35

845 30 3
                                    

Felix

"Eto na po order nyo."

Sabi ko. Ngumiti naman sila sa akin. Babalik na sana ako sa counter ng biglang may tumawag sa akin.

"Felix."

Paglingon ko ay napawi tong ngiti ko ng makita ko si Joshua. Naglakad sya papalapit sa akin.

"Pwede ba tayo mag-usap?"

Tanong nya. Napahinga ako ng malalim at pumayag nalang rin. Nagpaalam ako sa boss ko at dun na kami nag-usap sa labas.

"Gusto kong mag-sorry sayo tungkol dun sa sinabi ko nung isang araw.."

Panimula nya. Tinutukoy nya yung araw kung san sinabihan nya ako na layuan ko si Shane. I sighed.

"Kung gusto mong layuan ko sya, gagawin ko. Para di na kayo mag-away pa. Ayokong masira yung relasyon nyo ng dahil lang sa akin."

Sabi ko, kahit na labag sa kalooban ko. Ilang beses ko ng nakikitang malungkot si Shane ng dahil magkaaway sila. At di ko kayang makita syang malungkot. Nagulat ako ng bigla syang tumawa.

"Bakit mo pa gagawin yun? Wala ng kami."

Sabi nya at gulat naman akong napatingin sa kanya.

"Ano??"

"Narealize ko na, mas sumasaya si Shane kapag kasama ka nya kesa ako. Matagal nyo ng kilala ang isa't isa. And the way her eyes sparkle whenever she talked to you.."

Sabi nya at napaiwas naman ako ng tingin.

"D-di kita maintindihan.."

Naguguluhan kong sabi. Natawa nanaman sya at tinapik tong balikat ko.

"Ang bobo mo naman."

Sabi nya. Maka-bobo naman sya. Kung patalsikin ko kaya, de joke lang.

"Can you do me a favor?"

"Ano yun?"

Tanong ko.

"Please, alagaan mo sya ng mabuti. For me."

Sabi nya sabay kindat sa akin. Wtf? Pagtapos nun ay nagpaalam na sya at naglakad na palayo.

Napatingin ako sa orasan ko. Dalawang oras pa para matapos yung shift ko. Pumasok na ako sa loob at tinapos na yung trabaho ko.

Kailangan kong mapuntahan si Shane.

ROOMMATE. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon