Chapter 11- Acquaintance Festival (Day 1)

81 10 7
                                    

Chrim's PoV







Medyo masama pa ang pakiramdam ko but I can't miss this day. Today is Wattpad Academy's Acquaintance Festival Day 1! There are lots of books for prizes, there are also arcade, quizzes, the usual jail booth and kissing booth pero walang marriage booth dahil hindi iyon inaprubahan ni Kuya. It's against the rule kasi. Ang kissing booth naman ay pinayagan na dahil hindi lang naman magkasintahan ang naghahalikan.

"You're going out?" Tanong ni Ate Clara. Tumango ako.

"Hindi ka ba sasama ate Clara?" Tanong ko.

"Susunod kami. Aayusan ko lang si Chrissa." Sabi nito at ginising si Chrissa na mahimbing pa rin na natutulog sa kama ko. We've been sleeping in my bed while kuya's sleeping on the sofabed.

"Sige ate. Una na ako," sabi ko at lumabas ng dorm. Ang ganda ng panahon, omg.

Dumiretso muna ako sa Admins' office at natagpuan ko doon si Kuya Louie na busy pang-aagaw ng pagkain ni Kuya Melrein.

"Go get your own!" Iritang sabi ni Kuya Melrein at pilit inilalayo ang lunch box na hindi naman bukas.

"Uy, Chrim!" Kumaway si Kuya Louie sa akin and I did the same. Napalingon naman sa akin si Kuya Melrein pero hindi man lang ito ngumiti. Para siyang si ano, si... Hu Yi Tian sa A Love So Beautiful na pinapanood ko ngayon. Hhmm

"Hindi ka pa nakain, Kuya Louie?" Tanong ko at umupo sa tapat nila. Kaming tatlo lang ang tao, I wonder where are the others. Baka busy, it's 6am at 7:30 ang official na pagbubukas ng Festival.

"He already ate, he just got a big big big big tummy." Napangiti ako sa ginamit niyang term. "Tummy," ang cute.

"How 'bout you?" Tanong niya sa akin. Umiling ako. Inabot naman niya ang lunch box sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"What? Tititigan mo na lang ako?" Pwede ba? Oh of course I'm not gonna say that!

"Eh ano'ng gusto mong gawin ko?" I asked.

"Throw it if you want, eat it if you don't want." Napailing ako sa magkabaliktad na sinabi niya.

"Ito na ba yung part na dapat eexit na ako? Sana naman sabihan niyo ako!" Sabi ni Kuya Louie at padabog na lumabas ng Office. Natawa ako ng bahagya bago binuksan ang lunch box at kulang na lang ay maghugis puso ang mga mata ko.

EGG ROLLS!

Agad kong kinuha ang chopsticks na hawak niya at sumubo. Yuuuuuum!

"You don't look hungry, promise." Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ang pagkain.

...

8am

"Wooooow," There's a big cake na may logo ng wattpad sa mini stage dito sa Main Hall. 8am na at tapos na ang opening program. Everyone is now allowed to enjoy the festival. Grabe, I didn't know they'll provide a cake like this.

"Can I eat that?" Tanong ni Chrissa kaya natawa ako.

"Of course, baby but later na, ok?" I said and kissed her cheeks.

"Chrimmy!" Lumingon ako and saw Kuya Melrein running towards me. I smiled as I remember my breakfast a while ago.

"Aren't you gonna enjoy the booths?" Tanong nito. Hindi ako sumagot, sa halip ay hinawakan ko ang kamay nito at hinila habang tumatakbo ako papunta sa field kung saan nakahilera ang mga booths. Una kong pinuntahan ang Ice Chrim este Ice Cream and sweets booth. Syempre ito ang uunahin ko! Mayroong iba't-ibang flavors ng ice cream. Mayroon ding iba't-ibang design ng cakes/cupcakes na may mukha or miniature ng mga fictional character, uhh-- their chibi.

Umorder agad ako ng ube.

"Flavor, kuya?" I asked.

"Strawberry." Sagot ni Kuya Melrein kaya iniorder ko din siya ng strawberry. Natatakam na tiningnan ko ang ice cream at nang ibigay ito ay dapat babayaran ko na pero si Kuya na ang nagbayad. Nagpasalamat ako sa nagtitinda at lumipat ng booth. Wala pa akong mapagstay-an dahil may kinakain pa kaming ice cream.

We went to the arcade kung saan agad na natanaw ng aking mga mata ang basketball. Itinapon ko ang cup ng ice cream at hinila si Kuya sa basketball.

"Paramihan ng shoot!" Masiglang sabi ko.

"I'm not good at this." Sabi nito pero pinapaikot niya sa daliri ang bola. Niloloko ba ako nito?

"Ah basta! Ang mananalo ay manlilibre ng ice cream!" Masayang sabi ko.

"Ice cream again? And what? Ang mananalo? Shouldn't it be the loser?" He asked.

"No! That's common. Let's try the other way around." I said and swiped my card to play. Every student is given a card na kasama na sa binayaran nila noon.

We played and of course ano'ng aasahan? Syempre talo ako. I'm not good at basketball pero naeenjoy ko ito ng sobra. Yung bestfriend ko dati ang nagturo sa akin pero hindi naman ako natuto, hahaha.

"So, Ice cream!" Umiling iling ito sa sinabi ko at bumalik kami sa ice cream and sweets booth. Syempre ube ulit pero hindi na siya bumili ng sa kanya dahil madali daw siyang ubuhin. Well, ako rin naman.

Nang maubos ko ang ice cream ay hinila ko naman siya sa picture booth. Matatapos kaya ang araw na ito nang hindi napuputol ang kamay niya?

"Kuya 4 shots, 2 copies!" Sabi ko at tumango naman ang lalaking photographer. Pumwesto kami at nagpose pose. After a while, ibinigay sa amin ang dalawang kopya ng naka collage na 4 pictures namin. On the first two pictures ay nakapokerface lang si Kuya habang todo ngiti ako pero on the third picture ay umangat na ang gilid ng labi niya at full smile na ito sa last pic.

Ibinigay ko sa kanya ang isa at inilagay sa bag ko ang isa. Pinagmasdan ko siyang tingnan ang picture at automatic na napangiti din ako when he smiled a little. I know he smiled! I saw it!

...

Wattpad AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon