"Good evening everyone! Please settle down now, take your seats for we are about to start. Tonight, pwedeng pwede kayong sumayaw hanggang sa masira yang mga sapatos at heels niyo! Take this chance na makasayaw ang mga partners, boyfriends, girlfriends, crushes or friends niyo! And later on, we will witness the coronation of our Prom King and Queen 2018! But before that, magpa energize muna tayo and let's eat! I know hinintay niyo ang part na tuh!"
Everybody settled down ng nagsalita na ang MC, ang iba naman ay kumuha na ng pagkain nila."Tara na guys! May lechon pa naman, ayaw kong maubosan ng super crispy na balat! Kyahahaha!!"
Nag-aya na si Christel na kumain kaya sumunod na kami. Iniwan ko muna ang phone ko sa table at sumunod na rin sa kanila, but I saw a guy walking away from the hall, naka white tuxedo siya. Maybe si Hanz yun! Agad ko siyang sinundan, napapatakbo pa nga ako eh, naka heels pa ako ah!"Hanz? Wait lang!"
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo but it was a bad idea. Natapilok ako at parang nag slow motion ang paligid ng matutumba na ako! Malapit na! May sasalo kaya sakin?! Gaya nung sa mga movies at stories?! At!!!!!!*Blag!*
Aray ah?!! Walang awa tong si Author! Sinasaktan ako, sumbong kita kay Hanz eh!!
"Alethea!!! Bakit ka kasi tumatakbo? Ang lampa lampa mo!"
Isa pa tong lalaking tuh!! Dahil kaya sayo naka higa ako dito sa sahig!!
Inalalayan niya akong makatayo ay pinagpagan niya pa talaga ang gown ko!!! Ang gentleman naman ng sungit na to!!!"Kanina pa kita tinatawag eh!"
"Why? Ano bang kailangan mo?"
"Aalis ka na ba?"
"H-hindi. Bumalik ka na nga dun! Magc-cr lang ako!"
Tinulak niya ako ng mahina sa braso para pabalikin ako sa hall."Oo na."
Nakasimangot akong bumalik sa table namin. When I got there, may pagkain na ako, Nick got me some foods.
Di rin nagtagal ay dumating na talaga si Hanz."Hanz! Totoo nga na pumunta ka dito!"
Sabi ni Zack sabay fist bump kay Hanz."It's good to see you here bro!"
Sabi naman ni Christian, at nag fist bump din silang dalawa."Uyy!! Akala ba namin ayaw mong pumunta ngayong gabi!?"
Christel asked as she took a sip of her wine."Uhmm~ Ate Myles black mailed me."
"Ows? Talaga? Dapat sinabi mo kahapon para mahanapan kita kaagad ng date!"
Pagsisingit naman ni Zack."Actually guys, may date naman daw si Hanz, magme-meet nga daw sana sila sa glass garden kanina, but he found out na may date na pala yung inaya niyang maging partner. Kaya, solo flight muna tong pinsan ko ngayong gabi! AHAHAH!!"
When they heard that from Nick, mukhang natahimik sila, lalo na yung apat at napatingin sakin.Wait! Sakin??!! Bakit?!!!
"Ah!! Uhm!! Ano! Comfort room muna kaming tatlo ah?!"
Tiningnan ako ni Christel sabay hila saming dalawa ni Kyra papuntang CR. Grabeh nga kung makahila eh! Parang lalaki!!!
Pagdating namin sa comfort room, chineck muna ni Christel kung may tao ba sa mga cubicle bago nagsalita."Ikaw ba yung tinutukoy ni Nickolas?!"
Grabeh mga besss!! Nanggugulat na tong si Christel eh!"Huh? Anong tinu....."
"Yung date sana ni Hanz!!!"
Ano daw? Ako?"Errr--- "
"I think ikaw yun Alethea!"
Kyra said."Uhmmm~ I dunno!"
Si Hanz kaya ang mystery prince ko!? Baka siya yung nagbigay sakin nung note."May sinabi pa ba si Hanz kanina?"
"Uhmmm... He said.... nakalimutan niyang may date na pala yung inaya niya."
"See?! Ikaw nga yon! He forgot na may date ka na pala!!! Ayieee!!! He was about to ask you, but he was too late!"
Totoo kaya yun? Waaaahhh!!!
Kung totoo nga....... ang sayang naman!!! Partners sana kami ni Hanz ngayon!!! Kyahhh!!!"Eiiii!! Stop it na nga! Let's go na!"
"Ayieee! Excited ka lang na makita ulit si Hanz eh kasi mas lalo siyang gumwapo ngayon!! WAHAHAH!!"
That's it! Kinurot ko na talaga si Christel, wag niya kasi akong asarin, kasi kenekeleg eke!!!At yun na, rumampa na kami pabalik sa hall at saktong sakto kasi magsisimula na ang first dance.
May mga students na nagposition na para sa dance. Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko ng may humawak sa kamay ko."Nick!"
He smiled at inilahad niya ang kamay niya para makipagsayaw. Inabot ko naman yun nuh! Aarte pa ba ako?!When the music started playing, sumayaw na din kami, slow lang naman ang music kaya slow lang din ang moves namin.
"I think he likes you."
Napatingin ako sa mga mata niya ng magsalita siya, and he was looking at me too."S-sino? May secret admirer ba ako? AHAHAH!!"
Yan Alethea! Usapang seryoso yan, kaya try mo ring mag seryoso nuh?!
He just giggled at nagpatuloy nalang kami sa pagsayaw.When the music stopped, nanatili lang kami sa gitna at yung ibang hindi naman sumayaw ay pinapunta nalang sa dance floor. Announcement na kasi ng Prom King and Prom Queen.
"Okay! This is the moment you all have been waiting for, the coronation of our new Prom King and Prom Queen! So, kanina pa lang, nung time na makapasok kayo dito sa hall, we already started searching for a new Prom King and Queen, it was difficult for us to decide because everyone looked so beautiful and handsome on their suits and gowns!"
Everyone looked so excited! Seryoso! Mukhang mababali na ang necks ng ibang classmates ko kakatingala sa MC! BWAHAHAHA!!
Nilibot ko nalang ang tingin ko sa paligid and tried to look for Hanz. I can't see him dahil sa dami namin dito sa dance floor."But, two people here inside the hall captured our attention. Kaya huwag na nating patagalin pa ang moment na to! Our new Prom Queen is..........
MS. JAN ALETHEA REYES!"
Hanap parin ako ng hanap when I felt someone touch me."Ha?? What? Why?"
Napatingin ako kay Nick, siya pala yung kumalabit sakin."Go to the stage now."
"Huh? Bakit?"
"You're the new Prom Queen Alethea."
I heard everyone clap, nakita ko din sila ni Kyra at Christel na nag thumbs up sakin."A-ako? Pano yun nangyari?"
Hindi ko na narinig pang magsalita si Nick kasi tinutulak na ako ng mga schoolmates ko papunta sa stage, kaya umakyat nalang ako."And our new Prom King is......
*drumrolls*
MR......
ERIC HANZ DE GUZMAN!"
WHAT THE F*CK!!! AHY SORRY! I was just shocked! Si Hanz ang Prom King....
and I am his Queen!!! Kyahhhh!!! Kinikilig na talaga ako! I cannet tek et enemor!!!!

BINABASA MO ANG
Seducing Mr. NGSB
Ficção AdolescenteSi Eric Hanz de Guzman ay isang NGSB na cold-hearted, super masungit at heartbreaker ng kanilang school. He's not a gay! Ayaw niya lang talagang magmahal! But, what if makilala niya ang isang babaeng opposite ng ugali niya, si Jan Alethea Reyes, is...