Chapter 17

525 16 0
                                    

"Alethea, gising na, we're here."
Hmmm~ ang lambing naman ng boses, sarap kagatin. Ayaw ko pang gumising eh kasi ang sarap na ng tulog ko, napanaginipan ko pa si Hanz, gusto na niya daw ako! Kyahhh!!!

"Alethea."
Ang lambing talaga ng boses eh nuh? Ang sarap sa tenga!
I felt a warm hand on my waist kaya nakamulat na talaga ako. At sheyt! Sana hindi ko nalang yun ginawa!

"Wah!"
Naitulak ko si Hanz palayo kasi ang lapit niya pala sakin. Napatingin naman sila Kyra samin, kinuha na nila ang mga gamit nila.

"What happened?"
Tanong ni Kyra.

"Ah-- wala! Nahulog lang yung sunglass ko!"
Bumaba na ako ng van at nakita ko pa talagang nag smirk si Hanz. Che!

"Come on guys! Punta na tayong hotel, excited na akong maligo sa beach!"
Sigaw naman ni Christel.
Nauna nang maglakad yung apat kaya naiwan kaming dalawa ni Hanz.

"Let's go."
Sinirado na ni Hanz ang door ng van at naglakad na kami, pero may isang itim na sasakyan ang pumarada sa harapan namin kaya napahinto kami sa paglalakad.
Lumabas sa front seat si Kuya, isang malaking bag lang ang dala niya. Pinisil niya lang ang ilong ko at may kinuha na sa trunk ng sasakyan.
Sunod namang lumabas sa back seat sila Kuya Mike at Kuya Jessie. Since high school magkaibigan na yan silang tatlo ni Kuya, kaya naging kaibigan ko na rin sila.

"Kuya Mike! Kuya Jessie, na miss ko kayo, hindi na kayo nakapunta sa bahay ah?"
Lumapit ako sa kanila ang I hugged them.

"Miss ka na din namin nuh! Mabuti na nga lang at makakapag bonding tayo ngayon dito."
Ginulo naman ni Kuya Mike ang buhok ko kaya napatawa kaming tatlo. We heard the driver seat open kaya napatingin kamin dun, and nakita naming lumabas si Nickolas.
Nag wave lang ako sa kanya at ganon din ang ginawa niya. Nang tignan niya ang katabi ko which is Hanz, biglang nandilim ang paningin niya.
Hayst, here we go again!

Naramdaman kong hinawakan ni Hanz ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya at ang sama na naman ng tingin niya kay Nickolas.

"Ah--- una na kami sa hotel ah, kanina pa kami hinihintay nila Christel eh, bye!"
Hindi ko na hinintay pang makasagot sila, hinila ko na agad si Hanz palayo sa parking lot at nung hindi na namin sila nakikita hinarap ko na siya.

"Alam mo bang nadadamay ako dahil diyan sa galit mo kay Nickolas?! Tigilan niyo na nga yang away niyong magpinsan!"
Sinapak ko siya sa braso dahil sa inis ko sa kanya.

"I'm sorry Alethea. First time kong maramdaman ang feeling na to, and I am thankful na ikaw ang dahilan ng happiness ko. Hindi ko lang talaga gustong makita kang may kasamang iba."
He pinched my cheeks kaya sinapak ko ulit siya.

"Bahala ka nga sa buhay mo."
Nag walk out na ako but I can still hear him giggle.
Nung nakapasok na ako sa room namin, dun ko na inilabas ang kilig ko. Kyahhh!! Napapatalon ako sa keleg eh nuh?!

"Oh? Anong nangyari sayo? May ipis ba sa damit mo? AHAHAH!!"
Lumabas galing ng bedroom sila Kyra at Christel kaya napatigil ako sa pagtalon at nagpanggap na parang wala lang.

"Ah wala! Excited lang akong maligo, magbibihis lang ako ah?!"
Pumunta na rin ako ng bedroom para magbihis, naka swimsuit na kasi sila eh.

Since two-piece yung mga dala ko, yung yellow na two-piece nalang ang sinuot ko, kinuha ko na rin ang sunglass at hat ko at lumabas na ng room.

Pagdating namin sa beach, madami naring mga tao, ang iba nagsu-sunbathing, naliligo, kumakain. MWEHEHEH
Pumunta nalang kami sa shore naglaro-laro dun sa tubig. Gumawa din kami ng sand castles and Kyra even braided my hair.
Di nagtagal ay dumating na din yung mga kapre, at sheyt bat ang gwapo nila? Parang slow motion maglakad eh! Napapatingin tuloy yung ibang mga babae sa kanila.

Nang nakalapit na sila samin naki-upo na din sila at tumolong sa paggawa ng sand castles. 
Napatingin nalang ako kay Hanz ng bigla siyang bumulong sa tenga ko.

"Magbihis ka kaya nuh? Wear a shirt and a short."
Hmp! Maliligo na nga kami eh, sila lang naman ang hinihintay namin eh kasi natatakot kaming pumunta dun sa malayo kasi may nga sea urchins.

"Wag na, maliligo na din naman tayo eh, and you're not the boss of me, so ako na ang bahala kung anong susuotin ko."

"Wag na ngang makulit! Pinagpe-pyestahan na ng mga tingin ng mga lalaki ang katawan mo oh, baka mapatay ko pa yan sila!"
Sinamaan ko siya ng tingin at tumingin sa paligid ko pero wala namang nakatingin sakin ah. Tsaka hindi ko makita ng mabuti kasi naka shades sila!

"Wala naman ah? Ang OA mo, boyfriend ba kita?"

"Hindi pa."

"Oh, hindi kaya kung ako pa sayo, tumulong ka nalang sa pagtapos nitong castle para makaligo na tayo."
Nag smile na ako sa kanya at nagpatuloy na sa paggawa ng castle. But napansin kong hinubad niya ang suot niyang sando kaya topless na siya ngayon, sheyt man!!!
Binato niya sa mukha ko ang sando. Tangnang lalaking to.

"Kahit na, magiging boyfriend mo din ako kaya sundin mo nalang ako. Wear that."
Sasagot pa sana ako pero tumayo na siya at sumunod naman yung dalawang kapre, maliligo na sila!!!

"Hintayin niyo kami!"
Sumigaw si Christel kaya tumakbo na kami papunta sa kanila. Wahh!
Nung taga leeg na namin yung tubig kumapit na ako kay Christel pero nakakapit din siya kay Christian kaya lumapit nalang ako kay Hanz at dun ako kumapit sa leeg niya.
Sila Kyra at Zack naman, sweet na sweet nang naliligo. Ayieee!!!
Hindi ko na nafe-feel yung sand sa paa ko kasi nga nakakapit na ako kay Fafa Hanz, eh mas mataas pa to sakin eh. Lakad lang siya ng lakad, napapalayo na nga kami sa kanila eh.

"Hoy, malayo na tayo sa kanila."

"Don't worry, nandito naman ako eh."
Nakita kong nag smile siya kaya naglaro-laro nalang ako sa tubig.

"Aaahh!!!"
Nataranta ako ng biglang sumigaw si Hanz kaya napabitaw ako sa leeg niya, mabuti na nga lang at marunong akong lumangoy pero parang nalulonod si Hanz!!!

"Hanz! Kapit ka sakin!!!"
Kumapit nga sa braso ko si Hanz pero natangay niya naman ako sa ilalim kasi ang lakas niya, mabigat pa talaga siya kaysa sakin.

"Ahhh!! Wag nalang! Wag kang kumapit sakin!"

"Alethea, nagka cramps ako! Ahh! Help, mamamatay na ata ako!!! Ahh!!"
Oh no! Anong gagawin ko?! Hindi naman ako naririnig nila Christel eh, hindi ko din siya kayang hilain, kahit na nasa tubig kami, nabibigatan parin ako.

Napa-iyak nalang ako sa kaba at tinulongan siyang maka-angat sa tubig kasi parang hinihila na siya pailalim.

"Hanz! Waaahhhh!!!!"
Ang lakas na talaga ng iyak ko, ano bang gagawin ko?!

"Tulong! Zack! Christian! Tulongan niyo kami!!! Waahhh!!!"
Lumingon ako sa kanila ni Zack pero hindi nila ako marinig kaya lumingon nalang ulit ako kay Hanz, pero nakangiti na siya.

"Siraulo! That wasn't funny!"
Sinuntok ko siya sa dibdib niya at lumangoy na ako palayo sa kanya.
Naramdaman ko ang kamay niyang kumapit sa tiyan ko kaya napatigil ako sa paglangoy. Iniharap niya ako sa kanya so I rolled her eyes on him.

"AHAHAHA! I'm sorry Alethea."

"Hindi yun nakakatawa Hanz, pano nalang kung nagka cramps ka talaga? Akala mo ba matutulongan kita?!"
Sinapak ko ulit siya sa braso pero agad niya itong hinuli at hinila kaya napalapit ako sa kanya.
Seryoso niya akong tiningnan at ganon din ang ginawa ko, he's getting closer to me kaya mas kinakabahan na ako.
Malapit na talaga! Is he going to kiss me!!??
Waahhh!!

Seducing Mr. NGSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon