Chapter 1

987 25 1
                                    

*Alethea's POV*

Nagpagulong-gulong ako sa kama ko habang inaalala ang mga nangyari kagabi.
Hmmm!!! Ang gwapo niya talaga! Nadagdagan na naman ang listahan ng mga crushes ko.
Pero FYI lang ah, single ako, I mean NBSB pala! Proud to be! AHAHAHAH!!!
Ang dami ko na ngang crush eh~ parati nga lang akong nasasaktan, kasi naman eh! I always get dumped everytime na mag confess ako sa mga crush ko.
Si Fafa Hanz naman ang sungit pa! Hmp! Nakakabawas ng pogi points yun!

Tumigil muna ako sa kakasmile at tiningnan ang oras sa phone ko.
Sheyt! 6:40 AM nah! Malelate na naman ako nito!
Agad akong bumangon at patakbong pumunta sa banyo at naligo, ginawa ko na rin lahat ng rituals ko tuwing umaga at bumaba na. Naabutan ko pa sila mama at papa na kumakain, nag kiss nalang ako sa cheeks nila at kumuha ng dalawang sandwiches, gutom ako eh! hehehe
Sumunod na rin ako sa Kuya ko papuntang garahe at sumakay na sa sasakyan niya.
College na kasi siya, and he drops me off every morning kasi malapit lang din naman ang school namin.

As soon as Kuya pulled over, humarorot na ako papunta sa room namin, mabuti na nga lang at wala pa si sir pagdating ko.
Sakto namang pag-upo ko ay dumating na din sila Zack at Christian at kasama din nila si...... si.......

Si FAFA HANZ!!!!
Automatic akong napatayo ng makita ko siya! Kyahh! Parang nag slow motion ang paligid ng makita ko siya! Ang gwapo niya!!

Naputol naman ang imagination ko ng may nagsalita sa tabi ko.

"Tulo laway mo pandak."
Sabi ni Zack sabay pat sa braso ko. Sinuntok ko siya sa braso niya pero parang wala lang talab sa kanya. Kainis.
Binalik ko nalang ang atensyon ko kay Fafa Hanz pero paglingon ko sakto ding dumaan na siya sa tabi ko at umupo sa vacant seat na nasa tabi ni Christian, which is nasa likoran ko!!! Yeay!

Agad akong umupo pero nakaharap ako sa kanya.

"Hi Hanz! Still remember me?!"
Masigla kong tanong sa kanya with my sweetest smile.

"Ahhhh~ ikaw ba yung weirdo kagabi sa restaurant?"
Ahy! Langyang masungit na to!
Napasimangot naman ako sa sinabi niya kaya humarap nalang ako sa board kasi kakadating na din ng teacher namin.

*********

*Hanz's POV*

Ang malas naman! Classmate ko pa talaga yung weirdo na yun! Itinuon ko nalang ang attention ko sa sketch ko. Nandito kasi ako ngayon sa glass garden para makapag pahinga. Di na ako sumama sa kanila ni Zack at Christian kasi alam kong pupuntahan lang nila yung girlfriend niya. Psh! Ewan ko nga rin eh kung bakit pa sumama si Christian!

"Hi Hanz!!"
Instead na makapag pahinga ako, nadagdagan pa siguro ang pagod ko dahil sa babae na to!

"Are you following me?!"

"Huh?! Hindi ahh!! It was just a coincidence..... Or maybe faith! Faith na magkita tayo ngayon dito! AHAHAH!!!"

"Ang malas ko naman kung ganon nga. Umalis ka na nga dito! Ang ingay mo!"
Akala ko aalis talaga siya pero umupo lang siya sa tabi ko at kumuha ng sketch pad at drawing pencil sa bag niya.

"Hoy! Bingi ka bah?!!"

"Wag mo nga akong sigawan! Dito din naman talaga ako nagpapalipas ng oras ehh, sadyang naunahan mo lang ako ngayon! Tsk!"
She rolled her eyes on me at binuklat na ang sketch pad niya. Not bad. Magaling din naman pala siyang mag sketch.

Hinayaan ko nalang siya at nag focus na sa sarili kong sketch. Inabot din kami ng isang oras dun, maingay nga lang yung weirdo na yun!

"Oh! Bro, nakita mo na ba yung post ng ate mo?"
Tanong ni Christian habang inaayos ang mga gamit niya, uwian na kasi.

"What post?! Don't tell me may ginawa na namang kagagohan si Ate?!"

"AHAHA! It'll be more fun kung ikaw mismo ang makaalam."
Agad akong lumabas ng room at umuwi, ano na naman kayang ginawa ni ate ngayon! Kainis na ah!

As soon as nakapasok ako sa kwarto ko, agad kong kinuha ang laptop ko at binuksan yun. Hinanap ko kaagad ang post ni Ate Myles.

Myles de Guzman
3 hours ago

WANTED GIRLFRIEND
⚫Yung kayang matiis ang ugali ni Eric Hanz de Guzman.
⚫Yung kayang mapabago si Eric Hanz de Guzman.
⚫Yung kayang magmahal ng isang Eric Hanz de Guzman despite of his coldness.

If you think that you can do that all, then message me as soon as possible and I'll give you more tips and support for my handsome brother!

"ATE MYLES!!!!"
Parang guguho na ata ang bahay dahil sa lakas ng sigaw ko! Nakakainis kasi eh!!!
Matagal pa bago sumagot si Ate sa malakas kong sigaw kaya tiningnan ko muna ang mga comments.
Grabeh!
2.6k likes and 3k comments?!!!
Puro "kaya ko po yan lahat!" , "Akin nalang si Eric!" , "Sige po!" ang comments!
May bago namang nag comment kaya tiningnan ko agad.

Si weirdo!?

Jan Alethea Maganda Reyes
💖💕💗💓💞

Psh! Puro lang naman pala heart emojis eh!

Sakto namang nag open na ang door at sumilip lang si Ate Myles ng may fake smile sa mukha, halatang natatakot.

"Delete this post now!"

"Eric naman! Just let me help you! You need a girl dude!"
Abah! Sumiga ata si Ate ah! Pumasok na siya sa kwarto ko at nag cross arms pa.

"I don't need a girlfriend ate!"

"Eric, hindi lang naman babae ang ibinibigay ko sayo eh. Kundi yung love niya rin para sayo. Love ng magiging girlfriend mo! Iba kasi tong LOVE na to eh, iba din to sa love galing sa parents natin. Iba ang dating ng love na to sayo eh! Masarap nga to sa feeling eh!"
I was silent for a moment, realizing what she said.

I've never felt that kind of love before. The love that a girl I like gives.
Mararamdaman ko pa kaya yun if I'm always like this? Building this big wall in my heart so no woman could come in?

Is there any girl that could change me?
That could change a guy like me?
A guy who hates being in a relationship?

Seducing Mr. NGSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon