*Alethea's POV*
Two weeks had past since umalis na si Hanz. And to be honest, masakit parin sa hart ang pag-iwan niya samin!! Waahhh!!
For two weeks, nakamukmuk lang din ako sa kwarto ko. Parati naman akong tinatawagan nila Kyra at Christel para gumala pero palagi naman akong wala sa mood.
Kain, tulog, nood movie, basa, kain, tulog, tunganga, nood TV. Yan lang talaga ginagawa ko araw-araw!
Baka nga tumaba na ako neto eh!*Message Ringtone*
From: Christel
Jan, pupunta kaming SGU College ngayon para magpa enroll, hindi ka ba sasabay samin?
Haysssttt!! Balik klase na pala next week, hindi pa ako nakapag enroll. Dun kami magpapa enroll sa school din nila Kuya, soooooo
Araw-araw ko na talagang makikita si Kuya dun! Bantay sarado na naman ako neto.
Hinawakan ko nga mabuti ang phone ko at nagsimula ng mag type.
Me: Sabay ako sa inyo Christel, kita nalang tayo sa school. Thank you.
I sent it to her and bumangon na para maligo.
Sumabay na ako kay Kuya papuntang school, magpapa enroll na din kasi daw siya. Pagdating namin sa school, kunti lang ang tao, huli kasi kaming magpa enroll eh, tinatamad masyado.
Sumunod lang ako kay Kuya since mas kabisado na niya ang school na to. Pagdating namin sa Registrar, nandoon na sila Christel at Christian.
"Oh? Asan sila Kyra at Zack?"
Tanong ko sa kanila sabay hug."Hindi mo talaga binabasa ang GC natin nuh? Kyra and Zack will be studying in ES University."
Pagpapaliwanag ni Christel.Bigla nalang akong napasimangot sa nabalitaan ko. Dalawang kaibigan ko naman ang nahiwalay samin. Ganito lang talaga siguro nuh kung college na kayo ng barkada mo?
"Ganun ba? Sorry, I haven't checked my social media accounts yet. Magkikita-kita pa naman tayo diba?"
"Oo naman nuh! Napag-usapan namin na magkikita-kita tayo 2 or 3 weekends a month."
Nag smile siya sakin at napatingin kay Kuya."Hello po Kuya Justin! Sunod kami sayo sa enrollment flow ah?"
"Actually, hindi pareha ang enrollment flow niyong freshmen sa aming mga seniors. But, sasamahan ko nalang kayo, I'll tour you guys around too para hindi kayo maligaw sa first day of school."
Pagpipresenta ni Kuya habang naka ngiti.Ang plastic ni Kuya! Pero kung ako yun, hahayaan lang siguro niya akong maligaw dito sa school.
Pumasok na kami sa Registrar office at humingi ng enrollment form, marami pa kaming pinuntahan bago kami matapos.
Pumunta pa kami ng clinic para magpagawa ng record namin sa clinic, sa cashier, sa Dean's office ng department namin at madami pa talaga. Ang daming echoss eh!!Pagkatapos naming magpa enroll, pumunta kami ng mall para gumala at makabili na ng school supplies.
Hindi sana ako sasama eh kasi tinatamad ako pero pinilit na din ako ni Kuya."Look Alethea! Ang ganda nung bag oh!"
Siniko ako ni Christel sabay turo dun sa mga bags. Marami namang magagandang bags pero isa lang ang mas umangat ang kagandahan. Choss"Ahhh, yun bang color pink?"
Agad siyang tumango sa tanong ko at ang lapad lapad pa ng ngiti niya. She likes that bag."Puntahan mo na! AHAHAH!! Dito lang muna ako, pipili pa ako ng bagong shirt eh."
Mas lumaki pa ang ngiti niya at agad na tumakbo papunta dun sa bag. Napatawa nalang ako at tiningnan ulit ang mga shirts.Mga ilang minuto lang din, may kumalabit na sakin at paglingon ko si Christel pala, she seems sad.
"Oh? Anong problema?"
"Ang ganda nung bag, sobra!! Sobrang mahal nga lang din."
Napatawa nalang ako sa expression niya, naka pout kasi siya at tumatalon siya ng kunti."Sobrang cute mo din. Tara na nga lang, puntahan na natin sila Kuya at Christian."
Umalis na nga kami sa lugar na yun, baka umiyak pa tung kasama ko eh. HAHAH.
Bumili na din kami ng school supplies sa National Bookstore at umiwi na para maka pagpahinga.
Pagdating namin sa bahay, dumiretso na ako sa kwarto ko. Kapagod kaya maglakad lakad buong araw.
Naalala ko yung sinabi ni Christel sakin na sa ES University na daw mag-aaral sila Kyra.
Nagkakahiwa-hiwalay na kami. Hayst.Kinuha ko nalang ang phone ko at nag log in sa Facebook account ko.
13 messages from different people, 530 friend requests na hanggang ngayon hindi ko parin inaaccept, kapagod kasi eh, mas dumadami araw-araw ang friend requests ko. May 50 notifications din ako.Nag open muna ako sa messages ko at lumabas dun ang mga unread messages ko.
Binasa ko yung sa GC namin at tama nga sila Christel, hindi nga sila mag-aaral sa SKU College. Sunod ko namang tiningnan ang iba pang messages, at kaloka! Yung iba mga Arabu pa ang nag message sakin, idenelete ko nalang yung iba at nagbasa ulit ng ibang messages. I mean..... nang seen ng messages. AHAHAHAHANahinto ako sa pag scroll ng makita ang pangalan ni Hanz. Ang dami niyang messages sakin.
I opened it, at halos maluha na naman ako sa mga nabasa ko.Hanz: Hi Alethea. Nandito na ako, we've landed safely. Just so you know.
Hanz: Good morning there Alethea, kamusta ka na?
Hanz: Hey!
Hanz: How are you Alethea?
Hanz: I miss you.
Marami pa talaga siyang messages, ang last message niya ay kahapon.
I just took a deep breath and locked my phone. Ipinatong ko sa aking dibdib ang kamay ko at nanatiling tulala.Should I reply?
Aish! Wag na nga lang! Kailangan ko na nga siyang kalimutan dibah? Alethea naman eh?
Itinapon ko nalang ang phone ko sa kama ko at humiga dun. Inabot ko ang novel na binabasa ko at binuklat ito.
Kailangan kong libangin ang sarili ko para makalimutan ko na si Hanz.
Ang OA masyado nuh? Hindi ko naman siya boyfriend eh..... pero mahal ko na siya eh.
Ayaw ko naman ng LDR nuh! Saklap nun! Masayang masaya ako dito sa Pinas pero may iba na pala siya sa Canada.
Pero depende naman yun sa tao diba? Kung cheater siya, edi cheater siya! Kung loyal naman siya, edi loyal.But, ayaw ko talaga ng LDR eh! Tapos tinago niya pa talaga sakin ang pag-alis niya. Huli niya ng sinabi, kung kailan mahal ko na siya.
Wala talagang forever!!!
*****
A/N: Special thanks to all of you guys, for voting and reading my story. Thank you so much.
To GoTwice_0709, thank you for voting😍For dedications, just leave a comment below😊

BINABASA MO ANG
Seducing Mr. NGSB
Novela JuvenilSi Eric Hanz de Guzman ay isang NGSB na cold-hearted, super masungit at heartbreaker ng kanilang school. He's not a gay! Ayaw niya lang talagang magmahal! But, what if makilala niya ang isang babaeng opposite ng ugali niya, si Jan Alethea Reyes, is...