~Continuation of flashback. Still in Lewis' PoV
*dingdong*
Napalingon ako sa gate nang may mag doorbell. I was reading a book in front of the main door of our house.
I stood up and walk towards the gate and opened it.
"Hi!" I smiled as soon as I saw Chrim. He handed me the plate with baked mac on it.
"Favorite ko din ito. Niluto ni Kuya." She said and smiled.
"Thanks. Wanna come in?" I asked.
"Pwede?"
"Of course. Let's eat this. Halika, ipapakilala kita kay Mommy." Pumasok siya sa loob at sabay kaming nagtungo sa dining area.
Inilapag ko muna yung pagkain as I called my mother who's currently cooking our lunch.
"Mom, we have a visitor." Sabi ko.
"Really? Who?" She asked.
"A friend?" Alanganin kong sagot. Napalingon naman siya sakin.
She immediately removed the apron at tumakbo palabas ng kitchen. Napailing na lang ako. She's always excited sa tuwing may ipapakilala akong kaibigan but unfortunately, walang nagtatagal. Lahat sila umaalis at iniiwan ako sa tuwing nalalaman ang sikreto ko. Dahil doon, kinailangan kong lumipat ng school at minsan pati bahay.
"Hi hija! Ako nga pala ang mommy ni Lewis and you are?"
"Chrim po." She showed her bright smile to my mom. Grabe, kung makangiti siya parang wala siyang problema sa buhay. Sana ako din.
"Buti napadaan ka dito samin?" Naka ngiti ding tanong ni mommy.
"Ah opo, isinauli ko po yung plato na nilagyan ng carbonara kahapon. Nagdala din po ako ng bake mac na niluto ni Kuya." Paliwanag ni Chrim.
The telephone suddenly rings.
"Naku, yung kapatid mo yata tumatawag." Agad tumayo si Mommy at sinagot yung tawag. I have a younger brother who's studying abroad."Oh anak. Talaga? Sige sige." Pag kausap ni Mommy.
"Nagluluto si Mommy ng lunch. Hintayin natin bago tayo magsimulang kumain." I said.
"Sige." Sagot nya at t-in-ap yung katabi nyang upuan at syempre umupo ako doon.
"After 2 yrs pa daw ang uwi ng kapatid mo. After his graduation ceremony." Oo nga pala, gagraduate na siya ng elementary after 2 yrs. He's 12 yrs old and I'm 14.
Nag kwentuhan kami about sa mga buhay namin, childhood and everything. Nalaman ko din na namatay pala ang mommy niya at ayaw ng daddy niya na malungkot sila kaya lumipat sila ng bahay. Their house reminded them of their mother.
Napakabait ni Chrim. Napakamasiyahin. Nagkwento siya about her mother pero I can see na kinakaya niya kahit masakit. Napakatapang niya.
Ilang araw ang lumipas, nagtransfer si Chrim sa school namin. Sabay kaming pumapasok at umuuwi. We've became so close to each other hanggang sa dumating ang birthday ko, my 15th birthday and I decided na sabihin sa kanya na gusto ko na siya. I like her more than a friend. Hindi nagtagal ay naging kami. Pakiramdam ko tanggap na tanggap niya ako but thinking about the fact na hindi niya alam ang sikreto ko makes me sad. Of course tanggap niya ako, hindi naman niya alam ang tunay na ako e.
"Mom, I'll tell her my secret." Sabi ko as I look straight into her eyes.
"What? Nasisiraan ka na ba?" Gulat na tanong ni Mommy.
"Mom, girlfriend ko na si Chrim. Isn't it unfair to her na hindi niya alam kung ano talaga ako? Kung ano talaga ang boyfriend niya?"
"But Lewis. She won't accept you. Tingin mo ba magiging ganito pa din ang trato niya sayo sa oras na malaman niya? Lewis, I am your mother and I only want what's best for you and I know that Chrim's the best for you. Hindi ka na makakahanap ng babaeng kagaya niya." She said as she held my hand.
"Mom, malalaman at malalaman niya rin." I said.
"No, hindi ako papayag na malaman niya, ok? Hindi ako papayag na mawala siya sa'yo. Let your mom do this for you, Lewis." She said and this time, she caresses my cheeks as tears roll down.
Natatakot ako. Alam ko na malalaman at malalaman ni Chrim to at ayoko sana na hindi sa akin manggaling ito. Ayokong malaman niya pa sa iba.
But on the other hand, tama si Mommy. Maaaring magbago ang tingin ni Chrim sa akin.
"Mom, you think she's like that? Na iiwan niya rin ako?" I asked.
"Lewis, ilang kaibigang lalaki at babae na ba ang dumaan sayo? Nung nalaman nila, lahat sila iniwan ka diba?"
"Mom, she's different." I said.
"You can't say that. She's also a person na takot sa judgement. Maaari siyang madamay sa judgement ng tao sayo." She said.
"But mom, I love her."
"Exactly. You love her kaya wag mong hahayaang mawala siya sayo. Wag mong sasabihin sa kanya ang sikreto mo." May diing sabi nito.
Tumango ako.
"I won't. I won't tell her that I'm an intersex---,"
"Y-you're what?"
...
[Intersex
- a variation in sex characteristics including chromosomes, gonads, or genitals that do not allow an individual to be distinctly identified as male or female.
- mga taong isinisilang na may dalawang ari.
- Some intersex individuals are not always able to reproduce and may be infertile]A/N: Hey theeeere! Long time no update. 2 months passed since I last updated and I'm sorry for that. Just get through many things and hindi pa yun tapos but I know matatapos na din soon.
Thanks for still reading! Mwamwa!
BINABASA MO ANG
Wattpad Academy
Mystery / ThrillerHIGHEST RANKS ACHIEVED: #1- Teens (11-28-18) #3- Teen Fiction (11-28-18) Welcome to Wattpad Academy, your dream summer school but can also give you the worst punishment. An academy that was built and is still ruled by the teens. An academy that ever...