Chapter 18

526 17 0
                                        

Malapit na talaga! Omo!!!
Ilang centimeters nalang! Kyahahahaha!!!

"AAHHH!!"
Agad ko siyang tinulak at lumangoy palayo sa kanya! Siraulong lalaki!
May hinarap siyang sea urchin sakin, eh pano niya naman yun nakuha?! 

"AHAHAH! Wait for me Alethea!"

"Hintayin mo mukha mo!"
Mas binilisan ko pa ang paglangoy kaya madali aking nakabalik sa shore.
Sakto namang magsu-sunset na kaya bumalik nalang ako sa room namin.
Wala pa sila Kyra sa room, ang boring nga eh. Nagbihis nalang ako ng isang puting sundress at nagpatuloy sa pagbasa ng librong dala ko, nakakakilig na ang chapter na babasahin ko! 

Basa lang ako ng basa, hindi ko na nga napansin ang oras eh, gabi na pala. Napatingin ako sa pintoan ng biglang pumasok si Kyra.

"Nandito ka lang pala eh! Kanina ka pa hinahanap ni Hanz, tara kain na tayo! May hinanda silang dinner dun sa beach!"
Linapag ko na ang book ko at sumama na kay Kyra.
Pagdating namin sa beach, may naka set nga na tables, may mga pagkain na nga eh. I saw Hanz grilling a meat, si Christian at Zack naman ay gumagawa ng bonfire.
Nagkatitigan kami ni Hanz pero agad akong nag-iwas ng tingin at tumolong nalang ako sa pagse-set ng mga plates.

"Hello everyone! Can we join you?"
Sila Kuya! May dala pa talaga siyang dalawang bote ng beer. Tsk! Tsk! Dapat pala ako ang magbabantay sa kanya eh.

"Sure! Madami namang pagkain eh, baka hindi pa namin maubos lahat to."
Nakangiting tugon ni Christian. 

"Don't worry, may dala din naman kami eh, baka hindi namin maubos."
Ipinakita ni Kuya ang dala niyang beers at si Kuya Jessie naman ay may pinakita pang isang malaking bote ng wine.

Nagtawanan lang sila at umupo na sa table.

"Hi Jan Alethea!"
Ginulo ni Kuya Mike ang buhok ko kaya napatawa nalang ako sa ginawa niya.

"Hello po mga Kuya."

"Hi."
Napalingon ako sa tabi ko at bahagyang napa-atras dahil ang lapit niya pala sakin.

"Ah- Hello Nick."
Tumabi siya sakin at kumuha na sila ng mga plates, kaya kumuha na din ako.

"Uy Hanz, sunog na yan oh!"
Napalingon kaming lahat kay Hanz dahil sa sigaw ni Zack, pero nakatingin lang siya samin at parang wala lang sa kaniya na nasusunog na pala yung niloloto niya.
He rolled his eyes at hinain na ang meat, padabog niya itong linagay sa table at tumabi sakin.

"Uhmm~ do you want some grilled fish Alethea?"
Nakangiting inalok ako ni Nickolas kaya tumango lang ako at linagyan niya na ako ng isda.
We started eating, nagtatawanan din sila pero hindi ako makatawa kasi ang talim ng tingin ni Hanz samin ni Nickolas.

Pagkatapos naming kumain, we gathered around the bon fire at nag toast ng marshmallows. Umiinom din sila Kuya at ang mga kapre ng beer, wine din sa aming mga babae.
Napag-isipan nilang maglaro ng spin the bottle at kung sino ang matatapatan ng bottle, siya ang pipili kung truth or dare ba.

Ang unang natapatan ng bottle ay si Christian, dare ang pinili niya kaya ang pinagawa sa kaniya ay sumayaw sa harap ng isang stranger, at sumayaw nga siya sa harap nung mga babaeng tumatambay sa gilid ng beach. Ang laptrip nga eh!!!

Sunod na natapatan si Kyra, sunod naman ay si Kuya Mike then si Kuya, sobrang laptrip talaga kasi karamihang pinipili nila ay dare, eh sa puro kagagohan naman ang pinapagawa nilang dare eh.

"AHAHAH!!! Okay na Kuya Justin! That's enough, ang sakit na ng tiyan namin kakatawa! AHAHAH!!"
Ang pinagawa kasi nila kay Kuya eh mag panggap na babae at mag seduce ng lalaki. Kuya pretended to be a girl and he tried to seduce Christian! 
Umupo na si Kuya sa pwesto niya at siya na ang nagpa-ikot ng bottle. At tumama ito kay......

Kay Nickolas.

"Okay! Kanina ko pa hinihintay tumapat sayo to eh!! Truth or Dare?"
Excited na sumigaw si Kuya Jessie at umupo pa talaga siya ng mabuti.

"Hmmm.... Dare."

"Alam kong may crush ka sa isa sa mga girls dito ngayon....."
Natahimik kaming lahat at hinintay ang susunod na sasabihin ni Kuya Jessie. May crush pala siya?! Omo!!

"I want you to kiss that girl."
Errr?? Lumalala ata ang mga dare nila.

"O-okay."
Yumuko ng kunti si Nick na parang tinatago ang smile niya kaya napatawa kaming lahat, except pala kay Hanz. Heh.
Tumayo na siya kaya parang na excite na sila Kuya, sino ba ang crush niya?

"Hoy mga bata! Magsibalikan na kayo sa mga hotel ninyo! May curfew kami dito eh, at may dala pa talaga kayong beer at wine ah?! Balik na kayo!"
May isang guard ang lumapit sa amin at sinabihan kaming patayin na ang bon fire namin, sumunod nalang kami at nagligpit ng mga gamit.
Nauna na sila Kuya at Kuya Jessie, kasi lasing na lasing na silang dalawa.

Kumuha ako ng dalawang tupperware na linagyan ng pagkain namin pero agad din tong kinuha ni Hanz.

"Ako ng bahala dito, you shou take a rest now."
Nag thank you lang ako sa kanya at bumalik na sa hotel room namin, nagtatampo pa ako dahil sa ginawa niya nuh, hindi man lang siya nag sorry sakin. Hmp.

"Wahhh~ nakakapagod! Matutulog na ako guys ah!? Good night! Sweet dreams!"
Humiga na sa kama si Christel at agad din siyang nakatulog. Napagod nga talaga siya.

"Me too. Matulog na tayo Alethea?"

"Uhmm~ una ka nalang Kyra. Hindi pa naman ako napapagod eh."

"Sige, good night nalang."
Nag smile lang ako sa kanya at humiga na din siya sa kama.
I tried reading the book I brought para makatulog, pero wala epek kasi exciting na ang binabasa ko, mas nagigising tuloy ako.

Lumabas nalang ako ng hotel at pumunta sa swimming pool. Ako lang mag-isa dito, ang sarap sa feeling!
Ang ganda pa talaga ng view ng mga constellations dito.

"Wow~ ang ganda naman!"

"Maganda nga."
Luh?

Lumingon ako sa paligid at nakita ko si Nickolas na nakatingin lang sakin.

"Uy, hindi ka pa din ba matutulog?"
Lumapit siya sa pwesto ko kaya napapa-angat tuloy ang tingin ko sa kanya, ang taas niya kaya!

"Hindi pa eh, I still have to do the dare."

"Dare? Ahhh~ yun bang kay Kuya Jessie? AHAHAH! Oo nga pala! Sayang naman, hindi namin malalaman kung sino yung crush mo."
Nag pout ako kaya napa smile siya at pinisil ako sa pisngi.

"No, I was planning na ang crush ko lang ang dapat makaalam na siya ang crush ko."
Eh? Bakit nandito pa to? Puntahan mo na crush mo uy!

"Ayiiee!! Ang sweet mo na--- hmp!"
I was so shocked when I felt his lips on my lips! Why did he kiss me? Ako ba yung....

Two seconds lang naman naglapat ang lips namij guys, wag masyadong OA ha?

*BOOGSH*

Mas nagulat pa ako ng makita kong nakahiga na si Nickolas sa sahig, hawak hawak ang panga niya at dumudugo na rin ang upper lip niya.

"Hanz!"
Agad kong inilayo si Hanz kay Nickolas dahil parang may plano pa talaga tong Kapreng to na sumugod kay Nickolas eh.

"Why did you kiss her you piece of sh*t!?"

"It's none of you business Hanz. F*ck off!"

"P*******a ka! I told you to stay away from her!"
Susugod na naman sana si Hanz pero pinigilan ko ulit siya, i even hugged him para hindi na makagalaw pero ang lakas niya parin.

"Tumigil na nga kasi kayong dalawa!"

Seducing Mr. NGSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon