A/N: This is Chrim's entry for the one shot contest. Of course, everything that's in here isn't connected with this story.
This is entitled "The One" with the theme "Forgotten Love"
Enjoy reading! :)
...
There's no place like home, that's what they said. A home is a place where all members of the family are living. Para naman sa mga kagaya kong wala ng pamilya, our friends are our family and our home. Ganyan ang paniniwala ko noon but not until he came into my life 4 years ago. He became my strength, my best friend, my brother, my father and my boyfriend. He became my home.
He's my boyfriend for almost 4 years now. Maraming nagsasabing minalas man ako sa pamilya, sinwerte naman ako sa love life. Napaka fair daw ng buhay ko. Napakabait ng boyfriend ko, napakasweet, matalino, gwapo. He's almost perfect. Hindi ko masasabing perfect dahil syempre may kulang at mali din naman sa kanya.
"Thank you", ang tangi kong nasabi bago amuyin ang bulaklak na binigay niya. Para akong may supply ng bulaklak dahil tuwing umaga'y may dala siya pero five months nang wala dahil pumunta siya sa Japan para mag training, ngayon nalang ulit niya ako dinalhan. Kakauwi lang niya kahapon.Mayroon akong garden, mahilig talaga ako sa mga bulaklak at halaman.
Hindi siya umimik at sa halip ay tumango lang which I found weird. Araw araw niyang pinipisil ang pisngi ko habang nakangiti pagkakatapos kong magpasalamat sa kanya.
"May problema ba?", tanong ko at hinawakan ang chin niya at iniharap sa akin pero iniiwas parin niya ang mukha niya. Lalong napakunot ang noo ko.
"Wala.", simpleng sagot nito. Dahil sa ibang direksyon siya nakatingin, lumipat ako ng pwesto para makita ang mukha niya.
"Ano'ng nangyari sayo, Nick?", gulat na tanong ko. Pulang pula ang mata niya, hindi naman ako nainform na vampire pala ito. Joke lang.
"Wala", sagot parin niya.
"May sore eyes ka?", tanong ko.
"Wala.", ang tanging sagot niya parin.
"Hindi ako nainform na favorite word mo ang 'wala'", pabirong sabi ko pero para bang hindi niya ako narinig.
"Eh ano ngang nangyari sa mata mo? bakit ang pula niyan?", tanong kong muli pero hindi parin siya umimik. Sa inis ko ay marahas kong ibinato ang bulaklak sa dibdib niya at naglakad palayo. Ine-expect ko na susundan niya ako pero hindi. Walang Nick na sumunod.
Napakunot ang noo ko nang bigla kong makita ang kaibigan ni Nick sa harap ng bahay nila. Magkatabi lang ang bahay nina Nick at bahay ko. Ano'ng ginagawa niya sa tapat ng bahay ni Nick?
"Aldrin, bakit ka nandito?", tanong ko.
"Hindi ba nasabi sayo ni Nick?", tanong niya.
"Ano yon?", takang tanong ko. Nick's very weird. Ano'ng matinong sagot ang makukuha ko mula sa kanya?
"Eto yung mga halaman galing sa supplier niya. Hindi mo ba alam na nagbebenta ng halaman si Nick? Tito ko ang supplier niya.", si Nick? Nagbebenta ng halaman? I'm a nature lover, dapat sinabi niya sa akin para hindi lang siya ang nag eenjoy sa pagbebenta. Kainis yun ah.
"Hindi niya nabanggit sa akin e.", sabi ko nalang.
"Eh? Dalawang buwan na siyang nagbebenta mula nang makauwi siya dito.", para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Aldrin.
"A-ano'ng sabi mo?", kinakabahang tanong ko.
"Bingi ka na?", gusto ko siyang batukan dahil sa tanong niya pero hindi ito ang tamang oras para gawin yun.
BINABASA MO ANG
Wattpad Academy
Mystery / ThrillerHIGHEST RANKS ACHIEVED: #1- Teens (11-28-18) #3- Teen Fiction (11-28-18) Welcome to Wattpad Academy, your dream summer school but can also give you the worst punishment. An academy that was built and is still ruled by the teens. An academy that ever...