Chrim's PoV
Hindi porke may ari ako ay hindi na ako kasama sa mga klase. Estudyante rin ako dito. Narito ako sa last subject ko, ang ILYS1892.
"Saan unang nagkita sina Ginoong Juanito at Binibining Carmela sa katauhan ni Binibining Carmelita?" Tanong ng aming guro- Teacher. Hala, nahahawa na ako. Hahaha, bawal kasing mag english sa subject na ito. Magagalit daw si Ginoong Juanito- este si Kuya Christian. Fave niya ito at gusto niya talagang binubuhay ang mga karakter ng ILYS1892.
"SA KUMBENTOOOO!" sigaw ng isang tila kinikilig pa. Jusko, saan galing yung tila? Omg, feeling ko paglabas ko dito, Maria Clara II na ako. Hahaha
"Hindi!" Sigaw naman ng isa sa bandang likuran.
"Kung ganoon saan, binibining Crystel?" Tanong ni Ma'am Cruz.
"Sa daan," nanatili kaming nakatingin sa kanya, waiting for something na idudugtong niya pero wala kaming nakuhang kasunod.
"Tama naman si Binibining Crystel. Oh sige Ginoong Michael, paano naman ito nangyari?" Tanong ni Ma'am Cruz.
Tumayo ang tinawag niyang Michael. Ang galing ni Ma'am, kilala niya agad e first day at first class niya ito at isnag beses lang kami nagpakilala.
"Muntik mabangga ng kalesa si Car-," pinutol ito ni Ma'am Cruz.
"Binibining Carmela," pagtatama nito. Napairap si Michael sa nangyaring correction. As far as I know, galing France ito at umuwi dito sa Pilipinas dahil sa best friend niya na inaya siyang magsummer class dito. Nakakatuwa naman.
"Muntik mabangga si BINIBINING CARMELA ng kalesa subalit nailigtas siya ni Jua-," pinutol siyang muli ni Ma'am Cruz.
"Ginoong Juanito," sinabayan ko ng bulong ang sinabi ni Ma'am Cruz dahil alam ko na ang sasabihin niya. Hahaha
"Nailigtas siya ni GINOONG JUANITO subalit nawalan din naman ng malay si BINIBINING CARMELA na nasa katauhan ni BINIBINING CARMELITA." Dugtong ni Michael at inemphasize pa ang "Binibini" at "Ginoo".
"Magaling. Nais kong basahin niyo ang Kabanata labing isa hanggang dalawampu. Magkakaroon ulit tayo ng talakayan bukas. Maari na kayong magsilabas." Nakangiting saad nito bago nag-ayos ng gamit niya. Makikitang bitin ang bawat isa. Lumabas na sila at alam kong sa Main Hall na ang tungo nila para magpalista sa club na sasalihan nila. Sa Fantasy ako nagpalista dahil iyon talaga ang paborito ko. Teka, napapalalim na tagalog nanaman ako e.
"Hi, saan ka magpapalista?" tanong ko sa babaeng sumagot kanina. Crystel?
"Sa Fantasy ako." Sabi niya at nginitian ako. We're walking together towards the Main Hall at nakikita kong medyo nag-uunahan silang pumasok.
"Ahh, pareho pala tayo. I'm Chrim." Sabi ko rito.
"Crystel. You can call me Kring." Sabi naman niya.
"Ilang taon ka na?" Tanong ko. Honestly, ang ganda niya and the way she speaks, matured na.
"I'm 19." Sagot nito. Ahh, kaya pala.
"Ahh, can I call you Ate, then? I'm 17 btw." Sabi ko at nginitian siya ng malapad.
"Sure." Sagot nito at saktong nakapasok na kami sa loob ng Main Hall.
Wala ka halos makakausap sa mga administrators dahil busy sila sa pagpapalista. Nakita ko rin ang mga facilitators na h-in-ire ni kuya na siyang nagsisilbing hati ng mga linya. Naka purple ang mga ito na siyang kulay ng academy dahil yun ang favorite color ko. Dahil pare pareho nga sila ng damit ay kitang kita ang hati ng mga linya kaya naman malinis tingnan. Napangiti ako dahil doon.
BINABASA MO ANG
Wattpad Academy
Mystery / ThrillerHIGHEST RANKS ACHIEVED: #1- Teens (11-28-18) #3- Teen Fiction (11-28-18) Welcome to Wattpad Academy, your dream summer school but can also give you the worst punishment. An academy that was built and is still ruled by the teens. An academy that ever...