Chapter 8

580 20 0
                                        

*Alethea's POV*

Ayaw ko na sa Earth! AHAHAH! Joke lang Papa God!
Kasi naman eh, nakokonsensya na naman ako kay Hanz.

*Flashback*

"Bili muna tayo ng makakain sa cafeteria, nagugutom ako eh."
Sabi ni Kyra sabay himas sa tiyan niya.

"Uy!? Baka hindi lang yan basta bastang gutom ah? Baka naglilihi ka na niyan!?"
Napatawa naman kaming lahat sa sinabi ni Christel, but except for Kyra and Zack.

"Christel naman eh!"
Hinampas ni Kyra sa braso si Christel pero mahina lang naman!

"Hey!  Even though palagi akong na tetemp sa girlfriend ko, pipigilan ko parin ang sarili ko and I'll wait for the right time to get her pregnant kasi mahal ko siya! OA ka lang kasi wala kang boyfriend! Blehhh!!!"
Nakita kong namula si Kyra at hinampas sa braso si Zack. AHAHAH!! Ang cute nilang mag couple. Buti pa sila.....
Lumingon ako kay Hanz pero agad naman akong umiwas ng makita kong nakatingin pala siya sakin.
Naglakad na kami papuntang cafeteria, nagpahuli ako at nasa unahan ko si Hanz, but nagtaka ako ng huminto siya at nagsalita ng mahina.

"Hey uhm.... hindi ko gusto to but Ate Myles asked me to do it. Uhm... C-can you be......."

"Be?"
Hindi pa niya tinuloy ang sasabihin niya kasi nagmura siya. Siraulong lalaki! Ako ba minumura nito?!

"Can you be--- I mean, c-can you b-bake me some cookies? Make sure walang peanuts ah? S-sige una nako!"
Magpapa bake siya ng cookies?! Wait, sabi niya hindi niya daw gusto to pero ginawa niya lang kasi yun ang sabi ni Ate Myles. Napilitan lang pala siyang magpa bake.....
Okay! Cheer up Alethea! This is your chance to prove na mali ang hinala niya na sinadya mong lagyan ng peanuts yung cookies.

*End of flashback*

Anyway, nandito kami ngayon nila Kyra at Christel sa mall kasi ngayon na kami bibili ng gowns. Nakakapagod nga eh, di ako sanay, di naman kasi ako mahilig mamili ng dresses or gowns.
Then parang hindi pa sila nasa-satisfied sa mga napipili nila lalong lalo na si Christel, ang kulit pa nga eh kasi pinapasuot niya samin ni Kyra yung mga sexy na gowns, yung halos makita na ang kalahati ng breast namin!
Maliit na nga dede ko, ipapakita ko pa sa ibang tao?! Kung makita to ni Hanz?! Edi mato-turn off siya! Wahahaha!!!!

Lumipat na naman kami ng ibang boutique at agad na naghanap ng gowns. Nagkahiwa-hiwalay kaming tatlo kasi last boutique na ito, dapat mahanap na talaga namin ang susuotin namin.
Pareha nung sa ibang boutiques, sobrang sexy din ng mga gowns na to! Grabeh! Hindi naman bagay sakin ang mga damit na to eh.
Aalis na sana ako sa lugar na yun para hanapin sila Christel at Kyra, but something caught my attention. It's a gown. Malamang! AHAHAH! Joke lang.
Sige, seryoso na to! Ang ganda ng gown! It's a pink off shoulder, balloon ang style niya and there are white and pink flowers on it.
Kinuha ko yun at itinapat sa katawan ko.

"Jan, may nakita na kami!! Finally! At oo nga pala, may nakalimutan akong sabihin sayo kanina, hehehe! Sorry!!!"
Lumapit sakin sila Christel at Kyra kaya napalingon ako sa kanila.

"Okay lang~ ano ba yun?"

"Yung susuotin pala ng date mo ay color white na tuxedo, so dapat bagay kayo ng outfit!"
Napatingin naman siya sa hinahawan ko na gown and I heard her gasp.

"Oh! That's perfect! I'm sure bagay na bagay kayo ng date mo, excited na tuloy ako!!"
Tumalon talon pa talaga siya habang nakakapit sakin. Parang bata lang?!

"Bukas nga pala, sama ka samin ah? Magpapa manicure at pedicure kasi kami ni Christel."
Sabi naman ni Kyra sabay lapit din sa kabilang side ko.

"Oh? I'm sorry. But, I can't come with you guys, we'll still have to finalize the party pa kasi eh."

"Ahy~ sige. Edi kita nalang tayo sa Thursday?"
Binitawan na ako ni Christel at nag pout.

"Yup. So? Bayadan ko lang to ah? Nakabayad na ba kayo?"

"Oo eh! Na excite talaga kami ni Kyra kaya binayadan na namin agad para hindi kami maagawan! AHAHAH!!"

"AHAHAH!! Ganon bah? Sige punta lang ako sa cashier."
At yun na nga! Binayaran ko na yung gown at umuwi na kaming tatlo, hindi na nga kami nakakain eh kasi nagmamadaling umuwi si Christel.

Kinabukasan, sobrang busy na ng lahat! We finalized the program, the catering, the musics, ang design ng stage at yung iba pang ka echosan!
And right now, I was assigned to finalize the scripts of the hosts for tomorrow's party. Oh dibah?!
Sa sobrang busy ng lahat sa pag fifinalize sa stage, naiwan tuloy akong mag-isa dito sa back stage. Naiihi pa talaga ako kaya linagay ko muna ang pen ko sa table at pumunta na ng CR.

At sa wakas!!! Nailabas ko na ang dapat kong ilabas! Bumalik na ako sa table ko, naabotan ko yung schoolmate kong lalaki na kumukuha ng mga balloons, I just ignored him kasi busy din naman siya.
When I was about to get my pen, may napansin akong isang papel na tinupi-tupi. Lumiit na siya kakatupi ng kung sino man ang nagtupi nito!! Wait ano daw?! AHAHAH!!!

Tumingin muna ako sa paligid, at nandoon parin yung schoolmate ko. Binuklat ko na yung paper and sobrang shock ko talaga ng mabasa ang nakasulat dito!!! Oh my ghad! I can't believe it?! Is this real?!

"As soon as you arrive at school tomorrow night, magkita tayo sa glass garden.
And, be my date."

Yun lang yung naka sulat sa papel! Pero mga besh! Ang tagal tagal kong naghintay na may mag-aya sakin na maging date, pero ngayon lang nagparamdam ang taong to kung kailan may date na ako! Bahala nga siya sa buhay niya!!!

"Pssst!"
Lumingon naman agad sakin yung schoolmate ko ng mag pssst ako sa kanya. Heheheh!!!

"Uhm? Bakit Jan?"

"Nakita mo ba kung sino ang nag-iwan nitong papel dito?"

"Hindi eh, busy kasi ako dito, hindi ko namalayan kung may pumasok ba dito o wala. Sige, balik na ako dun ah?"

"A-ahy sige! Salamat pala ah?!"
Nagpatuloy na siya sa paglakad kaya naiwan na naman akong mag-isa dito.

Kanino kaya to galing? Hindi kaya kay Hanz to galing?! Ayieeee!!! Kenekeleg eke eh!!

Ahy, ayaw niya nga palang pumunta. Tsss! Ang KJ ng love of my life ko!

Baka naman secret admirer ko! Kyahhh!! May secret admirer ako?!
Or.....
Maybe ito yung magiging date ko?! Gusto niya munang makipagkita at makipagkilala sakin bago kami pumasok ng Activity Hall. Tama!!!

Seducing Mr. NGSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon