Melrein's PoV
"Ang tagal.." Reklamo ko kay Louie. Ang tagal kasi nitong gumayak. 6:30 na ng umaga pero hindi parin kami nakakaalis.
"Ano ba, Mel? 6:30 lang oh! 8:30 pa ang assembly. Napakaexcited mong gago ka!" Ganting sigaw nito sa akin.
"Alam ko, e babyahe pa tayo pa- Manila." Itong siraulo kasing ito, nagpasundo e nasa Laurel, Batangas siya. Nasa Manila ang Wattpad Academy. Ano'ng oras pa kami makakarating doon?
"Ito na nga oh, tapos na." Sabi nito pero patuloy pa rin sa pag spray ng perfume habang bitbit ang mga maleta niya. Adik talaga to sa perfume.
"Tulungan mo naman ako dito," sabi niya pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na sa kotse. Hinayaan ko siyang magpasok ng maleta niya mag-isa. Pinaghintay niya ako ng isang oras na mahigit e.
"Let's go." Sabi ko bago ini-start ang makina ng kotse ko.
Walang imik si Louie buong byahe na very unusual kaya nilingon ko siya. Tulog pala ang gago. Napailing nalang ako't itinuloy ang pagmamaneho.
...
@Wattpad Academy
8:15 na kami nakarating sa Academy dahil traffic din. Nakakainis, akala ko makakarating kami at 8 o'clock pero ang bagal ni Louie.
"Meeeeel!" Akmang susunggaban ako ng yakap ni Julia pero agad ko siyang pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa magkabilang braso siya.
"Uh,uh,uh Stop right there, Julia." Sabi ko at umiling iling la.
"Mel naman e! Bakit ba ang tagal niyo?" Tanong nito. I looked at Louie.
"Oh? Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong naman nito. Umiling ulit ako bago naglakad papasok sa eskwelahan. Agad napaikot ang paningin ko pagkapasok ko ng eskwelahan- I mean ng gate pa lang pala. May isang malaking fountain sa gitna at may arc ito na may nakaukit na "Wattpad Academy". May roong mini garden na nakapalibot dito. Ang fountain ang nagseseparate sa dalawang daan- ang entrance at exit. Pwede palang ipasok yung sasakyan, di naman nila ako sinabihan. Binigay ko dun sa guard yung susi dahil pwede daw na sila na ang magpark noon. Naglakad ako palapit sa isang malapalasyong building. Well, it really looks like a palace. Tanaw mula sa gate ang isang parang hallway na kumokonekta sa mala palasyong building at sa isa pang building. Mayroon pang separate na pabilog na building sa tabi nito at may parang mini garden sa gitna ng dalawang building.
"Ang ganda talagaaaa," manghang manghang komento ni Julia. She's right. The place's awesome. Mukhang sulit na sulit ang ibinayad namin dito.
"Tara na sa loob," yaya niya pa kaya pumasok na kami.
Pagkapasok namin ay bumungad sa amin ang mataas na ceiling. Mala palasyo din pala ang loob nito. Ginto ang kulay ng mga pader maging ang sahig pero hindi ito nakakasilaw.
Kita namin ang kumpol kumpol na mga kababaihan at ilang kalalakihan. Nagkukwentuhan at syempre ang topic nila ay Wattpad. Diary ng Pangit, Hell University, That Girl- name it, they're talking about it.
"Students, please proceed to the Main Hall." Napalingon kami sa speaker na pinagmulan ng boses. Dalawang beses pa itong inulit at sumabay na kami sa dagat ng taong patungo sa sinasabing Main Hall. May kung sino'ng nagtuturo ng daan sa unahan.
Pagkarating sa Main Hall daw ay punong puno ito. Sakto ang upuan dahil limited slots lang ang pinayagang makapasok dito. 200 students lang ang makakaexperience ng napakagandang school na ito.
"Good morning everyone." Bati ng isang nakangiting babae sa itaas ng stage. She must be Christialene?
"As you can see, mag-isa ako dito sa unahan. I want to tell everyone na I'm hiring administrators. 10 Administrators and 3 Head Administrators. If you're interested, you can visit me at Building Roswell, 3rd floor, 1st room to the right." Walang umimik, well sino at ano ba ang dapat sabihin?
"Anyway, I want you guys to know everything about this Academy. On my sweet 16th birthday, my grandfather asked me for a gift so I wished for this academy. One year itong itinayo't pinaganda ng mga tauhan ng lolo ko. As a wattpader, syempre pangarap ko ito at alam kong kayo rin kaya naman..." Tumigil it saglit at tumalikod. Biglang may lumabas sa-wait, LED ba yung nasa likod niya? Wow. Napakalaki nito. May nakasulat na-
"Welcome to Wattpad Academy!" Pagbasa niya sa nakasulat.
"Your dream summer school but can also give you the worst punishment. Don't ask about it. You'll know it the moment you failed to obey the rule.
This is an academy that was built and is still ruled by the teens. An academy that every wattpader always dreams. An academy where stories are subjects, activities are also about those. An academy where you can talk anything about wattpad wherever inside the academy you want and whenever you want. It's an amazing academy for every wattpader but I'm telling you it's not as perfect as you think it is. We have one rule that you must obey:
'Don't fall in love with your co-wattpader'," alam ko na lahat kami'y nabasa na iyon sa site pero hindi pa rin naiwasang mapa "aww" lalo na ng mga kababaihan.
"Hep,hep,hep. Hindi pa ako tapos. Don't fall in love with your co-wattpader for we are all wattpaders who are having the same wattpader's blood. We're brothers and sisters here. You don't date your siblings, do you?" Seryosong saad nito. Funny and corny to hear but I can see and understand what she's pointing out.
"Wattpaders Family. I now officially open Wattpad Academy for all of you. By the way I am Christialene Mae and you can call me Chrim. Schedules will be distributed by our soon administrators. You may now go to your dorms. Facilitators will be leading you. To those who're interested to become an administrator, please see me at my office. Good day and see you again tomorrow and enjoy our academy for the whole day!" Nagsigawan ang mga wattpaders at kanya kanyang labas na ng hall.
Hhmm, administrator? Why not?
...
BINABASA MO ANG
Wattpad Academy
Mystery / ThrillerHIGHEST RANKS ACHIEVED: #1- Teens (11-28-18) #3- Teen Fiction (11-28-18) Welcome to Wattpad Academy, your dream summer school but can also give you the worst punishment. An academy that was built and is still ruled by the teens. An academy that ever...