Chapter 22

486 16 0
                                        

Graduation day na, dapat masaya at excited ako ngayon, but I feel sad. Ayaw kong pumunta sa school, ayaw kong magising, wala na akong ganang bumangon.
Pero kahit ano pa man ang gawin ko makakapunta parin ako dun. Kanina pa nga ako ginigising nila Mama at Papa eh, kaya no choice ako't bumangon nalang.
Naligo na ako, tinagalan ko na nga eh para ma late kami. haha. Nakakawalang gana lang talaga.
Knowing that the man you love will leave and you don't even know kung babalik pa ba siya. So sad dibah?

Pagdating namin sa school, maguumpisa na ang ceremony, nag-alala na nga sila Kyra at Christel eh, akala kasi nila hindi na daw ako makaka-attend.

"Good morning everyone! Today is the graduation ceremony of our Senior High School Students batch 2018-2019! Let us all welcome them and their parents with a round of applause. Ladies and Gentlemen, here are the graduates."
After na mag welcome ang MC, inumpisahan ng basahin ng isa pang MC ang list ng mga graduates together with their parents. Matagal pa naman kaming mga babae kaya yung iba, nagpipicture pa.
Nagpicture din kami nila Mama at Papa, I tried my very best para magmukhang masaya, pero deep inside, sobrang sakit na ng puso ko.

"Eric Hanz M. De Guzman, with his parents, Mr. Eduard M. De Guzman and Mrs. Mylene S. De Guzman."
Dun ko lang nakita si Hanz ng tinawag na siya kasama nila Tito at Tita. Yung mga fan girls niya, ang lakas ng tili pero nakasimangot lang siya.
Nalulungkot pa siguro siya kasi hindi ko pa tanggap ang pag-alis niya. Hayst. Ewan ko ba?!

Kinalabit ako ni Mama kaya napatingin ako sa kanya, naka smile lang siya and her stares tells me something, I know na si Hanz ang ibig niyang sabihin. Sumimangot nalang ako at tumingin ulit kay Hanz.

I have decided Hanz. This is for our own sake, wala na tayong magagawa pa. Let's live happily ang peacefully nalang.

Nang tawagin na kami, nagsimula na kaming maglakad, nakita ko pa nga si Kuya, magkasama silang dalawa ni Ate Myles. May tinatago ba tong dalawang to?! Kayo ah!!

I smiled at them and Ate Myles took pictures of us. Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa mga seats namin, hinatid ko na sila Mama sa seats nila at nagpatuloy na ulit sa pagrampa papunta sa seats naming mga graduates.

Sumipol yung iba kong schoolmates na lalaki kaya napatingin ako sa side nila, pero napako ang tingin ko kay Hanz.
He's looking at me.
Gusto kong umiwas pero hindi ko magawa. Gusto kong umiyak, pero pagod na ako.

Naputol ang pagtitinginan namin ng hilain na ako ng schoolmate ko papunta sa seat namin.

Matagal natapos ang ceremony, marami-rami din naman kasi kaming mga graduates eh, tapos ang tataas pa ng mga speech ng principal namin.

"Congratulations Senior High School graduates of batch 2018-2019!!!"
Sabay na sumigaw ang dalawang MC, kaya napasigaw na din ang mga schoolmates namin, they threw their caps in the air and happiness is painted on their faces.

Sana, masaya din ako kagaya nila. Pero hindi ko pa kayang sumaya eh.

"Alethea."
I know that voice.

Lumingon ako sa likod ko, kahit na maingay ang paligid, rinig ko parin ang malakas na tibok ng puso ko.

"Hanz."

"Congratulations."

"Thank you Hanz."
Nag smile na ako sa kanya, pero hindi parin siya sumasagot.
I took a step back away from him at tumalikod na.

But I felt a hand in my arm kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Today is my flight. I want to say goodbye, but I don't want to leave someone who's hurt because of me."
Hindi niya ako kayang iwan na may galit sa kanya? Edi wag niya nalang akong iwan.

"I'm fine now. I understand. This is your ultimate dream, and masaya ako para sayo na makakamit mo na to. Nabigla lang talaga ako kahapon."
I tried to give him a smile.

"I'm sorry, and thank you for understanding me. Ayaw kitang iwan dahil mahal kita but I---"

"Let's stop this. Kung ano man ang namamagitan sating dalawa, tigilan nalang natin to, para hindi na tayo masyadong masaktan. Someday, may makikilala din naman tayo eh. Just have a good life there Hanz. Have a safe trip."
Hindi ko na siya hinintay pang makasagot, I just walked away and held my tears back.
Makaka move on ka din Alethea.

Don't look back! Don't look back!

Nakita ko na sila Mama at Papa na papunta ng parking lot kaya tumakbo na ako papalapit sa kanila.

"May pinuntahan ka pa ba anak?"
Tanong ni Papa habang inaalalayan si Mama sa pagpasok ng sasakyan.
Binuksan ko na rin ang back seat at pumasok na sa loob.

"I just said goodbye to a friend."
Pumasok na din si Papa at pina-andar na ang sasakyan. We started driving, ang makikita ko nalang ay ang mga mga buildings na mabilis naming dinadaanan.
How I wish ganito nalang din kabilis ang takbo ng mundo, para mabilis ko ding makalimutan si Hanz.

I have to forget him right? Hindi din naman kami magkakatuloyan eh.

Sanay ka namang i reject at iwan ng mga minamahal mo Alethea diba?

*******

*Hanz's POV*

She wants to forget me? But what about our love? Mahal na mahal ko na siya, I can't even forget her.
I don't want to forget her. She will always be my one and only love.

"Have a safe trip to Canada Hanz. Send my regards to your Uncle Max."
Yinakap ako ni Papa at tinapik ang braso ko. I'll miss him.

"Thanks Pa. Hinding hindi ko kalilimutang ikamusta ka kay Uncle Max."

"Mag-ingat ka dun anak ah? Don't forget to call us here okay?"
Yinakap na din ako ni Mama and I hugged her back.
Nang bumitaw na si Mama, si Ate naman ang lumapit sakin.

"Here. I know you'll miss her so much. And we will miss you too."
Sabi ni Ate habang naka ngiti. May ibinigay siya saking isang picture.
Picture ni Alethea kanina sa graduation ceremony.

I looked at Ate and hugged her tightly.

"Thank you Ate Myles. Mami-miss ko din kayo. Please support her for me."
Sinuportahan ni Alethea ang desisyon ko kahit na masakit para sa kanya. I can't even repay her...

Bumitaw na ako sa pagyayakapan namin ng i-announce na, na kailangan na naming magboard sa plane.
I gave them another smile at kinuha na ang mga gamit ko.

"Goodbye."
Nakita ko pang lumuha si Mama kaya yinakap ko ulit siya.

"I'll call as soon as makadating na ako sa Canada. I love you Ma."
Mama wiped her tears away and smiled at me.

I waved at them at nagsimula ng maglakad papunta sa boarding station. After na i check ang papers at luggages namin, pumasok na kami ng plane.

Umupo na din ako sa seat ko which is sa gilid lang ng window. Tinignan ko muna ang picture ni Alethea bago ko ito inilagay sa wallet ko.

Good bye Alethea.

Seducing Mr. NGSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon