*Hanz's POV*
"Move."
Sinubukan kung lagpasan siya pero hinarangan niya ulit ako. Naiinis nako sa lalaking to ah!"Tumigil na nga kayo! Ako nahihilo sa kalokohan niyong magpinsan eh!!"
Isa pa tong babaeng to, bakit kasi nagkakilala pa tong dalawang to.
Ibinaba ko nalang si Alethea, pagkalapag ko sa kanya agad niya akong sinuntok sa braso."Siraulo ka ba?! Bakit ba naman kasi kayo nag-aaway?! Kung makita kayo ng Principal, edi patay ulit kayo sa kanya!!"
Tinignan niya kaming dalawa ni Nick at ang sama sama ng tingin.
Kung alam mo lang Alethea na dahil sayo, nagkakaganito kaming dalawa."Sorry Alethea, this is nothing. Umuwi nalang tayo."
Hinila na ni Nick si Alethea sa sasakyan, at hindi na ako nakapalag kasi kusa na ding sumakay si Alethea sa front seat.
Tiningnan ko nalang ang sasakyan nilang maka-alis.
Ano bang nangyayari sakin?! Argh!Pagdating ko sa bahay, naabutan ko pa si Ate Myles na nagte-text sa phone niya, smile pa talaga ng smile. I know na lalaki ang ka text niya, hindi ko lang siya pinapakialaman kasi hindi ako kagaya niya. Psh!!
"Oh, ang tagal mo naka-uwi ah?"
"I know."
Linagpasan ko lang si Ate at umakyat na ng kwarto ko.
Agad akong humiga sa kama ko dahil sa pagod. Naiinis pa ako sa sarili ko, I can't understand my feelings.
Everytime I think about Alethea, bumibilis ang tibok ng puso ko. Kung nakikita ko naman siyang may kausap na lalaki lalo na yung Nickolas na yun, bigla nalang kumukulo ang ulo ko."Nag-away daw kayo ni Nickolas?"
Bibigyan ba ako ng heart attack ng Ate ko?! Hindi man lang kumatok?!"Ate!! Uso naman siguro ang kumatok bago pumasok ng kwarto ng ibang tao diba?"
Umupo nalang ako at sinamaan siya ng tingin pero lumapit siya sakin at pinitik ang tenga ko."Wag mo nga akong taasan ng boses! Ate mo ako!"
Umupo din siya sa kama at linaroan ang unan ko."What do you want?"
"Wala naman, gusto ko lang tanongin kung bakit kayo nag-away ni Nickolas, nakakalimutan mo bang pinsan mo siya?"
"Wala ka nang pakealam dun, alis ka na nga."
"Kung hindi mo sasabihin sakin, isusumbong ko to sa kanila ni Mama at Papa."
"Hindi pa nila alam to? Then sinong nagsabi sayo?"
"Zack."
Sabi ko na nga ba eh."Pshh. Edi isumbong mo."
" AHAHAH! Hanz, kung malalaman to nila Papa, magagalit talaga sila. Baka parusahan pa nga kayong dalawa eh."
Argh! Nangba-black mail na naman tong Ate ko."Bahala sila."
"Sabihin mo na kasi, sige ka! Hinding hindi na talaga kita papansinin!!"
"Edi mas mabuti. Kung sa ganon, makakaalis ka na Ate."
I grinned at her pero sinapak niya lang ako sa braso."Hindi ako titigil hanggat hindi mo sinasabi sakin."
"Umalis ka na kasi Ate!"
"Tss. Fine! Basta, eto ang tandaan mo, kung may kailangan ka hindi talaga kita tutulongan!"
"Oo na! Oo na! Now get out!"
Tinulak ko na palabas si Ate, mabuti na nga lang at hindi na siya nangulit pa.
I locked the door para hindi na talaga siya makapasok.
Bahala siya kung isusumbong niya sa kanila ni Papa. Tatanggapin ko nalang ang consequences nilaWait, pano nalang kung ang consequence nila ay cut-offan ako ng allowance? Or di kaya ay bawiin ang sasakyan ko? No way!!
Agad akong lumabas ng kwarto at pinuntahan si Ate sa sala pero wala na siya dun. Umakyat ulit ako at kumatok sa kwarto niya. Hindi din nagtagal ay binuksan na ni Ate ang pinto.
"Oh look who's here?"
"Don't tell this to Mom and Dad."
"Hmmm?? Bakit ko naman yun gagawin?"
"Kasi.... Kasi sasabihin ko na sayo kung bakit kami nag-away ni Nick."
Ngumiwi muna siya na parang may iniisip bago ako pinapasok sa room niya."Talk."
Ang demanding ah?"Nag-away kami ni Nick dahil natapakan ko ang paa niya."
"Ginagago mo ba ako Hanz? Alam kong hindi yun ang reason, come on just spill out!"
"Fine, Alethea cried because of me kaya nagalit si Nick sakin."
Lumaki ang mata ni Ate sa sinabi ko, hindi naman obvious na gulat siya nuh."What?!!! Pina-iyak mo si Alethea! Siraulong lalaki, ano naman kasi ang ginawa niya at pina-iyak mo ha?"
Ano nga ba? Wala naman eh, ako lang talaga ang may problema kaya napa-iyak ko siya."Wala. I was just...."
"Jealous?"
Napatingin ako kay Ate sa sinabi niya. Nagseselos ako dahil kay Nick?"You're jealous with Nickolas kaya nasaktan mo siya at napa-away ka pa sa pinsan mo."
"Huh!!! Bakit naman ako magseselos?"
Umiwas ako ng tingin kay Ate at tumawa ng mahina."Because you like her."
I.... I like her? Ganito pala yun? Yung feeling na may gusto ka na palang babae?"See? Hindi ka nga nakapalag sa sinabi ko eh, kasi gusto mo na nga si Alethea! AYIIIEHHH!! Lalaki na talaga ang kapatid ko!!!"
Tumalon talon pa si Ate sa kama niya pero nakatulala parin ako."AHAHAH!! Alethea! Narinig mo ba yung sinabi ko!?"
Teka, Alethea? Nandito si Alethea!???
Linibot ko ng tingin ang buong kwarto pero wala naman akong nakitang Alethea eh."AHAHAH!! You heard it right?"
Kinuha ni Ate ang phone niya at inilagay sa tenga niya.
What the f*ck!!!! Tinawagan niya si Alethea?? Narinig niya kami?!!!
Agad kong hinablot ang phone kay Ate at tiningnan ang screen, si Alethea nga."Hello Ate Myles? Nanjan pa po ba kay----"
Pinatay ko na ang tawag at lumabas ng kwarto ni Ate. Narinig niya kaya yun??
Waaahhhh!!!
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. NGSB
Teen FictionSi Eric Hanz de Guzman ay isang NGSB na cold-hearted, super masungit at heartbreaker ng kanilang school. He's not a gay! Ayaw niya lang talagang magmahal! But, what if makilala niya ang isang babaeng opposite ng ugali niya, si Jan Alethea Reyes, is...