sa inyo."

Sabi ng aming teacher. Tumango nalang kami at sinimulan na yung experiment.

Habang ginagawa namin yung experiment ay nagkukulitan naman si Felix at yung kaibigan nyang si Hyunjin. Nakakapagtaka dahil di man lang sila sinasaway ng teacher namin. Napailing-iling nalang ako sa kanila.

. . .

"Ok class, that's all for today. Pwede na kayo mag-lunch."

Sabi ng aming teacher at lahat naman ay natuwa. Nagsilabasan na silang lahat at ako na ang nagprisintang ibalik sa cabinet yung mga ginamit namin sa experiment.

"Napakabait mo talaga.."

Napatingin ako sa gilid ko at nakita si Felix. Napa "tsk" nalang ako at inerapan sya.

"Tulungan na kita."

"Ayaw ko. Baka mabasag mo pa to."

Sabi ko. Napahawak naman sya sa dibdib nya at umakto na parang nasaktan. Ang OA ha!

"Ouch. Sakit mo naman magsalita. Ikaw na nga tutulungan ayaw mo pa."

"Di ko kailangan tulong mo."

Sabi ko at napa "ohhh" naman ang deputa. Hays. Ng mailagay ko na lahat ay tinignan ko sya.

"Bakit ba nandito ka pa?"

"Kase wala ako dun."

Pilosopo nyang sabi. Aba'y bwiset!

"Tsk! Bahala ka nga sa buhay mo! Tumabi ka nga– AHH!"

Maglalakad na sana ako eh kaso bigla nalang ako nadulas. Akala ko mahuhulog na ako pero agad naman nya ako sinalo at napakapit ako sa balikat nya ng mahigpit.

Di ko maiwasan mapatitig ng diretso kay Felix at ganun rin sya. Bigla nalang bumilis tong tibok ng puso ko. W-what the hell...

"Oh ayan nadulas ka tuloy."

Bigla nyang sabi. Napaiwas ako ng tingin at agad lumayo sa kanya. Inayos ko yung buhok ko at di ko alam ba't di na ako makatingin sa kanya.

"D-di ko naman kasalanan kung bakit ako nadulas."

"Asus. Kinilig ka lang eh."

"Ako? Kinilig? Wag kang feeling dyan!"

Sabi ko at natawa naman sya. Di ko alam ba't ang bilis pa din ng tibok ng puso ko...



ROOMMATE. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon