First day of school na mga pre!
College student na ako!!! Yeay!And since first day of school ngayon, maaga talaga akong nagising! Natapos na akong maghanda pero kakagising lang ng kuya ko. Ang tamad talaga ng baklang yun.
Mabuti na nga lang at naka abot pa kami ni Kuya sa flag ceremony.Every Monday lang kasi ang flag ceremony namin.
And now, nandito ako sa hallway at naghahanap ng room ko. Kanina ko pa hinahanap ang room namin pero hindi ko pa nahahanap.
Ang hirap talaga pag freshman.Tiningnan ko ulit ang papel kung saan naka print ang schedule ko at naghanap ulit.
Wala bang map ang school na to?! Naman eh!!
Tiningnan ko ulit yung papel, baka kasi may naka print na map dito pero wala naman eh!!!
Napatigil nalang ako sa pagbabasa ng may biglang nakabangga sakin. Agad niyang pinulot ang mga papel ko at tumayo ulit para ibigay sakin ang mga ito.
Si Nickolas!
"Oh, Alethea. Nawawala ka ba? AHAHAH?"
"Err~ Hindi ko pa kabisado tong school nuh! Hindi ka pa ba busy ? Samahan mo naman ako oh? Kanina ko pa hinahanap ang room ko eh."
"Sure, anong room ba yan?"
Itinuro ko kaagad ang schedule ko at nagets niya naman agad."Ahh~ sa room 204! Follow me, nasa third floor pa yun eh."
Tumalikod na siya kaya sumunod na ako sa paglakad pero nagulat nalang ako ng hawakan niya ang kamay ko.I looked at our hands at tumingin ulit sa kanya. He just smiled at me at nagsimula na kaming maglakad.
Hinayaan ko nalang siyang hilain ako papuntang third floor.
Nung huminto na kami sa tapat ng isang room, tiningnan ko muna ito.
Nasa room 204 na nga kami. Marami ng ibang students sa loob kaya humarap na ako sa kanya para magpasalamat."Hmm~ Thank you Nickolas!"
"No problem, anything for you. Paano ba yan? Balik na ako sa baba ah? If you need any help, just call me."
Tumango lang ako sa kanya at nag smile.Napatingin ulit ako sa kamay namin na magkahawak, errr~
Napatingin din si Nick sa kamay namin and he laughed awkwardly."Oh! Heheh. Sorry."
Sabi niya sabay bitaw sa kamay ko. Nag wave nalang siya sakin at hinintay akong makapasok sa loob ng room."Bye."
Nag wave na din ako sa kanya at pumasok na ng room.Yung iba, may kanya kanya ng grupo, yung mga lalaki, nagtatawanan na, may grupo din ng mga babae na nag-uusap, meron ding mga loner.
Naghanap nalang ako ng sarili kong seat.
Gladly, may vacant seat sa gilid ng malaking window, dun nalang ako umupo at napatingin sa labas ng window.
I can see the whole field of the school.Kailangan ko ng sanayin ang sarili ko sa bagong environment nato.
I'm a college student now, so kailangan ko ng magbago.Nang dumating na ang class adviser namin, nagpakilala na kaming lahat, pati na rin ang teacher namin.
Nag vote na din kami para sa class officers, and guess what?I'm the class Mayor! AHAHAH
Matalino daw kasi ako, at marami din pala ang nakakakilala sakin dito sa room kasi nakikita daw nila ako sa mga contests dati.May mga kaibigan na din ako. Yung mga loner kanina, naging kaibigan ko na din.
As time goes by, nakakapag-adjust na ako sa bagong school ko.
I'm getting happier.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. NGSB
Teen FictionSi Eric Hanz de Guzman ay isang NGSB na cold-hearted, super masungit at heartbreaker ng kanilang school. He's not a gay! Ayaw niya lang talagang magmahal! But, what if makilala niya ang isang babaeng opposite ng ugali niya, si Jan Alethea Reyes, is...