Chapter 24- Another shot

58 5 0
                                    

Chrim's PoV




Melrein: Elle's awake.

Chrim: Omg, really?

Melrein: Yeah but you don't need to fly here because of the news. You can see her after your competition.

Chrim: Oh shookt. Right, I'm so nervous right now. Ilang minuto na lang ay sasalang na kami sa maghapong pagtatype.

Melrein: Wag kang kabahan. Alam kong kaya mo. Are foods allowed inside or you'll go out for snacks and lunch?

Chrim: Lunch lang, unless matapos agad yung one shot. No phones allowed.

Melrein: Ohh, ok. How many minutes do you still have before going in?

Chrim: 20 minutes. It'll start at 8am.

Melrein: Ok, let's stop chatting for a while, empty your mind for that 20 minutes. Relax yourself. Good luck! I know you can do it.

Chrim: Ok, thank you. Wala ka pang klase?

Melrein: 8:30 pa.

Chrim: Ok

Itinago ko ang phone ko sa bulsa ng bag ko sa harap. Isinukbit ko na ito at dumiretso na sa labas ng kwartong papasukin namin. Dito na lang ako maghihintay kasama ang iba. Nasaan kaya si ate Lance?

"Chrim!" Speaking of the devil.

"Ate Lance!" She kissed my cheek na agad kong pinahid nang pabiro. Hindi talaga ako sanay na may humahalik sa pisngi ko lalo't babae, kahit pa pinsan ko siya.

"Tara upo muna tayo." She said and pulled me towards a long chair. Naupo kami't nagkwentuhan muna hanggang sa tinawag na kami para pumasok sa loob. Dahil nga magkasunod ang Region IV-A and B ay magkatabi kami ni Ate Lance. Ang daya, ate Lance have won many contests bigger than this and some are international kaya dapat ay hindi na siya pwede sa ganito. Hahaha joke lang.

One-seat-apart ang upuan namin at may kanya kanyang lamesa. All contestants are required to bring a ballpen, a pad of paper, a laptop and a flashdrive na siya lang laman ng lamesa. Medyo malaki ang lamesa kaya hindi naman hassle.

Pinapili kami ng isa sa mga theme:
Family
Friendship
Forgotten Love
Endless Love
Right person at the wrong time

I chose Family but while writing, I don't know why but my thoughts pushed me that I actually finished the one shot with "Forgotten Love" as its theme and not family. All I can do is ask myself what happened but of course I don't know.

I finished the one shot for almost 6 hours, dumaan pa si Juan sa katawan ko e, hahaha. Nakalabas ako ng kwartong iyon nang 2:30pm dahil 30 minutes ang lunch break. I went to my assigned room and fix my things para pagkatapos ng awarding bukas ay makakaalis ako kaagad pabalik sa Academy. Sino'ng maysabing excited ako? I'm not!

"How was it?" Ate Lance asked.

"Ok lang." Sabi ko. Nginitian ko siya and she did the same. We're roommates pero bigla siyang nawala kanina kaya naman hindi kami sabay na pumunta sa room kung saan kami gagawa ng one shot. I took a look at my pad paper. Sayang naman 'to. Hindi ko nagamit miski isang papel, diretso type na kasi ako sa Laptop, may backspace naman kasi.

"Sabay na tayong umuwi bukas?"

"Sige lang, 'Te. Kanino tayo magpapasundo?" I asked.

"Tawagan mo na lang ang kuya mo, siya na kamo bahalang magpadala ng susundo sa atin." She said and I nodded. I tried calling Kuya Christian but he's not answering the call. I started to feel nervous. Ano kayang nangyayari?

...

Melrein's PoV






"Paano nangyari 'yon?" Takang tanong ni Christian.

"Ang alam ko lang, tinawag si Mariel ng teacher at may itinanong. We're listening dahil madalas ay nagpapasurprise quiz ang teacher na iyon then we heard a gun shot. The next thing we know, nakahiga na sa sahig si Mariel." Sagot ni Venus.

All the admins were classmates in this subject, the TBYD. Lahat kami ay nakawitness sa nangyari kay Mariel. Ngayon, critical ang lagay niya at nasa ospital siya. What the hell, right? Kagigising lang ni Elle, si Mariel naman ngayon. Hindi ba nagsasawa ang ospital sa estudyante ng Wattpad Academy? Ako sawa na sa ambiance ng hospital sa kakabisita namin.

"We need to figure out what exactly happened. I mean, sa labas galing ang bala diba? Imposible namang sa loob. Did it go through the window? Door? or what?" Christian asked again.

"Window. Basag ang bintana at ang nakaupo malapit doon ay nasa hospital din. Malakas ang impact ng bala sa bintana kaya nabasag ito't tumama ang ilang parte sa estudyanteng iyon. The doctor said she's free from any critical conditions anymore." Sabi ni Julie Anne na siyang kausap ng doctor kanina.

Pakiramdam ko, hindi lang nadamay ang babaeng nasa tapat ng bintana. Posibleng pati siya ay target kahit pa saktong sakto ang bala kay Mariel. Just by thinking how hard the bullet's impact is, I can say na pati siya ay sinadyang saktan ng kung sino mang bumaril ang nakaupo sa bintana. There are also lots of other windows na mas magagandang anggulo at diretso kay Mariel ang bala pero mas pinili niya ang nasa dulo kung saan kaunti lang ang porsyentong tatamaan nga ito. Kung tumungo pa ang babae sa tabi ng bintana ay malamang na maheheadshot ito.

"Don't tell it to my sister yet. Baka mawala siya sa focus. I'll just investigate something to confirm my hypothesis." He said and left us. Pareho kaya kami ng iniisip?

...

Chrim's PoV






"3rd place is from...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Region IV- A, Christialene Mae Jioson a.k.a. Chrim!" I went up the stage as cheers filled the room. I hold the certificates they gave me and gladly accept the medal na isinuot sakin ng head ng Wattpaderians. I smile and wait for the camera to capture my picture.

Wow, it's an honor to be the representative already tapos nanalo pa akong 3rd place? This is amazing, to think na tumagilid pa ang theme matapos ang paunang dalawa o tatlong sentences ng one shot ko. Hahaha

At syempre, hindi ako nagkamali sa hula kong si Ate Lance ang magwawagi ng 1st place. We took several photos before we decided to leave the auditorium and went back to the Academy.

...

A/N: Heyo! The one shot story with the theme "Forgotten Love" will be published in the next part of the story incase you want to read it. :)

See you next chappie everyone!

Wattpad AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon