Chapter 20- The Talks

62 5 6
                                    

Chrim's PoV





"CHRIS! BAKIT TULOG KA PA?" agad akong napabalikwas sa sigaw na 'yon.

"Kuya! You don't need to shout!" sabi ko bago kinusot ang mga mata ko at tinanggal ang pagkakabalot ng kumot sa katawan ko pero niyakap pa din ang katabi kong si Chrissa na humihilik pa.

"I don't need to shout? Bumangon ka na dyan o baka gusto mong marinig ang shout talaga!" Sabi nito at inalis ang kamay kong nakayakap kay Chrissa. Nakanguso akong umupo sa kama at nagkusot ng mga mata ko.

"Ayusin mo yang nguso mo, gugupitin ko yan e." Sabi nito at inayos ang kumot ni Chrissa.

"Bakit ba ang sungit mo, Kuya?" Tanong ko bago dumiretso sa lababo sa kusina ko at nagtoothbrush. Ininom ko na din ang gamot ko para after kong maligo ay ok na ang 30 minutes at pwede na akong kumain. Ganito naman ang routine ko araw araw e, nakakasawa na.

"Paano kasi may namatay nanaman sa romance club--ah shit! Nasabi ko." Sabi nito at sinampal ang sariling noo. Naging dahilan ang sinabi niya para mabitawan ko ang basong hawak ko.

"Shit, Chris! Ok ka lang?" Nag-aalalang tanong nito at dali dali akong nilapitan.

"Sumosobra na siya." Sabi ko. Nakakailan na siya? 3?4? I lost count, damn him!

"I need to see him--," Kuya Christian cut me off.

"NO! YOU ARE NOT GOING TO SEE HIM AGAIN!" Sigaw nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Why?"

"Makakasama sayo! Baka kung ano pa ang gawin niya sa--," This time, I cut him off.

"You know he can't lay a finger on me." Seryosong sabi ko.

"Oo pero maaaring magbago yon! He's crazy and you know that!"

"Which is my fault!" Sabi ko at naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

"Kung hindi dahil sakin, hindi siya magkakaganon. Kung hindi dahil sakin hindi niya ito gagawin. Kasalanan ko." Dugtong ko pa.

"No, Chris. It's not your fault. Wala kang kasalanan, ok?" Sabi nito at niyakap ako.

"Dad? Tita? What's happening?" Napalingon kami sa nagising naming si Chrissa.

"Nothing, baby. You can still go back to your sleep." Sabi ni Kuya at tumango naman si Chrissa.

"You're not going to see him, ok?" Wala sa sariling tumango na lang ako. I'm sorry Kuya but I need to see him. Not now, but maybe later.

Naligo na ako bago dumiretso sa club room. Busy ang lahat para sa darating na contest. Next week will be the Final Examinations, hindi naman kailangan ng puspusang review ito and next next week will be the contest. It would be one of the awards that will be given on the day of the completion of Wattpad Academy.

"Pakipasa na lang sakin, I'll read it. Pwede na kayong magliwaliw muna. Binuksang muli ng admins ang ilang booths na ginamit noong acquaintance festival kaya pwede kayong mamalagi doon." Sabi ko at naupo sa isang chair doon. Ibinigay nila sakin ang mga papel at agad na ding nagsialisan. May isang lalaki lang na naiwan. Tumabi ito sa akin at iniabot ang hawak na papel.

"Can you check mine first? Wanna hear your thoughts." Napalingon naman ako sa kanya. Kaya pala siya umupo pa sa tabi ko. Tumango na lang ako at binasa ang Prologue niya.

"Ok naman. Medyo confusing siya sa umpisa, I mean oo dapat mapatanong mo yung reader mo pero hindi dapat puro 'ha?' yung tanong nila pero ayos naman yung pagitna and padulo, nalighten up nila yung umpisa to give more intense and question marks talaga sa readers. Take your time choosing words na mapapaattract mo yung readers. Yung tipo bang maganda yung pagkakaconstruct mo ng sentence mo." Sabi ko at iniabot sa kanya yung papel.

"Ok, salamat." Sabi nito na tinanguan ko lang. I thought he'll leave already but he stayed on his sit.

"May kailangan ka pa ba?" I asked.

"Chrimmy.."

"Hhmm?"

"Wag kang magsasawa ah?" Napalingon ako sa kanya nang magsalita siya.

"Ha?"

"Wag kang magsasawa sa pagchecheck ng gawa ko, ng prologue ko." Sabi nito na wala sa sariling ikinatango ko na lang.

"And.." Hindi ko inalis sa kanya ang titig ko dahil para ngang may isusunod pa siya.

"Bumalik ka na.."

"Ha?" Puro ha na lang ba ang masasabi ko dito? -_-

"You seem different. Namimiss na kita." Sabi nito na ikinaiwas ko ng tingin.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" I asked.

"Itong Academy. Masaya Chrim, oo. But then..." he stopped for a while.

"Ikaw..."

"Ano'ng ako? Tell me, nagbago ba ako?" I asked.

"You know what... bukod sa saya sa loob ng Academy, ikaw mismo.. dinala mo kami sa ere tapos bigla mo kaming iniwan doon." Sabi nito na ikinatungo ko. So that's how he feel?

"I'm sorry. I just can't... nevermind." Sabi ko na lang. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko but I know somehow... he affects me. That fvcking confession of mine and his rejection affects me. Isa pa, yung patayan na nagaganap dito.

"Kaya sana bumalik ka na.." sabinniya pa.

"I'm really sorry kung ganoon pala ang tingin niyo." Sabi ko pang muli.

"Just.. Just come back to your old self. The joyful Ch--," he was cut off when we heard something. Parang may lumagabag. We both went out at hinanap ang pinanggalingan ng tunog.

"Sino na?" We heard a voice. I know it's his voice.

"I-I don't know." That voice, damn it sounds familiar!

"Fvck Louie! Alam kong meron kang alam kung sino na ang mga naiinlove dito!" Nanlaki ang mata ko sa narinig naming muli. Nagkatinginan kami ni Kuya Melrein. Si Kuya Louie? Don't tell me siya ang... oh my gosh, that can't be!

"WALA AKONG ALAM!" And now I'm sure... it really is Kuya Louie!

Sinundan namin ang pinanggalingan ng boses at natagpuan sila sa locker room katabi ng club room namin.

Agad niya akong nakita kaya't ibinaba niya ang sumbrero nang makitang may kasama ako. Tumakbo ito agad. Nanatili akong nakatitig sa dahan dahang lumingong si Kuya Louie, I guess ganoon din si Kuya Melrein. We're both shocked.

"C-Chrim.. M-Mel.."

"L-Louie, what the hell's the meaning of this?" Unang nakabawi si Kuya Melrein. Right, alam niyang ang tinutukoy nilang naiinlove ay ang susunod na mamamatay. Alam na nga pala niya. I know he has something in his mind right now.

"I... can't explain." Ang tanging nasabi ni Kuya Louie. Taliwas sa sagot na "I can explain," na siyang inaasahan ko.

...

A/N: THE EYE! THE EYE, THE EYE, THE EYE! THE EYE HAS BEEN REVEALED AND SEEN! Lolz 😂 Akala ko hindi ako makakapag UD tonight dahil sa pagod sa launching ng Year of the Youth kanina pero kahit pagod, I want to tyyyyyype. Hahaha so ayon, hindi ito maiksi ah! Pero hindi rin mahaba, wala sinasabi ko lang kasi ang iksi nung kagabi. 😂

So ayon, see you next chappie! Mwamwa!

Wattpad AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon