Chapter 13

571 14 0
                                        

Chapter 13 

Waaahhh!!! Ayaw ko na sa Earth! Nalasing ba talaga ako kagabi? And what did I do?! I almost kiss Hanz! Alethea naman kasi eh! 
 Sinuot ko na ang sunglass at cap ko bago ako pumasok ng school. Para pa akong ninja kung makatago dito sa hallway, parang tanga lang. Well, ginagawa ko lang talaga to kasi baka magkita kami ni Hanz, ang laking kahihiyan yung ginawa ko sa kanya kagabi. 
Rumarami na ang mga students na nasa hallway kaya mas lalo pa akong yumuko, baka nandito na si Hanz. 
Agad akong napahinto sa paglalakad ng biglang may kumuha ng cap ko, and it was Zack. Ang pakealamerong Zack. 

"Alam mo, parang kang tanga. Tanggalin mo yang shades mo." 
He reached for my sunglass pero nakalayo ako sa kanya kaya hindi niya nagawa. He just rolled his eyes at pinitik ako sa noo. Langya, hindi ako naka-iwas. 

"Uy Liit, anong nangyari sayo kagabi?" 
Kagabi?!! Waahhh!! Naalala ko na naman yung kagabi! 

"Waahhh!!! Dahil sayo nalasing ako! Edi hindi sana yun nangyari! Napahiya pa ako sa harap ni Hanz ng dahil sa lintik na alak na binigay mo sakin! Pano mo yun nadala ha? Nandoon ang mga parents natin eh!!!?" 
Sinapak ko siya sa braso dahil sa inis ko, binato ko pa nga sa kanya ang bag ko eh kaso nakatakbo na siya papuntang room kaya hinabol ko siya, wagas maka 'Flash' ang ate niyo besh! Malapit na ako sa room! Eto na!!! 

"Patay ka saking kapre ka---" 
Natigil ako sa pagsigaw ng mapansin kong nagka-klase na pala kami. Patay!!!! 
Ang sama ng tingin ng teacher namin habang nagpipigil naman ng tawa ang mga classmates ko lalo na si Zack. Ang sarap ipa-salvage ng kapreng to!!! 

"Ms. Reyes, are you cursing at me?" 
Our teacher raised her left eyebrow at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. 
Ahy! Ma'am ha, don't look at me like that ah, nati-trigger ako! 

"No Ma'am! I was just practicing for a.... a.... a play! Tama, may play po kaming ipe-present sa organization namin. Hehehe" 

"Hmm? Okay. Go take your seat." 
Naglakad na ako agad papunta sa seat ko pero bigla akong nailang nang mapansin kong nakatingin pala si Hanz sakin. 
Grabeh mga besh! Wagas naman kung makatitig tong gwapo na to, hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang iiwas ang tingin ko o hindi. 
But, it end up na iniwas ko nalang ang tingin ko at umupo na. For the whole period, nakatunganga lang ako at iniisip kung anong dapat kong gawin kung magkakaharap kami ni Hanz, hindi naman talaga maiiwasan diba na hindi kami magkaharap kasi classmates naman kami. 

*KRINGGGG* *KRINGGGG* 

"Okay, remember to bring your textbooks tomorrow. And don't be late!" 
Dahil medyo bastos si Ma'am, lumabas na agad siya ng room kahit hindi pa nga kami nakaka goodbye sa kanya eh. Bahala siya sa buhay niya. 

"Tara, kain muna tayo guys!" 
Tumayo na sila Christian, Zack at Hanz, but nang mapansin ni Christian na hindi pa ako tumatayo hinatak niya ako kaya no choice, sasama nalang ako, nagugutom na din naman ako eh. 
Saktong paglabas namin ng room ay dumaan sila Christel at Kyra, tumakbo nga sila agad ng makita ako eh. 

"Alethea, okay ka na ba?" 
Alalang tanong ni Kyra sakin. 

"Okay lang naman." 
Medyo nahuli kaming tatlo sa paglalakad kasi mabilis maglakad yung mga kapre eh.

"Sorry Alethea ah, hindi ko namalayan na alak na pala yung binigay nila Zack sayo." 

"Kalimutan niyo na yun, hahaha." 

"Oo nga pala, hinatid ka ba ni Hanz kagabi?"
 Christel lowered her voice para hindi marinig ng tatlong kapre. 

"Uhmm... Ano... Oo?" 

"Oh~~ may nangyari nuh?!" 

"Huh? Ha ha ha! Ano bang pinagsasabi mo!?" 
Ang awkward naman nito, super obvious na nagsisinungaling ako. 

"Meron. AHAHAH!! Tell us what happened."
Dumikit pa sila sakin at excited na excited. May magagawa pa ba ako, parang si Mama tong si Christel eh. 

"Tss. Fine, I almost kissed him." 

"What?!!!" 
Kailangan sumigaw mga besh!? Tinakpan ko kaagad ang mga bibig nila kasi nakaka distract na kami ng ibang students. 
Napalingon pa nga yung tatlong kapre samin eh. 

"Wag nga kayong sumigaw!" 
They pretended to zip their mouths at nag okay sign sakin. 

"Don't mention that to me kahit kailan ha? I'm trying to forget that scene, bruhh!!! Nakakahiya na nga yung ginawa ko eh." 

"Don't blame us, I tried stoping Zack pero huli na, nainom mo na yung alak. Ewan ko nga ba eh kung bakit may alak dun, si Hanz naman daw bumili nun." 
Si Hanz? Hindi naman siguro palainom ng alak si Hanz ah? 
 Pagdating namin sa cafeteria, nasa table na yung mga kapre, nakabili na din sila ng makakain namin. Oh wait, wala pala sakin.
What am I expecting anyway, na bibilhan ka ni Hanz, boyfriend mo ba siya Alethea?! Hindi nga siguro kami prends eh!! 
 Tatayo na sana ako para bumili ng makakain pero may naglapag ng plato ng carbonara sa tapat ko kaya napalingon ako kung sino yung nagbigay nun. 
Kyahhhh!!! Hanz! Tiningnan niya lang ako at tumayo na papuntang counter at bumili ulit ng carbonara. I think ang pula pula na ng mukha ko dahil sa kilig!!! Wag masyadong OA Alethea, may kasalanan ka pa kay Hanz.

"Ayieee... Kinikilig siya." 
Bumulong si Christel sa tenga ko sabay kiliti sa tagiliran ko pero agad ko yung tinabig at sinamaan siya ng tingin. 

Whole day, iniiwasan ko lang si Hanz. Nakikita ko lang siyang tumitingin sakin, pero agad akong umiiwas. 

"Una na ako Alethea ah? Bye." 
Nagpaalam na si Christel sakin, ako nalang naiwan dito. Umalis na kasi sila Kyra at Zack kanina, si Christian din umuwi na. 

"Sige, ingat ka." 
We waved at each other, sumakay na siya ng taxi a habang ako? Eto, nakatayo sa gilid ng kalsada, naghihintay kay Kuya. Ang tagal naman kasi ng baklang yun eh!! 

*BEEP BEEP* 

Narinig ko ang pagbusina ng sasakyan ni Kuya, at hindi nga ako nagkakamali, si Kuya nga yun!! 
Binuksan ko na ang front seat pero laking gulat ko ng iba pala ang nagda-drive ng sasakyan ni Kuya! Si... Si... Si Nickolas? 

"Nickolas? Anong ginagawa mo dito?" 
Nagsmile muna siya sakin bago siya sumagot. 

"May importanteng lakad kasi ang Kuya mo, he asked me a favor na sundoin ka." 
Tumango nalang ako sa sagot niya at inilagay na ang bag ko, sasakay na din sana ako pero may biglang humila sakin. 

"Hanz?" 
Tumingin si Hanz sa loob ng sasakyan at tumingin ulit sakin. 

"What are you doing Hanz?" 
Narinig kong nagreklamo si Christian sa loob kaya napatingin ako sa kanya, ang sama ng tingin niya kay Hanz. 
Imbis na si Nickolas ang sagutin niya, ibinaling niya lang ang tingin sakin at nagsalita. 

"Come with me. Ako na maghahatid sayo." 
Hinila niya na ako pero may humila na naman sa kabilang kamay ko. 
Teka, ang bilis naman ata makalabas ni Nick? Ang sama talaga ng tingin nila sa isa't isa! 

"She's not coming with you Hanz. Her brother asked me to pick her up so get lost."

"You get lost because she's coming with me." 
Hinila na naman ako ni Hanz, pero hinila din ako ng Nick. Baka mamatay ako sa kagagohan ng dalawang to ah?! 

"Tumigil nga kayong dalawa! Magta-taxi nalang ako." 
Hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Nick, mabuti na nga lang at bumitaw siya.
 Hinila ko na rin ang hinahawan ni Hanz pero hindi ko matanggal kasi mahigpit ang pagkakahawak niya dito. 

"Hanz, ano b----" 
Nabigla nalang ako ng bigla niya akong binuhat ng parang sako. 

"Ahhhh!!! Ano ba Hanz! Ibaba mo nga ako dito!" 

"Ibaba mo nga siya, siraulo ka ba?" 
Kahit na pwetan ni Hanz ang nakikita ko, alam kong hinarangan ni Nick si Hanz kasi huminto siya sa paglalakad. 
 Ang magpinsang to, dinadamay pa ako sa away nila.

Seducing Mr. NGSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon